TWENTY FOUR: Again

1.1K 80 9
                                    

Mira Pov..

Pasalampak ako nahiga sa kama ko sa sobrang pagod ko ngayon araw, gabi na kami nakauwi galing sa shoot ng bago kung endorsement nakakapagod pero kaylangan. Bukas na ang fashion show. At sa isang araw na ang launch ng magazine sa LJL gaganapin yun sa pinakasikat na hotel dito sa pilipinas. Sa totoo lang kung hindi lang ako ang cover nun nungkang dadalo ako, lalo pat andito sa pilipinas ang nanay ni Leighton. Speaking of him, lagi kaming nag uusap, minsan nagpapadala ng bulaklak sa set. Hindi na kami nagkita dahil sa busy schedule naming pareho, pero nag uusap naman kami sa vedio call.. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba tong ginagawa kung paglapit sa kanya, pero sa twing iniisip kung iwan siya, nagkukumahog sa sakit ang kalooban ko, nasasaktan na ako agad! Lalo pa't nararamdaman ko naman yung saya niya pag anjan ako. Hindi din biro ang pinagdadaanan niya. Kahit sa kwento lang niya nasasaktan na ako para sakanya gusto kung gumawa ng paraan para matulungan siya, pero paano? Hindi siya nakakaalala, sa tuwing iniisip kung sabihin ang totoo, biglang nag flashback sa isip ko ang usapan namin ni kath.

Hays..

Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

LJl calling...

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot..

"hey.." pag sagot ko.

"how are you?"

"hmmp."

"what hmmp?"

Bigla akong natawa.

"im ok. Ikaw?

"if i tell you that im ok, means i lied. I miss you!" bigla akong napasinghap sa kawalan, natahimik ako bigla. "can i see you? pls.." kahit hindi ko siya nakikita alam kong malungkot siya, sa tono palang pananalita niya, pakiramdam ko ang laki ng problema niya. "g-gabi n-na"

"nasa baba ako ng condo mo. Pls just a minute."

Gusto kung tumanggi, pero my parti ng puso kona gusto kodin siyang makita. "ok one minute." saka ako tumayo, nagpalit ako agad ng jogging pans nagsout ako ng hoddie. Paglabas ko si sha agad na naghahanda ng dinner naabutan ko. "hu?" nagulat niyang tanong. "sandali lang ako sha, babalik ako agad." hindi naman siya nag tanong pa ulit.

"hello, saan ka banda?"

"sa basement tabi ng kotse mo." pinindot ko ang elevator pa basement, paglabas ko agad ko siyang nakita, nakangiti siya ng makita niya ako, bababa pa sana siya pero sinenyasan kong dun nalang siya sa loob, pag pasok ko palang agad na niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"i miss you." bulong niya.. I miss you too! "lets go somewhere so we can talk." ngiti kung sabi. Nagulat man pero pinaandar parin niya ang sasakyan. Sa isang coffe bar kami bumaba, tahimik ang lugar at pweding mag usap. Agad kaming umorder..

"talk." agad kung sabi sa kanya. Napaangat ang tingin niya saakin. "alam kung my gumugulo saiyo, im all ears."

Tumgin mona siya saakin saka sumimsim ng kape. "i did talk to my mom about the wedding, hindi ko siya maintindihan bat niya minamadali, hindi ko siya magets."

"how about nadine?"

"Hindi pa kami nagkakausap mula ng dumating sila. Lagi siyang wala, hindi rin naman ako umuwi sa bahay." oo nga pala nasa condo niya siya. "talk to her then, tell her the truth, sabi mo nadine is a nice girl diba?"

"yeah!"

"then she will understand. Look hindi koto sinasabi para wag mo ituloy ang kasal with her, sinasabi koto kasi ito yung alam kung paraan, mas masasaktan si nadine. Sabihin mo ang totoo, wag mong hintayin na pagsisihan mo to. Wag kang tumulad saakin." napatingin siya saakin ng may pagtatanong.

TADHANA (complete) Where stories live. Discover now