HTP:9

2.9K 130 3
                                    

Gray's POV

"Magiging kaibigan din kita Zhie.. tandaan mo yan!" Sigaw ko habang palayo na siya..

Krrrrrriiiiiiinnnnggggggggg

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong natawag si Joseph, kaibigan ko...

"Oh, bat ka napatawag?" Tanong ko

"Ano success ba ang pagpapanggap at pakikipaglapit kay Zhie?"

"Hindi pre, masyadong pakipot ang bakla...mukhang mahihirapan pa yata ako niyan"

"Alalahanin mo pre, kapag hindi mo nagawang paibigan yung Zhie na iyan sa loob ng isang buwan, akin na yung kotse mo na pinagpustahan naten hah..hahaha nangangamoy ang pagkatalo mo Gray!"

"Bungol! Eh papano kapag nanalo ako, akin na yung 10 sapatos na limited edition mo hah?"

"Oo naman pre..hindi ako nasira sa usapan.."

"Sige na marami pakong gagawin..ibababa ko na toh"sabi ko sabay end ng call...

Naglakad na ako papuntang court para makapagpractice

Mahuhulog ka din sakin bakla....


Zhie's POV

Tapos na kaming magrehearse at aang sabi sa amin ni ate Ghie ay malapit na daw ang orientation nito..kaya kailangan na daw naming galingan at todo effort sa pagpractice..

Mabilis kong isinalansan ang mga gamit ko sa bag dahil ako na lang yata ang tao sa room...

Umalis na ako at kaagad nang naglakad papuntang labas..

Habang naglalakad, nakasalubong ko si Drew na pawisan... grabe kahit hapon na't uwian, todo parin sila sa pagpapractice...

"Uy Zhiee! Long time no see ah!" Sabi niya sabay yakap sa akin..

"Ano ba Drew! Kita mong pawisan ka tapos yayakap ka sa akin? So eewwyy!" Arte kong sabi

"Ang arte mo naman...buti nga hinahug kita..pero maiba ako pauwi ka na ba?"

"Ahh oo, eto nga at palabas na ako ng gate eh pero saktong nakasalubong kita.."

"Oh ayun naman pala! Sakto! Halika at isasabay na kita..hindi ko na kasi nakikita si tita eh"

Ooo na sana ako ng may humila sa kaliwa kong kamay..

"Hindi siya sasabay sayo Mr. Natavidad, sa akin na siya sasabay tutal parehas lang naman kami ng dadaanan"

" ah hindi na bale Gray, kay Drew na ako sasabay TUTAL siya naman ang unang nagyaya...halika na Drew at ihatid mo na ako"

Paalis na sana ako pero nakita kong nakatigil parin si Drew at parang namumutla.. pagkakita ko ay nakita kong nakangisi si Gray sabay tingin ulit kay Drew..

"Drew, bakit? Halika na.."

"A-ahh nakuu Zhie, ma-may gagawin nga pala ako..sorry hah..kay Gray ka muna sumama sige babye" sabay takbo palayo sa amin..

"Drew sandali!" Sigaw ko pero malayo na siya..

Tiningnan ko ng masama si Gray dahil alam kong may kinalaman siya kung bakit umurong si Drew sa pagsundo sa akin...

"Anong sinabi mo sa kanya?" Mababang tono ko

"Wala! Halika na nga!"

"Ayoko! Magjijeep na lang ako! Mabulok ka jan gunggong!"

Naglakad na ako at malapit na sana akong makalabas sa gate nang buhatin ako ng gunggong na toh na pabridal style

"Shemayy! Ibaba mo nga ako! Kanina ka pa hah!" Bwisit kong sabi sa kanya.."

Hindi siya at patuloy lang siya sa paglalakad.. nagpupumiglas ako pero kahit ano na naman ang gawin ko..hindi ko talaga kayang makawala...

Hanggang sa isakay na niya ako..nagtangka pa nga akong tumawakas pero waepek den..masyado siyang mabilis...

Wala na kong nagawa kung hindi manahimik na lang dahil pagod na ako sa kakapigil sa kaniya...

Habang nasa biyahe..nakita ko na ang papaliko papunta sa amin pero dinire-diretso niya lang yung sasakyan niya..

"Hoi, don yung papunta samin..nakalagpas ka na.. ibalik mo"

"Ayoko"

"Anong ayoko? Nanununo ka na naman ba Gray? Lagi ka na lang kamo ganyan...saan mo na naman ba ako dadalhin?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Eh saan nga!"

"Ipapakilala kita kay mommy..."

Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon