Kamanyakan 4 - Cody--The lollipop guy

1.9K 37 0
                                    

Nabura ko pala yung ibang part ng story. Hays. Hahahahahahaha. Eto na, binalik ko lang.-Tingkeobel

 

 

Kamanyakan 5 – Cody the lollipop guy.

 

Ainsleigh’s POV

 

 

 

Nauna na siyang maglakad at nakita ko siyang lumiko din dun sa library. Tss. Library din punta niya? Nagsimula na din ako maglakad, ano ko dun tutunganga na lang dahil dun kay lollipop guy? Duh? Yun na nga ginawa ko eh. Tsk.

Nang makarating akong library agad kong sinuli yung mga libro at kukunin ko na lang ‘tong mg libro na pinapakuha ng prof ko kanina. Nagsimula na kong maghanap…ahm, ano ba tong librong to?

“Hindi ito..hindi din ito…” Hay! Ang dami naman kasing libro! (Tanga, kaya nga library diba?) Sabi ko nga. Tignan nyo binabara ko na yung sarili ko.

“Anong hinahanap mo?”

“Jusmeyokakapagakonagkasakittalagasapuso!” Napaharap naman ako kay… Lollipop guy =___= Bakit lagi silang nang-gugulat! Hah!? Isa na lang, isusugod na ako sa hospital nyan sa gulat. Nakita ko siyang natawa. “Ano sabi mo?”

 

 

“Wala. Alis dyan.” Gumilid naman siya pero nakatingin parin sakin habang ako nagsimula na ulit maghanap. Tinignan ko yung binigay saking papel. Tatlong libro pa ‘tong pinapahanap…Tsk naman oh. Dpat nagpapahinga na ko eh! “Ano nga kasi hinahanap mo?”

Tumingin ako skanya bago magsalita. “Libro” Nakita ko nanaman siyang natawa. Huwaw, mukhang masayahin ‘tong isang to ah. Hindi nman masyadong halata. Inirapan ko siya at naghanap. Tokneneng talaga. “Hindi ito…tsk! Hindi….”

“ I mean anong klaseng book ba hinahanap mo? Baka matulungan kita” Tapos nginitian niya ko. Yung ‘ika-nga nila’ yung makalaglag panty na ngiti. (Kahit hindi nman nalaglag ung panty ko) Napaisip naman ako. Tutulungan daw ako oh, papatulong ba ko?

… SYEMPRE HINDI! “Kaya kong mag-isa.” Hindi kami close noh. Saka sabi ng aking mamahal na magulang ay don’t talk to strangers! Oh ha.

Nag-shrugged lang siya at pinasok nanaman sa bibig niya yung lollipop tumalikod siya sakin at nagsimulang tumingin ng mga libro. Pinabayaan ko na siya at pumunta sa ibng shelf. Ang dami kasing libro eh!(Eh kasi nga library) Ayan nanaman. Sabi ko nga, hindi ako tanga. Tss. Kausapin ban man ang sarili.

The Campus PERVERTS (EDITING)Where stories live. Discover now