SS1 : Ch.14 - Her Childhood with A Cat

484 14 1
                                    

    Young Khrystyanna's POV
   
    "Sandro! Sabrina!! Sandro! Sabrina!" Lakad-takbo ako sa buong kabahayan namin kakahanap sa mga alaga kong aso't pusa.
   
    Halos baliktarin ko na ang buong kabahayan namin kakahanap sa kanila. Pero wala talaga, hindi ko sila makita. Kahit ang mga tauhan namin dito sa bahay namin ay nakihanap na rin. Pero kahit sila'y wala ring nahanap.
   
    "Mama! Papa! Nasaan sila Sandro at Sabrina??" Kaninang umaga ko pa kasi hinahanap ang mga ito at paunti-unti'y nawawalan na ako ng pag-asa na mahanap pa sila.
   
    "Baka nasa garden anak. Magpatulong ka sa mga katulong sa paghahanap kila Sandro at Sabrina." Sabi ni Mama.
   
    Malungkot akong lumabas sa opisina nila. Dahil kahit kailan, hindi nila ako pinagbigyan man lang. Mula nang makunan si Mama sa baby brother ko sana'y hindi na n'ya ako pinansin man lang.
   
    Lumapit sa akin ang isang itim na pusa. Ngumiti ako, dahil kahit kailan hindi pa ako nakakakita ng ganitong pusa. I looked at the cat's eyes, it's red like a pair of rubies staring at me.
   
    "Hmm. Ano kayaang itatawag ko sa'yo?" Luminga-linga ako, dahil baka may makakita sa akin kasama ang isang itim na pusa.
   
    Tinago ko ang pusa sa ilalim ng palda ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
   
    Hingal na hingal ako na napasandal sa sinara kong pinto. Lumabas mula sa palda ko si,  hmm. Ano kaya ipapangalan ko sa pusang ito?
   
    "Raven?" Nakatingin lang sa'kin ang pusa, mukhang ayaw n'ya sa pangalan na binigay ko.
   
    "Simon? Bryan? Timothy? Daniel? Damian?!" Natigilan ako nang lumapit ang pusa at diniladilaan ang pisngi ko nang marinig ang huling pangalan na sinabi ko.
   
    "Ahh! Damian! Oo bagay nga sa'yo ang pangalang 'yun." Nakangiti kong pahayag habang buhat-buhat ang pusa at nagpaikot-ikot kami na parang sumasayaw nang waltz.
   
    Mula ng makuha ko si Damian, hindi ko na naramdaman na mag-isa lang ako. Parang kompleto na ang araw ko kahit s'ya lang ang kasama ko.
   
    Mabilis na lumipas ang isang taon , dumating ang pamilyang Valenciana sa bahay namin.
   
    "Hi. Ako nga pala si Cedric Kyle." Nilahad ng lalaki ang kan'yang kamay sa akin. Tiningnan ko lang iyon at saka pinagpatuloy ang aking pakikipaglaro sa alaga kong pusa na si Damian.
   
    I. My First Bestfriend
   
    A.N : Ito ay isa sa mga kaganapan bago pa makilala nina Damian Valentine at Khrystyanna Solano sa Oracle Academy . Ang timeline din nito ay bago naganap ang pagkapaslang ng mga tao sa Masquarade ball .
   
    Ito ay nanggaling sa aking Facebook post ng storyang ito , kaya kung may wrong typos at grammar man , sana'y inyong hindi husgahan , tao lamang po ako . Pasensya na din (ulit) sa short chapters .
   
    Lectura Feliz ..
   
    Young Khrystyanna's POV
   
    "Sandro ! Sabrina !! Sandro ! Sabrina !!" lakad-takbo ako sa buong kabahayan namin .
   
    "Mama ! Papa ! Nasaan sila Sandro at Sabrina ??" kanina ko pa kasi hinahanap ang mga alaga kong pusa at tuta .
   
    Si Sandro po ang tuta at si Sabrina po ang pusa ^_^ .
   
    "Baka nasa garden anak .. Magpatulong ka sa mga katulong sa paghahanap kila Sandro at Sabrina .." sabi ni Mama .
   
