Zhie's POV
Ako? Ipapakilala sa mommy niya? bakit? Para ano?
Taka kong tanong sa isipan ko dahil maraming pumapasok na rason kung bakit niya iyon ginawa.
"Teka nga uli Gray, bakit mo ako ipapakilala? Kaano ano ba kita?"
"Wala lang, gusto lang kitang ipakilala..masama ba iyon?"
"Wala naman, pero MASAMA kung walang dahilan.. Alam mo Gray nakakahalata ka na.. anong pinaplano mo sa akin? Dati naman ang sama sama tas ngayong ang bait bait at ito pa, nagyaya ka pang isundo ako... sabihin mo nga kung ano ang plano mo?"
"A-ah wa-wala naman...atsaka pinagdududahan mo ba ako? Gusto lang naman kasi kitang maging kaibigan kaya ayunn.."
"Eh bakit ako? Tas may paki-pakilala session pa? AT sa mommy mo talaga hindi pwede sa iba mo pang kaibigan?" Nakataas kong kilay dahil nagdududa parin ako..
"Ano namang masama kung ipakilala kita kay mommy? Atsaka wag ka na ngang madada at malapit na tayo"
Pansin ko ang pag-iiba niya ng topic pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil malapit na daw kami..wala nakong magagawa eh kayo go with the flow na lang..
Huminto kami sa isang malaking gate na kulay ginto..
"Akala ko ba bahay, eh resort yata yung bahay nio sa laki! Gate pa lang mamahalin na! Gawa yata sa ginto yan eh!"
"Malamang kami may ari ng school ng pinapasukan mo plus kami ang may ari ng maraming mall sa buong mundo"
"Edi wow! Sige magmayabang ka pa"
Nginisihan niya lang at ipinasok ang kotse sa bahay nila..
"Oh ano pang tingin-tingin mo jan halika na at bumaba"
Bumaba na kami at pumasok na sa mansion nila..
"Woooooowwww" bulalas ko nang makita ko ang malaking chandelier na nasabit sa pinakagitna ng bahay nila
"Bunganga mo...baka pasukan ko yan"
"Ang bastos mo!"
"Hahahahahaha"
Habang natawa siya ay may isang babae na lumabas mula sa kusina..
"Hi son! Buti naman at nandito ka na! Tara na't kumai- ohhh diba ikaw yung dinala ni Gray last time...nice to meet you dear" sabay yakap sa akin ng mommy ni Gray..
"Ahh, maam opo ako nga po iyon..Zhendaya po ang pangalan ko nice to meet you rin po Mrs. Oxford"
"Dont call me maam Zhen, call me tita na lang"
"Ay sigi po maam ay este tita hihihi"
"Hahahaha natutuwa ako sa yo Zhendaya..halaika at sumabay ka na sa amin kumain...ikaw Gray umakyat ka muna at magbihis..magchichikahan muna kami ni Zhenzhen dito..hihihi"
"Zhenzhen? Bakit naman zhenzhen mom?" Tanong ni Gray
"Wala, gusto ka lang atsaka don ka na nga! Alis iniistorbo mo kami!" Sabay akbay sa akin ni tita at dinala sa kusina nila...
Mukang magkakasundo kami ah..hihihi
Gray's POV
Umakyat na ako sa taas at rinig na rinig ko ang tawanan nila mom pati narin si Zhie...
Actually, ngayon ko nga lang ulit narinig si mom matapos ang ilang mga taon..mukhang nagkalagayan na nga sila ng loob ni Zhie..
Ang totoo niyan, hindi naman talaga mahirap pakisamahan si Zhie, mabait siya at sige na...cute siya..
PERO! Hindi dapat ako magpakaapekto dahil may pustahan kami ni Joseph... oo tama, dapat gawin lang ang nasa plano- ang pahulugin ang loob niya at pagkatapos non ay jackpot! Akin na ang mga sapatos!
Nagbihis na ako at agad nang bumaba...
Pagkababa't pagkababa ko...kita ko agad ang kilitian at harutan nilang dalawa..
Ano toh? Parang ako yata ang bisita at siya ang tunay na anak! Nakakatampo talaga si mommy minsan!
Umupo na ako sa harapan nila pero parang wala yata silang pakialam..
"Alam mo ba Zhenzhen, ikaw pa lang ang kauna-unahang dinala dito ng anak ko! Masaya nga ako at mayroon na siyang kaibigan na katulad mo.."
"Ayy, salamat po tita! Ako rin naman po masayang naging kaibigan ang anak niyo..bulakbol at may saltik nga lang ng konte..hehehe"
"Ayy true ka jan Zhenzhen! Pero kahit ganyan yan ay mahal ko parin iyan kasi anak ko yan..hahahaha"
"Pinaparinggan niyo ba ako?" Singit ko sa kanilang dalawa
"Oh anak! Anjan ka na pala! Bat hindi mo naman sinabi sa amin? Halika ka nat kumain..kanina ka pa namin inaantay..."
"Anong kanina pa, eh kanina pa po ako nandito...sadyang hindi jio lang po ako nakita kasi busy kayo jan kay Zhie.."
"Ayysst! Wag ka ngang magselos! Ineentertain ko lang tong si Zhenzhen para dalas-dalasin niya ang pagpunta dito...atsaka mamaya na ang kwentuhan at halinat kumain..."
Hayyysssttt ewannn!
Makalipas ang ilang oras ay natapos naring magjwentuhan sina mom pati na rin si Zhie..
"Tita, Gray, pano po, alis na po ako...nag enjoy po ako ngayong gabi..thank you po!" Sabay yakap ni Zhie kay mom
"Basta Zhenzhen, bumisita ka ulit dito hah para hindi naman ako mabore.. hayaan mot ipagluluto ulit kita ng masarap na pagkain...ayos ba iyon?"
"O sige po tita! Alis na po ako..."
"Wait, wag ka na magcommute, Gray, pakihatid mo siya para naman hindi ako mag alala.."
"Sige po.." pag sang ayon ko..tutal ako naman nagdala dito sa kaniya diba?
Hinatid ko na si Zhie sa kanila at nagpasalamat naman siya noong bumaba na siya...
Tumango na lang ako at sabay alis sa kanila...
Napangiti na lang ako dahil unti unti nang nagkakalapit ang loob namin... hah! Mukhang ako yata ang mananalo sa pustahan ah?
Pero......
Bakit parang may mali?
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)
RomancePaano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan o susuko ka na sa labang hindi naman talaga pinahalagahan? Tunghayan si Zhie sa kaniyang naging kar...