Kabanata 5

64 7 1
                                    

• • •


"I'm Xavianna Miller Suvillan, Your new teacher in Politics and Government" Pakilala ng bagong teacher namin sa harap. Taas nuo syang nakatayo sa harapan.

"ATE?!!!" Bigla namang napatayo si Rui sa kaniyang upuan at napasigaw, tila gulat na gulat. Nabigla naman ang buong klase kaya natahimik silang lahat at napalingon sa pwesto ni Rui.

Matalim na tinapunan ng tingin ni Ms. Suvillan si Rui.

"Rui. Is that the proper way you greet your new teacher?" Mataray na tanong ni Ms. Suvillan at pinanlakihan pa sya nito ng mata. Her eyes is sharp like a sword. Parang may nais syang iparating kay Rui gamit ang kaniyang mata lamang.

Agad namang ino-yuko ni Rui ang kaniyang ulo.

"Paumanhin.." Wika ni Rui. Lumipas ang mga limang minuto bago niya itinaas ang kaniyang ulo at umupo na sa upuan nya.

Kumunot ang nuo ko sa pagkalito at pagtataka. Bakit ganyan kumilos si Rui?

Nakatitig ako kay Rui ng biglang tumikhim si Ms. Suvillan at nag umpisa ulit mag salita.

"A pleasant morning to everyone, It was nice meeting you all. I'm very glad that this section will be one of my students, specially my little brother is in here." Wika nya sumulyap pa kay Rui. Nag iwas naman ng tingin si Rui.

Naglakad lakad sa harap si Ms. Suvillan at tila kinikilatis ang mga studyante. Tahimik naman silang lahat at tila natakot sakaniya.

Nakakatakot naman talaga siya kung titignan mo. She look so strict and authoritative. Ang bawat kilos nya ay puro at pino, parang isang disiplinadang babae. Every move she take is like a queen ruling her empire. The way she stand, the way she talk, the way she walk.

Nawala ang pag i-imagine ko nang tumama sakin ang tingin nya. Agad akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. But when she looks at me, her eyes becomes soft.

Agad nyang binawi ang kaniyang tingin.

Namamalikmata ba ako? Bakit ganon nalang ang naramdaman ko? Nung mga oras na nagtama ang aming mga mata, akala ko takot ang mararamdaman ko pero bakit nakaramdam ako ng pagka-komportable. I felt secured when she looks at me.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Tsk. I'm imagining too much things lately.

"I have a little reminder for my little brother, Rui" wika ni Ms. Suvillan at sinulyapan ulit ang kapatid na hindi na mapakali sa kinakaupuan nya.

"Inside this classroom, I am the teacher and you are my students. There is no exception. Therefore, there must be no special treatment and favoritism. Equality is a must" Mungkahi nya at tumigil sya sa harap ng table nya at itinukod nya ang isang kamay nya sa table habang ang isang kamay nya ay pinang ayos nya ng salamin nya.

She's so beautiful for a teacher. No wonder halos mapanganga na ang mga kaklase kong lalaki kakatitig sakaniya. She's tall, her skin is white as milk and flawless. Kumikinang ang ash gray nyang buhok. Her sharp eyes was coated with dark and curly eyelashes. Her perfect brown eyebrows is visible and her close to perfect nose and cherry-red lips is so attractive that whoever passed her by will turn their head to give a second to stare at her close to perfect face. She looks like a greek Goddess.

"Is that clear?" Wika niya.

"Yes, Ms. Suvillan" Sabay na sagot ng mga kaklase ko na akala mo mga anghel sa sobrang bait nila ngayon.

"Good. Now, Let's start" Sambit nya. Kinuha nya ang kaniyang libro na nakapatong sa table at binuklat nya ito

Nag lesson lang sya at sa buong oras ng klase nya ay walang nag ingay o natulog na kadalasang ginagawa ng mga kaklase ko tuwing nag ka-klase kami. Si Rui naman ay tila aburido sa kaniyang pwesto at tila wala sya sa sarili.

Burnt By Your BlazeWhere stories live. Discover now