    Malungkot akong lumabas sa opisina nila . Dahil kahit kailan , hindi nila ako pinagbigyan man lang .. Mula ng makunan si Mama sa baby brother ko sana .. Hindi na nya ako pinansin .. =_=
   
    Lumapit sa akin ang isang itim na pusa .. Ngumiti ako , dahil kahit kailan , hindi pa ako nakakakita ng ganitong pusa .. I looked at the cat's eyes .. It's red like a pair of rubies staring at me .
   
    "Hmm .. Ano kaya tatawag ko sayo ??" luminga linga ako , dahil baka may makakita sa akin kasama ang isang itim na pusa ..
   
    Tinago ko ang pusa sa ilalim ng palda ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko ..
   
    Hingal na hingal ako na napasandal sa sinara kong pinto .. Lumabas mula sa palda ko si .. Hmm .. Ano kaya ipapangalan ko ..
   
    "Raven ?" nakatingin lang sakin ang pusa , mukhang ayaw nya ..
   
    "Simon ? Bryan ? Timothy ? Daniel ? Damian ?!" natigilan ako ng lumapit ang pusa at diniladilaan ang pisngi ko ng marinig ang huling pangalan na sinabi ko ..
   
    "Ahh .. Damian !! Oo bagay nga sayo ang pangalang yun .." nakangiti kong pahayag habang buhat buhat ang pusa at nagpaikot ikot kami na parang sumasayaw
   
    ng waltz ..
   
    Mula ng makuha ko si Damian , hindi ko na naramdaman na mag-isa lang ako .. Parang kompleto na ang araw ko na sya lang ang kasama ko ..
   
    Mabilis na lumipas ang isang taon , dumating ang pamilyang Valenciana sa bahay namin .
   
    "Hi .. Ako nga pala si Cedric Kyle .." nalahad ang kamay ng batang lalaki
   
    Hindi ko sya pinansin at patuloy pa rin akong nakipaglaro kay Damian ..
   
    "Anong pangalan nya ?" tanong nito .
   
    Tumigil ako at hinarap sya .. Buhat buhat ko pa rin si Damian . "D-damian .. Wag mo ako isusumbong kila mama at papa .. Ilalayo nila si Damian sakin .." nagsimula ng tumulo ang luha ko .. Dahil ayokong mawala ang alaga kong si Damian .. Niyakap ko ng mahigpit ang pusa ko .
   
    "Wag kang mag-alala .. Secret lang natin ito .. Shhh"itinapat nya ang hintuturo nya sa labi nya .
   
    Pinunasan nya ang mga luha sa mata ko .. At nakipagkwentuhan , hanggang sa umuwi sila ..
   
    Sa isang linggo , pumupunta sila ng tatlong beses .. Kaya lagi akong may kalaro ..
   
    "Damian ? Damian ? Nasaan ka na ba ?" tawag ko sa pusa .
   
    "Damian ? Damian ? Damia----"
   
    SLLLAAAAPP !!
   
    Tumilapon ako sa sahig . Umiiyak ako na sinapo ang kanang pisngi ko .. Inangat ko ang tingin ko .. At nakita ko ang umuusok sa galit na mukha ni mama ..
   
    "Bakit mama ?? Bakit mo ko sinampal ??" umiiyak kong tanong .
   
    "Magmula ngayon , wala na akong maririnig na Damian sa pamamahay na ito !!" singhal ni Mama .
   
    "Anong ginawa nyo sa kanya ? Sya na nga lang ang nagiging sandalan ko sa tuwing hindi mo ako pinapansin ehh .." sabi ko .
   
    Akma akong sasampalin ni mama ng mapigilan ni papa ang kamay nito .
   
    "Louisianna !! Itigil mo yan !!" saway ni papa .
   
    "Papa !!" tumakbo ako papunta dito at niyakap ang bewang nya .. Umiiyak pa rin ako . Hindi dahil sa sakit , kundi sa pagkawala ng isang matalik na kaibigan .
   
    "Wag na wag mong sasaktan ang anak ko ! Kung ayaw mong malintikan ka sakin Louisianna !!" banta ni papa .
   
    "Hindi mo ako mahal !!" umiiyak kong sigaw habang tumatakbo papunta sa kwarto ko .
   
