Chapter 1

3 0 0
                                    

It's been 3 weeks since that night happened. Iniiwasan ako ni Ansel sa lahat ng bagay kahit sa eskwelahan. Nag iba na siya. Kung itrato niya ako ay parang wala kaming pinagsamahan. Pinipilit ko rin limutin ang nangyari sa aming dalawa ng malaman ko na nagparaos lang siya ng libog sa katawan ko. Dahil matagal na niyang tinatago sa akin na may girlfriend siya. I feel betrayed.

"Tumataba ka na Toph" nagaalalang sabi sa akin ni Celine. Isa sa mga kaibigan ko sa klase namin.

Sumubo ulit ako ng marshmallow na kanina ko pa kinakain. Napadalas ang hilig ko sa marshmallow at matatamis na pagkain nitong mga nakaraang araw. Kaya siguro ako tumaba.

"STRESS EATING!" Pagtataray ko kay Celine. Ito rin ang madalas na napapansin sa akin ni Celine, mabilis uminit ang ulo ko.

"Chill Toph! May dalaw ka yata?" Natatawang sabi ni Celine sa akin.

"Celine pwede ka ba mag overnight sa bahay mamaya? Tutal bukas wala naman pasok dahil holiday" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang um-oo kasi wala naman daw pake magulang niya.

Ramdam kong humihilab ang tyan ko. Para akong nasusuka na ewan. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong sakit ng tyan. Sumuka ako sa lapag ng classroom. Napaluhod ako dahil hindi ko na kaya. Sumuka ako ng sumuka. Pinalibutan ako ng mga kaklase ko, inalalayan ako makatayo ni Celine at Ansel. Nang makatayo ako ay pinunasan ko ang labi ko at tinulak palayo si Ansel.

"Fuck you wag kang lalapit!" Sigaw ko sa kanya. Humawak ako sa braso ni Celine ng mahilo ako at nag black out.

Napabalikwas ako ng bangon na pawis na pawis. Nasa clinic ako ng school ngayon.

Agad uminit ang ulo ko ng makita kong nasa clinic si Ansel at katabi nito si Celine na nakabusangot ang mukha. Bumaba ako sa kama ng clinic at hinila si Celine palabas. Pinigilan pa ako ng school nurse dahil iche-check pa raw nila ako. I wave my hand to say no.

"Celine samahan mo ako pauwi, hindi ko kaya mag isa" sabi ko habang nanghihinang maglakad.

"A-ako na maghahatid sayo" dinig kong sabi ni Ansel. Ramdam ko ang pagsakit ng batok ko at balikat dahil sa galit.

"Will you please stop, Ansel?!" Sigaw ko sa kanya. "Last time I've checked na wala ka ng pake sa akin so what now?" Umalingawngaw ang boses ko sa buong hallway. Nagsimulang sumakit ang puson ko.

"Ansel mabuti pa na huwag mo na kami sundan" pagmamatigas ni Celine.

Hahawakan sana ako ni Ansel ng Itulak siya ni Celine. Nagmatigas si Ansel at hinila niya ako. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghila ko pabalik sa sarili ko. Nabitawan ako ni Ansel napa-upo ako sa sahig.

I can feel the pain in my back and abdomen. Ramdam ko rin na may tumutulong likido sa maselang parte ng katawan ko. Walang hiya hiya kong hinipo ito kahit maraming tao ang nakapalibot sa akin.

D-dugo?! Napasinghap si Celine at nagsisigaw sa hallway.

"Dinudugo! Buhatin niyo na!" Sigaw ni Celine sa mga lalakeng nakapalibot. Ramdam ko ang luha na lumabas sa aking mga mata.

Next week pa ako magkakaroon ng period. Napa agap yata? Regla lang to. Masyadong O.A lang yung kaibigan ko?

May stretcher na dumating. Binuhat nila ako at inihiga dito. Napatulala nalang ako, wala akong pake sa nangyayari ngayon. I just want to go home. I just want to rest. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa agos ng luha mula sa aking mga mata.

"Toph, it's all fine! Don't cry! AND PLEASE DON'T SLEEP!" Rinig kong sabi ni Celine habang hinahaplos niya ang buhok ko. Ang mukha lang ni Celine ang huli kong nakita bago ko ipinikit ang mga mata ko. Wala na akong magagawa, di ko mapigilan na hindi pumikit at magpahinga.

Dating TayoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora