Chapter 21: Entrance Exam

43.1K 760 106
                                    


Chapter 21





"Wala bang ibang daan, Tatay Ernesto?"

Nasa sasakyan kami at kasalukuyang naiipit sa traffic. Araw-araw na lang ganito. Kawawa naman si Sofie, mahuhuli na sa klase. First day of school pa naman. Ibinaling ko ang tingin ko kay Tav-tav na nasa kaliwang bahagi ko. Abala siya sa paglalaro sa tablet. Ang cute niya sa suot niyang school uniform. Hindi pa naman siya papasok sa school. Gusto niya lang na nakaganyan para raw mas dama niyang estudyante siya.

"Naku wala po, doc. Wala tayong ibang choice kundi ang hintaying umusad ang mga sasakyan."

"I'm thirty minutes late," pigil na pigil niya ang sariling hindi mapamura.

Alam kong sobrang halaga ng oras para sa kanilang mga doktor.

"Lye, makakarating din tayo." Hinagod ko ang likod niya upang makakalma siya kahit papaano.

Nakarinig kami ng sirena ng papalapit na ambulansya. Kaagad na nagsitabihan ang lahat upang bigyang daan ito.

"Fuck, emergency."

"Sila na ang bahala roon. Makakarating din tayo."

"I love you," he mouthed in the rear view mirror.

Nakahinga kami kahit papaano nang umusad na ang mabagal na daloy ng trapiko. Mabagal man ngunit at least hindi kasing bagal ng kanina.

"Alam kong busy kayo sa ospital pero maglaan ka pa rin sana ng oras para sa pagkain."

"Susubukan ko."

"Anong susubukan? Gawin mo."

"Opo, misis ko."

"Huwag ka rin masyadong magpapagabi mamaya, saka..."

Sumikip bigla ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. Parang may pumipiga niyon na nagpapahirap sa aking paghinga. Nawala rin naman iyon matapos ang halos isang minuto pero pakiramdam ko'y tumakbo ako nang malayo pagkatapos.

"Are you okay?"

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi muna ako umimik agad at pinakiramdaman muna ang sarili.

"O-Okay lang ako."

"Are you sure?"

"Um!"

"Pakihinto po ang sasakyan, lilipat ako sa likod. I need to check my wife."

"Doc, huwag na. Hindi na naman kailangan e. Napagod lang siguro ako. Ang dami ko kasing ginawa paggising ko kanina." Ngumiti ako tanda ng kasiguraduhan.

Lumipat pa rin siya sa tabi ko kahit sinabi ko na namang okay ako. Si Treivhor talaga. He wrapped his arm around my shoulder, asking me with worry. I caressed his face and smiled at him to give him assurance. Alam ko kasi na nag-aalala siya. At alam ko rin sa sarili ko na wala lang iyong naramdaman ko. Ayoko naman na hanggang sa trabaho ay iisipin pa niya iyon. Huminto ang sasakyan sa eskwelahan ni Sofie. Humalik lang siya sa amin at tumakbo na, halatang excited. Tumuloy na kami sa sunod naming distinasyon, ang ospital.

"Do you want to come inside?"

"For what?" I laughed.

"For check up."

"Lye, no need. I'm okay."

"Are you sure?"

"Siguradong-sigurado, kaya huwag ka ng mag-alala."

"Asawa kita at mahal kita kaya hindi mo maaalis sa akin iyon, Namirah."

Nakarinig kami ng ambulansyang paparating. Emergency na naman. Kaagad na kumilos ang mga nurse at doctor.

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Where stories live. Discover now