Chapter 4

2 0 0
                                    

Bumalik sa ala-ala ko yung gabi na kasama ko si Ansel. Kung paano niya ako halikan. Umusbong ang inis sa kalamnan ko.

"D-do you have a g-girlfriend?" Nagulat siya sa tanong ko, agad nagbago ang reaksyon niya at ngumiti.

Ginulo niya ang buhok ko at sinabing
"Silly you! I have no Girlfriend. Tara na?"

Tumango nalang ako. Nauna siyang maglakad, sinundan ko nalang siya. Gusto ko lang naman malaman kung may GF siya para naman walang mean girls na manunugod sa akin. 

Nakakamangha naman dito! May pool itong school?!

Tiningnan ko ang kabuuan niya mula sa kanyang likod alam mo yung nakaka akit? Maskulado si Zhane, paniguradong may abs to! Hindi man siya gaano katangkad tulad ng iba niyang mga kaibigan, I'm only 5'4, maybe he's 5'7 or something. Hindi ko masyado napansin ang kabuuan ng mukha niya kanina sa canteen. Pero kanina, shet uminit ang pisngi ko! His hazel eyes are glowing, his long and narrow nose, his thin lips wanted to kiss me and his black messy hair that flows with the wind. Ang bango bango pa niya! Naliligo kaya to araw araw ng pabango? Kaya di manlang siya bumabaho kapag nagt training?!

Kaka-imagine ko ay nabunggo ako sa likod ni Zhane.

"Ouch, hoy! Bakit ka tumigil?" hinawakan ko ilong ko dahil ito ang masamang tumama sa matigas niyang likod.

"Sorry andito na kasi tayo" humarap siya sa akin na di mo maintindihan ang mukha. Nag facepalm siya at tumingin sa malayo.

"Maraming lalake sa loob, dapat pala hindi na kita dinala dito. K-kasi yung dibdib m-mo" hindi niya matuloy tuloy ang sinasabi niya. Kahit masikip at mukhang puputok na ang blusa ay pinilit ko ibutones.

"Yan okay na! Tara na" papasok na ako sa loob ng gym ng pumutok ang butones. Hinila niya ako papunta sa isang boys shower/locker room.

"Stay there" sabi niya ng makapasok ako sa loob. Katabi ko lang ang pintuan. Pumunta siya sa isang gym bag na naka patong isa sa mga upuan. Nilabas niya ang isang polo uniform niya.

"Suotin mo muna to." Sinuot ko ang polo pamatong sa blusa ko. Ng matapos ako ay hinila na ako ni Zhane papunta sa gym. Bakit ba palagi nalang ako hinihila?!

Nasa akin lahat ng mata ng tao sa loob ng pumasok kami ni Zhane. Andito sina Jieo, Karl, Yu-an at Keyan. Andito rin ang iba pang basketball players at coach nila.

"Ang tagal mo naman Ramos! May practice match pa tayo eh!" Sigaw nung coach. Zhane Ramos? 

"Dyan ka nalang sa bleacher umupo" bulong sa akin ni Zhane. Naglakad ako papunta sa bleacher. Ngayon palang ako nakakapunta dito sa gym ng school. Hanggang hallways, canteen and classrooms palang ang nalilibot ko. Actually ang laki laki ng gym. May 10 rows ng bleachers na magkatapat sa kaliwa at kanang parte ng gym. May basketball ring naman sa tig-kabilang dulo ng gym. Tulad nga ng sabi ng coach nila. May practice match sila which is eleven sila lahat ngayon dahil si Lucas ay wala, pero ngayon mahahati sila sa dalawa. Si Zhane, Yu-an, Keyan, Karl at Jieo ang magkakasama sa isang grupo. Samantalang sa kabilang grupo ay anim, pero lima lang naman ang lalaro sa court diba. Nagsimula na silang maglaro, referee tosses the ball straight up. Nakuha ito ni Keyan.

Since may isang bangko sa kabilang grupo ay tumabi ito sa akin sa bleacher. Hindi ko na nasubaybayan ang laro dahil napako ang atensyon ko sa tumabi sa akin.

"Girlfriend ka ni Zhane?" he ask me.

"No, more like a friend?" patanong kong sabi habang hindi ako tumitingin sa kanya. Napa facepalm nalang ako.

"Why you're asking me if he's your friend? By the way the name is Mayo" natatawa niyang sabi sa akin. 

"You know Zhane is the point guard," sabi niya habang nanonood kami sa laro. Napansin ko rin iyon dahil ang bilis niya gumalaw, mag dribble ng bola at alisto, madalas niya ma-fake ang bawat pag shoot niya ng bola sa ring at mas lalo akong humahanga sa pag steal niya ng bola sa kalaban. Body control, lay ups, passes, his coordination with Keyan and his rhythm. It's like listening to a music and I will truly listen to it nonstop. I'm impressed pinaghalong Kyrie Irving at Isaiah Thomas yata ito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating TayoWhere stories live. Discover now