Chapter 22: Paul the Kidnapper

3.3K 66 3
                                    

Kidnapper's POV

Naupo muna ako sa bar para uminom, pesteng Gary, ang gahaman, hindi patas, halos ako nga gumawa ng lahat para lang malimas namin yung hotel eh.. Oo, kami yung mga holdappers.

Pero napasama lang naman ako dahil sa kailangan kong ng pera dahil nanganak yung kapatid kong babae, wala akong pera pang gastos sa ospital, iniwan siya ng nobyio niya at kaming dalawa na lang ang magkasama..

May nakita akong babae sa kabilang resto...di naman siya mukhang mayaman, pero maganda..

Ugh! Namimiss ko lang ata ang girlfriend ko...este ex-girlfriend.

Nakipaghiwalay kasi siya sa akin dahil basagulero [tama ba?] daw ako.

Lumapit ako konti, medyo lasing na ako pero nasa wisho parin.

"Hi miss.."

"H-hi"

"Mukang magisa ka lang ah" napalinga ako sa paligid, wala naman masyadong tao sa resto.. Tumayo ako at lumapit sa kanya

"Tara, samahan mo muna kami dun sa kabila" kunwari madami kami, niready ko yung panyo ko na may pampatulog..

Nang lumingon siya hinawakan ko na yung panyo, at nang luminga ulit siya tinapal ko sa ilong niya yung panyo. Walang nakapansin ng ginawa ko, pinatong ko yung braso niya sa balikat ko..

"Lasing ka na ata" malakas kong sabi, para kunwari magkasama kami

Buti na lang di siya ganoon kabigat, sinakay ko na lang siya sa likod ko..

Ang bango din niya... anu bayan! focus! 

Medyo malayo na rin ang nalakad ko.. at kakaunti na lang ang tao, out of range na ata kami sa resort, may nakita akong isang maliit na kubo at mukhang wala naman tao.

Pumasok ako at may nakita akong kama, upuan at mesa..medyo magulo pero ayos na to, buti may kuryente dito.

Nilinis ko yung higaan, walang kutson pero gawa naman siya sa kawayan kaya maaliwalas naman siguro to, inihiga ko na siya..

-.- parang nagdadalawang isip tuloy ako. Ang bata pa kasi nang itsura niya, parang nasa highschool pa ata siya...

Dito muna kami magpapalipas ng gabi..bukas pa ng hapon magigising to kasi matapang yung pampatulog ko eh.

.

.

.

..

..

.

.

.

.

.

.

.

.

Jill's POV

>_< ang sakit ng ulo ko...parang nauntog ata ako, 

Siguro binuhat ako ni Louie pa akyat ng hotel...pero di ko maalalang nakatulog ako.

Minulat ko yung mata ko, ang taas na ata ng sikat ng araw. bakit di ako ginising ni Louie at bakit parang ang init? di niya ba binuksan yung aircon?...

Haaa? Nasan ako?! Bakit nandito ako? Di naman to ang room namin ah!

Walang tao sa paligid, Maliit lang yung kubo...pero bakit ako nandito? sinong nagdala sa akin? Di ko ma-alala..ang naaalala ko lang ay may lalaking tumapat sa akin at.......

Im Married To My TeacherWhere stories live. Discover now