Chapter 39

256K 9.3K 3.7K
                                    

Naghintay ako ng mga araw sa pagbabalik ni Sir Creed. Hanggang sa ang mga araw ay naging mga linggo. At hanggang sa ang mga linggo ay naging mga buwan. Pero walang Sir Creed ang nagpakita sa akin matapos ang gabing iyon.

Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Naiwan na naman akong nag iisa. Sinubukan kong pumasok sa law firm ni Sir Creed at nagbaka-sakaling makikita ko sya doon. Pero sa tatlong buwan kong pagpasok doon ay hindi ko man lang nakita kahit ang anino nya.

Attorney Kylo and Attorney Alastair tried to give me some workload. Dahil ano nga naman ang gagawin ko doon kung wala ang mismong boss ko na si Sir Creed. Ako pa naman ang secretary nya. At ngayong nawawala sya at hindi tumatanggap ng mga kaso ay wala akong magawa sa firm.

Sinubukan kong tulungan ang dalawang lalaking lawyer na nandoon. Pero mahirap ang maging legal secretary ng dalawang tao kaya ang sabi ni Attorney Kylo na si Attorney Alastair na lang daw ang tulungan ko dahil iresponsable daw ang isang 'yun.

Bukod sa pagiging corporate lawyer ng Gallagher Empire, purong business lang ang mga kasong hinahawakan ni Attorney Alastair. Kaya mas madali ang sa kanya kumpara kay Attorney Kylo na tanggap lang ng tanggap ng mga kaso kapag gusto nya lang.

Doon pa rin ako tumitira sa condo. At napag alaman ko na hindi naman pala totoong binibigyan ng condo unit at kotse ang mga empleyado. It was all for me. Sa akin lang ginawa iyon ni Sir Creed.

He's my benefactor in the first place.

Patuloy pa rin syang nagpapadala ng pera sa akin. Kahit pala noong naka-graduate na ako at tumitira sa condo ay nagpapadala pa rin sya. Pero kahit piso ay hindi na ako nag-withdraw ng pera. Umaasa na lang ako sa sinasahod ko sa law firm nya. Gusto ko na ang perang gagamitin ko ay iyong pinaghirapan ko na.

Gusto kong makausap sya hindi para magmakaawa kung hindi para tanungin kung bakit nya nagawa ang ganoong bagay sa pamilya ko. I still love him. Hindi naman agad mawawala ang pagmamahal ko sa loob ng tatlong buwan na hindi namin pagkikita. Mahal na mahal ko pa rin sya.

Pero siguro, tinuturuan na ako ng tadhana ng dapat kong gawin. Humingi ako ng tulong sa pamilya ko noong nalilito ako at ito ang naging sagot nila. Nakita at nabasa ni Sir Creed ang nasa loob ng notebook na itinago ko sa kanya.

Nagplano ako. Lumapit ako sa kanya para makakuha ng mga impormasyon na pwede kong magamit laban sa kanya. At sa kalagitnaan ng mga plano ko ay minahal ko sya. Kaya may parte sa akin ang gusto nang itigil ang plano.

Pero alam ko na ang dapat gawin ngayon.

Mabait ang pamilya ko. Alam kong mabait din si Sir Creed. Kaya may dahilan kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon. Kahit na alam kong balewala na ang rason nya sa pagpatay nya sa pamilya ko. Pero gusto ko pa rin malaman ang dahilan nya.

"Bye po, Attorney." pamamaalam ko kay Attorney Alastair dahil tapos na ang gawain ko. Gusto ko pa nga sana syang tulungan dahil may ginagawa pa sya pero pinauna na nya ako. Wala daw bayad ang overtime dahil hindi naman daw talaga sya ang boss ko.

At dahil isa akong praktikal na tao na bumalik na naman sa pagtitipid, nauna na ako. Sabi nya rin naman, eh. At tsaka, baka mapagastos pa ako ng dinner ng dalawang beses.

Sumakay ako sa elevator pababa sa lobby at nakita ko kaagad ang lalaking nakaupo sa may waiting area na naka-earphones at medyo naghe-head bang pa. Naka-plain brown shirt sya na medyo malaki sa kanya at naka-tuck in sa creamy white pants nya. Hindi man lang sinusulyapan ang babaeng katabi nya na mukhang kanina pa nagpapapansin sa kanya.

Napalabi ako. Alam ko namang babaero din ang isang 'to.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isang earpiece sa tenga nya. Mabilis syang napatingin sa akin nang umupo ako sa tabi nya at inilagay ang earpiece sa sariling tenga ko. Pero bwisit! Natanggal yata ang tutuli ko sa tenga sa lakas ng tunog!

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now