SS1 : Ch.8 - Loving a President

534 15 0
                                    

[ MIKAEL's ]

Almost one week ko ng hindi nakikita si Yanna . Kaya almost one week na ding hindi kompleto ang araw ko .

"Tss .. Nasaan na kaya sya ?" bulong ko habang nakatingala

"Nasa competition sya bro ." sabi ni Chris sabay tapik sa balikat ko .

Bumaba ang tingin ko . Ngumiti ako .. "Talaga ?" tanong ko

"Oo .. Bakit ? Anong akala mo sa akin ? Sinungaling ?" natatawa nitong tanong "Miss mo sya ?" habol nya

Napangiti ako ."Oo naman . Miss ko na yung pagsusungit nya ."

"Hindi naman ganun si Prez ehh .. Ewan ko ba , ano ba ginawa mo at ganun ka nya tratuhin ?" si Chris

Nasa Royale Garden kami .. Nakahiga sa damuhan . Tumutulong ako sa mga trabaho sa SC lalo at wala si Yanna .

"Malay ko ba dun ." natawa ako bigla "Bakit nga ba ?"

"Tss .. Alam mo , kung umaasa kang mahalin ka ni Prez .. Sorry pero mabibigo ka din tulad namin ni Arthur ." sabi nito

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nya "Huh ? Bakit ?"

"May nagmamay-ari na ng puso nya nuh ?" sagot nito

Napabuntong hininga ako .. "Si Zed nuh ?" wala sa sariling tanong ko

"Yup .. Sa tagal nilang pagsasama as childhood friends , di ka pa ba magtataka ?" sagot ni Chris . Halata sa boses nito ang lungkot ng pagkabigo .

"Childhood friends ?" tanong ko

"Yup .. Valenciana's and Solano's are very close families . Kulang na nga lang , maging isa na lang sila eh .. Ang kaso .." pabitin ni Chris

Nasabik ako sa sasabihin nito . "Ang kaso ano ?"

"Silang dalawa na lang ang natitira sa pamilya nila ." malungkot nito ng sabi

"Anong nangyari ?" tanong ko ulit

"Murder .. Pero , Prez and Zed always showing us no grief . Hindi nila kailanman pinaramdam samin , na nagluluksa sila kahit gusto na nilang umiyak .." malungkot nitong sagot

Doon ko lang na-realize , how strong that two . After everything .. Lalo ko tuloy syang nagustuhan .

May naglaglagan na dahon mula sa puno . Napatingin ako sa taas .. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo sa sanga ng puno ang isa sa pinag-uusapan namin -- si Zed . Blangko ang emosyon nito as in blank ..

"Himala ! Hindi ka sumama kay Prez ." bati ni Chris

"She still needs space . But i'm still worried .." sabi ni Zed

"Why ? " tanong ni Chris

"She's not feeling well .." sabi nito . Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa nya . At walang kahirap hirap na tumalon pababa sa puno . Para syang pusa . Dahil na rin siguro sa asul nyang buhok with golden eyes .

"K-kelan balik nya ?" wala sa sariling tanong ko

Matalim na tumingin sa akin si Zed . Pero kahit ganun , blangko pa rin sya .

"Tomorrow ." cold nitong sabi sabay alis

"Mukhang mainit dugo sayo ni Zed ahh .. Ikaw lang ginanyan nya bro ." tapik ni Chris

"Bakit kaya ?" tanong ko sa sarili ko .

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedWhere stories live. Discover now