    Nagkulong ako doon at umiyak ng umiyak .. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako ..
   
    A.N : Sana , magustuhan nyo :)
   
    II. Missing You
   
    A.N : sorry po ulit sa short chapters ah ? Hehehe
   
    Young Khrystyanna's POV
   
    Nagising ako sa mahabang pagkakatulog ng makaramdam ako ng mga kamay na humahaplos sa aking mukha ..
   
    Isang malaking bulto ng lalaki ang nakaupo sa tabi ko . I am still half awake , he is tall , he also have a very long black hair .. Akala ko nga babae sya eh , he have pale skin at mayroon syang mahahabang daliri ..
   
    "Don't cry , because I'm always be by your side .." he said with his husky voice .
   
    And with that , I fell to a deep slumber ..
   
    Years have passed , nag-aral ako at nakapagtapos ng grade school .. And now , I am in second year high .. In Oracle Academy ..
   
    Mula ng gabing iyon , I can feel his presence . Until now ..
   
    "Itatalaga ko kayo as the Oracle Academy's Student Council .." anunsyo ni Mr . Leonard del Fuego .
   
    "Malaki ang expectations ko sayo , Ms . Solano . Kaya do your best to reach those expectations .." dadag pa niya .
   
    "Yes , Sir .." sabi ko then SALUTE .
   
    Karamihan sa members ng SC ay kilala ko na . Especially si Christian . He is a funny guy at sya ang pinakaloyal sa lahat ..
   
    KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !!
   
    Naging forte ko ang Target Shooting dahil unang una sa lahat , I want to defend myself . Para hindi na ma-discriminate ang mga babae sa larangan na ito . And I want them to stop thinking that girls are a weak person . I hate that idea ..
   
    "Hindi ko tatakasan ang kamatayan ." mga linya na nagpabilib sakin sa bise ko ..
   
    Hindi ako puro yabang o kung ano man dahil presidente ako .. Ako ang mata at ako ang batas ng Oracle . Kung kaya walang nangangahas na i-bully ang mga estudyante dito dahil sa pamamalakad ko .. Kilala kami sa disiplina at matataas na grado ..
   
    At mas nakilala kami dahil sa Target Shooting .
   
    Pero kahit ganito ang nangyayari sakin .. Hindi ko maitago ang lungkot na mawala ang 'lihim kong kaibigan'
   
    Krrriiinnng !! Krrriinngg !!
   
    "Hello ?"
   
    "Hi , anak .." si papa .
   
    "Yes , papa , bakit napatawag ka ?"
   
    "Can you please come here at the Valenciana's for the Masquarade Ball ." si papa.
   
    "Hmm .. Why ?" siguradong nandoon si mama and she is the last person i want to see .
   
    "Wedding Anniversary nila Tita Hariette at Tito Robert mo ." si papa .
   
    "Pag-iisipan ko ." walang gana kong sagot .
   
    Rinig ko mula sa kabilang linya ang pagbuntong hininga nito "Okay .. Mag-iingat ka , I love you my Princess .."
   
    "Yeah .. Me too .." call ended.
   
    Napabuntong hininga ako ..
   
    Mula kasi ng araw na nawala ang pusa kong si Damian .. Mula ng saktan ako ni Mama . Hindi ko na sya pinansin at unti unting namuo at lumago ang natatago kong galit sa kanya ..
   
    Our family , have it's secrets na hindi nila kayang ipagkatiwala sakin ..
   
    Napatingin na lang ako sa langit .. "Where are you now?" bulong ko .
   
    "Anong pangalan n'ya?" Tanong nito.
   
    Tumigil ako at hinarap s'ya. Buhat-buhat ko pa rin si Damian na mukhang ayaw sa presensya ng bata dahil nagwawala ito mula sa pagkakabuhat ko. "D-damian." Sagot ko at saka ako nakaramdam ng takot na baka malaman ng aking magulang na nag-aalaga ako ng itim na pusa, mapamahiin pa naman sila lalo na ang aking Mama. "Wag mo ako isusumbong kila mama at papa. Ilalayo nila si Damian sa'kin." At sa isiping iyon, nagsimula nang tumulo ang luha ko. Dahil ayokong mawala ang alaga kong si Damian. Niyakap ko nang mahigpit ang pusa ko.
   
