Chapter Three

3.4K 129 4
                                    


HINDI maiwasang mainggit ni Rhomz sa mga kaibigan niyang babae na pupunta sa grand opening ng Harley's resort. May mga partner ang mga ito na mga bampira kaya okay lang. Kung sa bagay, hindi lang naman siya ang single. Pareho sila ni Zae. Pero si Zae talagang ayaw pumunta sa party.

Tumambay siya sa clinic pagkatapos ng tanghalian. Busy si Charie kaya mag-isa siyang nakaupo sa couch habang nagbabasa ng magazine. Mamaya ay namataan niya si Jeddan na pumasok. Deretso itong lumapit sa kanya at umupo sa katapat niyang couch.

"Iniwan mo ang wellness room na nakabukas ang telebisyon. Kumain ka na ba?" Tanong ni Jeddan.

Ibinaba niya ang kanyang binabasa saa ito tiningnan nang deretso. "Katatapos ko lang kumain. Hindi ko in-off ang TV kasi akala ko babalik ka kaagad. Saan ka ba nagpunta?" aniya.

"Sa Harley's resort. Pinapunta kasi ako roon ni Daddy para tumulong sa paglilinis ng dalampasigan. Ano, makakapunta ka ba sa party sa Sunday?" anito.

"Baka ma-out of place lang ako. Huwag na lang," sagot niya.

"Open naman ang party na 'yon sa lahat. Marami ring tao na pupunta."

"Mabuti sana kung hindi ka busy ng araw na iyon. Siyempre, kamag-anak ka ng may-ari kaya hindi puwedeng hindi ka nila kasama."

"So, ang pinuproblema mo ay ang makakasama. Marami namang girls na pupunta."

"Hay naku! Hindi sila maaabala dahil may mga partner na."

Natawa si Jeddan. "Ang laki ng problema mo. Sumama ka na lang kina Syrel at Magnus. Wala namang partner ang mga 'yon," sabi nito.

"Hay! Huwag na kung sila ang makakasama ko. Mga engot 'yon."

"E 'di kay Nathan ka na lang sumabay."

Napangiwi siya. "Lalong ayaw ko," aniya.

"Ano ba ang problema mo kay Nathan? Mabait naman 'yon at maasikaso sa babae."

"Si Nathan kasi, masyadong ma-effort. Tipong nakakailang siyang kasama."

Nagtataka siya nang biglang tumingin si Jeddan sa likuran niya. Iniisip niya si Charie lang ang tinitingnan nito kaya hindi siya nag-abalang lumingon.

"Gano'n ba? O baka naman natatakot ka lang ma-in love kay Nathan," komento ni Jeddan habang nakangiti.

"Hindi, no. Ayaw ko lang talaga sa lalaking paasa," aniya.

Tumawa si Jeddan. "Narinig mo, Nathan? Paasa ka raw," bigla'y sabi ni Jeddan na labis na nagpawindang kay Rhomz.

Marahas siyang lumingon sa kanyang likuran. Namataan niya si Nathan na nakatayo sa likuran niya habang nagbabasa ng logbook. Nakasuot ito ng puting T-shirt at bughaw na hapit na pantalon.

"I will respect her opinion, that was her rights," sabi lang ni Nathan.

Parang natuklaw ng ahas si Rhomz. May tatlong minuto na siyang nakatambay sa clinic pero hindi niya nakita si Nathan. O baka naman matagal na itong naroon at busy sa ibang kuwarto. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Jeddan na tawa nang tawa. Binato niya ito ng magazine na kaagad naman nitong nasalo.

Pagkuwan ay tumayo siya at nagtungo sa emergency room kung kailan niya huling nakita si Charie. Wala na ito roon. Saktong paglabas niya ay nasalubong niya si Nathan. Huminto siya nang humarang ito sa daraanan niya. Ibinigay nito sa kanya ang logbook kung saan nakalista ang mga pangalan ng pasyente.

"Hindi mo nailista sa logbook ang pangalan ng mga pasyente na sumailalim sa physical therapy. Kailangan ko ng listahan para sa record ng management," seryosong sabi nito.

Day Walkers 11, Nathan Davis (The Mind Manipulator)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