15

1.6K 52 6
                                    

Jema

"I guess, the universe conspires na besh. TADHANA. This is a sign na nga siguro para mapagusapan nyo na kung ano ang totoong nangyari. Para na din sa ikakatahimik at ikakagaan ng loob mo Jemalyn so can finally move forward from the past. Tigilan na yang tagu-taguan na yan." Kyla's last statement before ending the call.

I immediately called and told her about the latest encounter namin ni Deanna sa beach when I got back sa house that night.

Tama si Kyla. Wala nang tagu-taguan. This is bound to happen. Who would have thought na kalapit beach house ko lang siya. Na twice kaming nagkita sa loob lamang ng isang araw? May ibig na nga ipahiwatig ang kalangitan. Sadyang binabadya na kami ay magkitang muli.

I can't just ignore the signs.

I'll stay here.

Hindi na ko tatakbo at tatakas.

Tatapusin ko ang dalawang linggong hiningi ko para marefocused at mag aligned muli ang isip ko.

At ang puso ko?

I just let it be. No forcing. If it's really meant to happen it will find its way.

Nakatulog na ako sa pagod.

Tired physically, emotionally and mentally.















Andito ako kila Nanay Patring ngayon. Debut ng kanyang panganay na anak. Naging malapit naman na din sa akin ang pamilya nila Nanay Patring kaya't hindi ko na natanggihan ang kanilang paanyaya nila sa akin.

Kakatuwang masaksihan ang simpleng pagse-celebrate ng 18th birthday ng dalaga nila Nanay Patring.

May 18 candles and treasures.

Of course, the 18 Roses.

I was teary eyed pa during the parents message to their daughter.

Naganap lahat sa bakuran lamang bahay nila Nay Patring. Binakuran lang nila ng mga dahon ng punong niyog at mga led lights ang nagsilbing liwanag ng paligid. Nag-rent lang din sila ng mobile sounds and music para naman maging party ang vibe.

Kasalukuyang nagkakasayahan na ang mga kabataan. Nasa gitna na sila ngayon at walang kapaguran na nagsasayawan.

"Mam Jema okay lang po ga kayo? Gusto nyo po ga ng maiinom? Meron pong lambanog at beer kaming binili. Baka kayo ay naiinip dine." Tanong sa akin ni Mang Daniel, asawa ni Nanay Patring.

Ngayon ko lang nakilala si Mang Daniel. Hindi ko pa siya na meet during my stays sa beach house. Nakukwento lang siya ni Nanay Patring at isa din daw etong caretaker sa isang beach house na malapit lapit sa akin.

"Okay lang po ako. Huwag nyo po ako alalahanin. Nag eenjoy po akong panoorin ang mga kabataan na nagsasayawan. Saka Mang Daniel, Jema na lang po ha. Wala ng Mam po ha." Sagot ko naman sa matandang lalaki.

"Sige po Mam... alay... Jema pala.  Ako naman ay Tatay Daniel na lang din ang itawag mo ineng. Ang Nanay Patring mo ga ay may inaasikaso lang sa kusina. Parating po kasi ang amo ko kaya't naniniguro ang Nay Patring mo na may makakain ang boss ko pagdating." Sabi ni Tay Daniel.

"Ganun po ba. E Tatay Daniel, saan po ba ang CR ninyo? Makikigamit po sana ako." Tanong ko.

"Katabi po laang ng kusina ang palikuran. Andun naman ang Nanay Patring mo. Pagtanong mo na lang ga sa kanya." Sagot naman nito.

Pagtayo ko may napansin akong dumating na puting Montero Sport at nag-park sa tapat ng tindahan nila Tatay Daniel. Dali dali naman etong pinuntahan ng matanda.

Eto na siguro ang boss ni Tay Dan. Isip isip ko habang papunta sa kusina ng bahay.

Abalang abala ang Nanay Patring sa paghahanda ng pagkain sa kusina.

"Nanay Patring saan po ang CR? Makikigamit po sana." Tanong ko kay Nanay Patring. May mga kasama din etong mga kababaihan na halos kaedaran din ng Nanay.

"Alay Mam Jema ikaw pala yaan. Pagkakanan lang po yun kulay berdeng pinto ang palikuran. Nakakain na po ga kayo Mam?" Saad ni Nanay Pat.

"Opo nay. Saka Jema na lang po. Si Nanay Pat talaga lagi nakakalimutan." Sabi ko dito.

Ngumiti na lamang eto.

Nginitian ko din siya at ang kanyang mga kasama.

Hindi naman ako nahirapan hanapin ang cr. Pabalik na ako ng mesa kung saan ako pinaupo nila Nanay Patring ng may napansin akong nakaupo na rito. Kausap ni Tatay Daniel. Pamilyar ang pigura ng taong nakatalikod. Lumingon eto sa katabing matanda at may binubulong.





Ang kabog ng dibdib ko.








Deanna.

Nobody Knows Where stories live. Discover now