    "'Wag kang mag-alala. Secret lang natin ito. Shhh." Itinapat n'ya ang hintuturo n'ya sa tapat ng kan'yang labi.
   
    Pinunasan n'ya ang mga luha sa mata ko. At nakipagkwentuhan s'ya sa akin sa loob ng kwarto ko, hanggang sa umuwi na sila.
   
    Sa isang linggo, pumupunta sila ng tatlong beses. Kaya lagi akong may kalaro. Pero hindi ko inaasahan na ang pagsaging ng isang kaibiga'y pagkawala naman ng isa pa.
   
    "Damian? Damian? Nasaan ka na ba?" Tawag ko sa pusa. "Damian? Damian? Damia----"
   
    SLLLAAAAPP !!
   
    Tumilapon ako sa sahig. Umiiyak ako na sinapo ang kanang pisngi ko at saka inangat ang aking tingin. At nakita ko ang namumula sa galit na mukha ni mama.
   
    "Bakit mama? Bakit mo 'ko sinampal?" Umiiyak kong tanong kay Mama na para bang hinihingal sa sobrang galit.
   
    "Magmula ngayon, wala na akong maririnig na Damian sa pamamahay na ito!" Singhal ni Mama, napapikit ako dahil bukod sa malakas ang boses n'ya'y ayoko ring makita ang nakakatakot n'yang itsura sa tuwing nagagalit s'ya.
   
    "Anong ginawa n'yo sa kanya? S'ya na nga lang ang nagiging sandalan ko sa tuwing hindi mo ako pinapansin Mama." Sagot ko sa kan'ya.
   
    Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng aking Mama, akma na n'ya sana akong sasampalin ng pigilan s'ya ng aking Papa sa pamamagitan ng paghawak ng knan'yang palapulsuhan.
   
    "Louisianna! Itigil mo 'yan!" Sigaw ni Papa kay Mama habang nakatingin ito ng matalim kay Mama.
   
    "Papa!" Tumakbo ako papunta.rito at niyakap ang bewang n'ya habang patuloy pa rin ang aking pagtatangis hindi dagil sa sakit na dinulot ng pagbubuhat ng kamay ni Mama sa akin kundi ang pagkawala ng aking matalik na kaibigang pusa na si Damian.
   
    "'Wag na 'wag mong sasaktan ang anak ko! Kung ayaw mong malintikan ka sa'kin Louisianna!!" Galit na banta ni Papa.
   
    "Hindi mo ako mahal!!" Umiiyak kong sigaw kay Mama habang tumatakbo papunta sa kwarto ko.
   
    Nagkulong ako doon at umiyak ng umiyak. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
   
    Mula ng magka-isip ako, hindi ko kailanman naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ina sa piling ng kinikilala kong Mama. Si Papa lamang at si Damian ang tanging nagpadama sa akin na hindi ako nag-iisa.
   
    Nagising ako sa mahabang pagkakahimbing ng makaramdam ako nang mga kamay na humahaplos sa aking mukha.
   
    Isang malaking bulto ng lalaki ang nakaupo sa tabi ko. I am still half awake but I can see him clearly, he is tall, he also have a very long black hair. Akala ko nga babae s'ya eh pero malalaman mong lalaki pala s'ya pag napakinggan mo ang kan'yang boses, he also have pale skin at mayroon s'yang mahahabang daliri.
   
    "Don't cry, because I'm always be by your side." He said with his husky voice.
   
    And with that, I fell to a deep slumber.
   
    Ilang taon din ang lumipas mula ng mawala sa akin ang pusa kong si Damian, patuloy ko pa rin s'yang hinihintay na baka sakali na sa paggising ko'y nasa tabi ko s'ya at hinahayaang mahawakan muli ang malalambot n'yang itim na balahibo na nagbibigay sa akin ng kakaibang init. Init ng pagmamahal. Alam kong isang hayop si Damian, pero may kakaiba sa kan'ya na namumukod-tangi sa ibang mga hayop na naging alaga ko na. Kakaiba s'ya, kakaiba na nararapat lang mabigyan ng purong pagmamahal at buong atensyon. Nangungulila pa rin ako sa kan'ya pero nababawasan ang kalungkutan ko kahit papaano nang dumating naman si Kyle sa buhay ko.
   
