Chapter Two

3.8K 127 7
                                    


PAGKATAPOS ng massage session ay nagulat si Rhomz nang bigyan siya ni Nathan ng VIP meals stub. Actually, pera ang iniisip niya na ibigay nito dahil kung tutuusin ay overtime na ang trabaho niya.

"Bakit ito?" walang puwang na tanong niya habang tinititigan ang kulay ginto na stub. Nagbibihis na ang binata sa kanyang harapan.

"I don't have cash to pay your special service. Just accept," nakangiting sabi nito.

Naguguluhan pa rin siya. "Sandali, walang ganitong stub dito sa academy. Saan ko ito gagamitin?" 'takang tanong niya.

"Grand opening ng Harley's resort next Sunday at kasama ako sa magki-cater ng food for guests. Actually mabibili ang VIP meals stub sa halagang ten thousand pesos. Kapag meron ka nito, you can eat all you can from VIP menu," paliwanag nito.

Nawindang siya. Narinig niya ang tungkol sa grand opening ng Harley's resort mula kay Jeddan. Meron siyang invitation mula kay Jeddan pero hindi siya binigyan ng meals stub. Bongga raw ang celebration ng resort at maraming bigating bisita.

"Salamat dito. Ang totoo niyan, nagdadalawang isip ako kung pupunta ako. Nakakailang kasi," sabi niya pagkuwan.

"Bakit ka maiilang?"

"Isa lang akong ordinaryong tao. Malamang halos mga bampira ang dadalo. Hindi ko kayang pumunta na mag-isa," aniya.

"So, kailangan mo ng kasama? What about an escort?"

"Escort?" tumikwas ang isang kilay niya. Sino naman ang magiging escort niya aber?

Hindi puwede si Jeddan dahil busy ito sa pagtulong sa parents nito na kasamang naghahanda sa party. Malamang ang mga kasama niyang babae ay may mga partner na pupunta.

"I can be your escort," bigla ay sabi ni Nathan.

Napamata siya. Biglang tumulin ang tibok ng kanyang puso.

No, hindi puwedeng siya. Nagprotesta ang isip niya.

"Uh... huwag na. Hindi na lang ako pupunta. Ibigay mo na lang sa iba itong stub. Sayang naman kung hindi magamit," sabi niya saka ibinalik sa binata ang stub.

Pagkuwan ay tinalikuran niya ito. Nagpakaabala siya sa pagliligpit ng mga ginamit niya sa pagmasahe.

"Okay. You're still elusive. Anyway, Thanks for your good services. I have to go," sabi nito.

Natigilan si Rhomz. Narinig niyang bumukas ang pinto at kaagad ding nagsara. Nang matiyak na wala na si Nathan ay saka lamang siya tumigil sa pagligpit ng kalat. Nakaramdam siya ng paghihinayang pero pilit niya itong nilalabanan.

Wala naman siyang problema kay Nathan. Pero kasi, natatakot siyang mapalapit dito. Pinagbabasahehan niya ang kuwento ng ibang kababaihan na na-link kay Nathan. Lahat ng babaeng napalapit dito ay nauwing luhaan. Na-curious siya kaya isa-isa niyang inalam ang kuwento ng bawat isa.

Mabilis daw makaakit ng babae si Nathan, maliban sa natural charm nito, malakas din ang karesma nito pagdating sa pag-uugali. He's an ideal man that most of the girls dream of. He's more on action than talking in first impression. Pili lang daw ang taong gusto nitong kausap. He's also a reckless romantic, tipong wala itong pakialam kung ang mga aksiyon nito ay nakakahikayat na ng babae. Wala itong pakialam kung may nagkakagusto ritong babae.

He does what he had in mind without thinking the consequences. Kaya iisipin ng mga babae na nagugustuhan na sila ni Nathan. In the end, he just enjoying investing efforts to make woman happy and comfortable.

Si Rhomz pa naman ang tipo ng babae na minsan ay assuming at mabilis siyang ma-in love sa lalaking nagmamagandang-loob sa kanya. That's why she accepted Darwin immediately kahit isang buwan pa lang siyang niligawan. Napakabait kasi sa kanya ng binata. Pero iba naman si Darwin, talagang sa simula pa lang ng panliligaw nito ay ramdam na niyang sincere ito.

Day Walkers 11, Nathan Davis (The Mind Manipulator)Where stories live. Discover now