TWENTY SIX: Surrender

1.3K 104 16
                                    

gusto ko nga palang
magpasalamat
Sa lahat ng walang
Sawang sumusubay-bay sa.
Kwentong ito. Mahal na mahal ko
Kayo, salamat sa
Support niyo
#MayWards ♥️❤️
_____

Together..

Mira:

Hindi ko alam kung nakatulog pa ako, basta ang alam ko hindi na ako inantok pagkatapos kung magising ng madaling araw para umihi. Sumasagi parin sa isip ko ang pag uusap namin ni eman, naguguluhan ako kung paano niya nalaman ang lahat ng yun alam ko hindi pa siya nakaalala malakas ang kutob ko. Muli ko na naman naalala ang itsura niya, kung paano siya umiyak, parang pinipiga ang ang puso ko. Sa tagal naming magkaibigan ni eman ni minsan hindi ko siya nakitang nasaktan ng ganun! Kaya naman napag disisyonan kona na kausapin siya mamaya para matapos na..

Bumangon na ako para maghilamos! naka set na lahat, Ng plano ko ngayon araw, kakausapin ko siya sasabihin ko ang lahat wala akong ititira..

Nakangiti akong lumabas sa kwarto, pero yung ngiti nayun nawala ng wala akong naabutan na tao sa labas, pumunta ako sa labas ng bahay, nag bakasakali na andun siya ngunit wala. Ganun nalang ang panlulumo ko, bagsak ang balikat kong, bumalik ako sa loob ng bahay..

Luging lugi.

Nagugutom ako pero nawalan na ako ng gana, sobrang sarap ng pagkain na hinanda niya pakiramdam ko kahit gaano payun kasarap hindi nun mabubura ang sakit na nararamdaman ko, hindi kona nga alam kung nasaan ako, kung nagaalala ba yung mga taong naiwan ko, tapos heto ako nag iisa, sa liblib na lugar nato.. Muli akong sumilip sa labas, bughaw na karagatan, masarap na simoy ng hanging. Puting buhangin, nagtataasang coconat tree.. Panigurado marami din mangagandang cells na nasa dagat. Yung lang ang nakita ko!

Muli kong tiningnan ang pagkain na nasa harap ko, pero wala talaga akong gana! Kaya naisip kung, magpalit ng damit panligo.

Lulunurin ko ang sarili ko, kung may patingin jan magpapakain ako ng buo sa pating.. Kung ayaw niya siya kakainin ko ng buhay..

Gusto kung aliwin ang sarili ko, baka maaliw siya kahit papaano at mabawasan ang bigat ng dinadala niya.. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa mapagod ako! Pero ganun parin sa tuwing tumitingala ako sa kalangitan mukha ni eman ang nakikita ko. Sobrang nakukunsensya ako, oo may kasalanan naman ako, mas pinili kung manahimik.

Nag alala kalang mira!

Tama nag alala lang ako..
Pero paano ko yun ipapaliwanag? Ngayon ayaw niyang makinig?

Wala naman kasi siya.

Oo nga pala, napatampal ako sa ulo ko, oo nga naman! Nababaliw na ata ako at kinakausap ko ang sarili ko. Kaya bago pa man ako matuluyan, umahon ako sa dagat.
Nag banlaw muna saka ako kumain..

Akala ko hindi na ako magugutom pa.

Sumapit ang hapon hanggang gumabi, wala akong Leighton na nakita, baka iniwan na niya ako ditong mag isa at bumalik na siya sa lungsod.

Erase, erase, erase..

kahit gaano siya galit. Hindi naman niya ako iiwan dito. Sayang ang ganda ko. Pag kinain ako ng mababangis na hayup dito!

Kumuha ako ng jacket, kahit kinakabahan ako lumabas parin ako sa tabing dagat, ang Liwanag ng buwan akala mo umaga parin..

Nakatingala ako sa langit at nagdadasal sa buwan na sana bumalik na si eman at ng makapag usap na kami..

Dininig niya ang dasal ko, dahil habang Nakatingala ako sa kalangitan andun siya sa taas ko na nakayuko..

"eman" bigla akong napatayo dala ng pananabik ko sa kanya, ay bigla ko nalang siyang nayakap ng sobrang higpit at dun ako umiyak, humagolgol ako na pinagsiksakan ang mukha ko sa leeg niya. Nararamdaman ko ang maghina niyang haplos sa likod..

TADHANA (complete) Where stories live. Discover now