    Ngayon, I am in my second year in Oracle Academy with Kyle.
   
    Until now I can feel the presence of that long black-haired man. At hindi ko malaman kung bakit, pero pakiramdam ko'y komportable ako sa presensya n'ya.
   
    "Itatalaga ko kayo as the Oracle Academy's Student Council." Anunsyo ni Mr. Leonard del Fuego, ang punong-guro ng Oracle Academy.
   
    "Malaki ang expectations ko sa'yo, Ms. Solano. Kaya do your best to reach those expectations." Dadag pa niya.
   
    "Yes, Sir." Sagot ko then I salute him as a respect.
   
    Karamihan sa members ng Student Council ay kilala ko na. Especially si Christian na kapwa namin kaibigan ni Kyle. He is a funny guy at s'ya ang masasabi kong pinakaloyal sa lahat.
   
    KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !!
   
    Naging forte ko ang Target Shooting dahil unang-una sa lahat, I want to defend myself. Para hindi na ma-discriminate ang mga kababaihan sa larangan na ito. And I want them to stop thinking that girls are a weak species because I really hate that idea. Women can dominate men, we can do what they can do, we are exemptions but the society kept on thinking that women are such a weaklings na dapat ay binabahay lamang at binubuntis. 'Tch.'
   
    "Hindi ko tatakasan ang kamatayan." Mga linya na nagpabilib sa'kin sa bise ko.
   
    Hindi ako puro yabang o kung ano man dahil presidente ako. Ako ang mata at ako ang batas ng Oracle. Kung kaya walang nangangahas na i-bully ang mga estudyante dito dahil sa pamamalakad ko. Kilala kami sa disiplina at matataas na grado at mas nakilala kami dahil sa iba't-ibang larangan ng hand to hand combat at sa target shooting.
   
    Pero kahit ganito ang nangyayari sa'kin.. Hindi ko maitago ang lungkot ng mawala ang 'lihim kong kaibigan'.
   
    Krrriiinnng !! Krrriinngg !!
   
    "Hello?"
   
    "Hi, anak." Si Papa.
   
    "Yes, Papa, bakit napatawag ka?"
   
    "Can you please come here at the Valenciana's for the Masquarade Ball?" Si Papa.
   
    "Hmm. Why?" Siguradong nandoon si mama and she is the last person I want to see, and Papa surely know this.
   
    "Wedding Anniversary nila Tita Hariette at Tito Robert mo." Sagot ni Papa.
   
    "Pag-iisipan ko." Walang gana kong sagot.
   
    Rinig ko mula sa kabilang linya ang pagbuntong-hininga nito. "Okay. Mag-iingat ka, I love you my Princess."
   
    "Yeah. Me too." Call ended.
   
    Napabuntong-hininga ako.
   
    Mula kasi ng araw na nawala ang pusa kong si Damian, at mula nang saktan ako ni Mama, hindi ko na s'ya pinansin at unti-unting namuo at lumago ang natatago kong galit sa ka'nya. Alam kong mali dahil Mama ko s'ya pero dahil sa pagiging malamig n'ya't pagiging malupit sa akin, hindi ko na naiwasang magalit sa kan'ya.
   
    Our family, have it's secrets na hindi nila kayang ipagkatiwala sa akin at ang tanging kilala ko na nagtitiwala sa akin ay ang pusa kong si Damian at ang lalaking iyon ng gabi nang aking pag-iisa.
   
    Napatingin na lang ako sa madilim na kalangitan. "Where are you now?" Bulong ko sa hangin habang inaalala ko ang lalaking iyon na lihim kong hinihiling na sana'y dumating ang araw na magkita kaming muli.

A.N: Hi guys... Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko ito binago. Yun ay dahil parte ito ng nakaraan ni Khrystyanna kaya naman gusto ko rin i-highlight ang pinaka-unang pagkikita nila ni Damian.

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon