16

664 13 5
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"eto na love birds oh" asar samin ng team ng makapasok kami ni kobe sa gym.

Nalaman kasi nila na nag dinner kami ni kobe and its not a friendly date dahil iyon ang kinalat ng magaling na juan. At isa pang kinalat niya sa gc nilang team ay yung picture namin ni kobe na magkayakap dahil natulog kami non sa kwarto ko.

Uwian ko na kasi at ngayon pa lang ang start ng training nila. May inutos kasi sakin si juan, nakalimutan daw niya medyas niya, since wala pa lang klase si kobe ngayon, sinamahan niya ko pabalik sa condo.

"juan oh" sigaw ko dito, inis pa din ako dito.

-

"nililigawan ka na ba?" ricci ask, katabi ko siya sa bleachers, break nila kaya nakikipagdaldalan.

"sino?" tanong ko habang ang tingin ay nasa cellphone pa din.

"si kobe malamang" nabuntong hininga ako at saka siya binalingan.

"issue ka talaga rivero"

"anong issue, inaya ka nga ng date e"

"dinner kasi yon"

"dinner? Pareho kayo nakaporma?"

"bakit masama ba?"

"kung friendly date yon dapat kagaya kayo ng dati na kahit nakapangtraining si kobe kakain kayo"

"eh syempre kailangan naka ayos kami kasi sosyal don"

Napa iling ito "hina talaga ng bata ko, lakas magdunk, mahina sa babae" baliw talaga.

"at ikaw ang bulag mo, nagpapakita na ng motibo si koko na gusto ka niya, binabaliwala mo"

"teka, bakit napunta sakin? Nag momove on pa lang ako sir, di pako tumatanggap ng ligaw dahil magmumukang rebound yon"

"bahala ka nga sa buhay mo"

"bahala ka din" sabi ko dito at inirapan.

Tumayo na ito atsaka naglakad papunta kala juan na nagshshoot.

-

"Tara inom" sigaw ni ricci ng makalabas ito ng locker room.

"tara, tara" sang ayon naman ng iba.

Tahimik ko lang silang pinapanood, sana pasamahin ako ni javi, miss ko na alak.

Nang makalabas na kami ng gym i ask javi "can i come?" sana pumayag.

"cant" sabi nito ng di ako tinitingnan.

"javi naman" maktol ko dito. Sila magsasaya habang ako magmumukmok?

"please na, i wont drink strong ones, just the light ones lang"

"sama ka celene" akbay sakin ni noah.

"ayaw nga ni javi e" innirapan ko si javi.

"javi, let her na, stress din to sa buhay" tinulungan na ko ni noah na kumbinsihin itong si javi.

"oo nga javi, andon naman tayo lahat, di gagawa ng kalokohan yan"

-

"chug, miggy, chug" pinaubos ko kay miggy yung kalahating bote ng beer. Tuwang tuwa namam si bakla.

Lumayo kasi ako sa team ng matanaw ko si miggy, ewan ko kung napansin nila pero feeling ko di pa naman dahil di nila ko hinahanap.

"isa pa miggy, isa pa" sigaw ko dito habang inaabot yung bagong bukas na beer.

"gaga, ayoko na, ikaw naman, duga mo" inabot niya sakin yung taltlong shots ng tequila, medyo may tama na ko dahil eto pinapainom sakin ni miggy kanina pa.

Nung maubos ko yung tatlong shots, nahilo na ko, unlike kanina na mild lang ngayon sakit na talaga ng ulo ko.

"hoy isa pa gaga, wag ka maduga" inabot pa sakin ni miggy yung beer niya.

"gago teka, sakit na ng ulo" ko natatawa kong sabi dito. Sinabayan ako nito ng tawa, di ko alam kung bakit kami natatawa pero masaya kami as of now.

"tara dun sa mga papis" hinila ako ni miggy habang dala dala ko yung beer na inabot niya sakin kanina.

"sino bang papi?" tanong ko habang tinutungga ko yung beer.

"kinikilig ako sis, crush ko si kobe" sabi nito na humahagikgik.

Binatukan ko siya "hoy akin yon"

"anong sayo? Ayaw mo nga sa kanya e" sabi nito atsaka nagmarcha papuntang ewan.

Sinundan ko ito, ang bilis ng baklang yon ah.

"hoy akin yan sabi e" hinila ko pa si miggy palayo sa kanila.

"ano ba yan celene ha?" tanong ni javi pero di ko pinansin.

"sabi mo diba ayaw mo sa kanya, kaya ako nalang" napapadyak ako sa inis.

"sige, tanungin mo siya kung sino gusto sa ating dalawa, pag ako yung pinili, ililibre mo ko ng maraming alak" natatawa kong sabi sa dulo.

"pag ako nanalo, makikipagdate ako kay kobe" Natawa ako sa sinabi nito.

"di makikipagdate sayo yan, ako lang gusto kadate niyan" sigaw ko dito.

Naghiyawan naman yung mga nasa table lalo na si ricci na tumayo pa at pumalakpak.

"e diba ayaw mo nga sa kanya diba?" di nagpa awat si miggy.

"kahit na, akin pa rin yan" ang kulit talaga ng bakla na to.

"ang unfair mo naman celene--"

Tuloy tuloy yung mga sinasabi ni miggy pero ang tingin ko ay nasa counter ng bar kung saan mag isang umiinom siya.

"--kung gusto mo angkinin si kobe dapat magpaangkin ka din sa kanya" tiningnan ko na si miggy na kanina pa nag sasalita.

Tiningnan ko yung mga kaibigan ko na tuwang tuwa sa pag tatalo namin ni miggy. Tinungga ko ulit yung beer para naman magising ako at di siya lapitan para kausapin, more like magmakaawa.

"hoy celene" tawag ni miggy sakin na nakapagputol samga iniisip ko.

Ayoko na kaso bakit ganun pa din? Gustong gustong lumapit ng katawan ko sa kanya.

Di ko na pinansin sila miggy at agad na nagtungo sa kinaroroonan niya. Forgive me self and my friends, alam kong nasa kalagitnaan nako ng pagmomove on at tinutulungan nila pero i cant help it. Mangangamusta lang ako.

"t-tyler?" mahinang tawag ko dito pero enough na para marinig ako.

Lover // Kobe ParasWhere stories live. Discover now