Chapter 21

40.7K 807 16
                                    


HINDI makatingin nang deretso si Jessica nang humarap sila kay Claire na nasa library. Puro sila buhangin ni Nick at nagpilit itong dumeretso sila kay Claire bago maligo.

Nakaupo si Claire sa mesa ng papa niya at sadyang hinihintay sila.

"Jess... I want you to meet my mother!" lahad ang kamay ni Nick na itinuro si Claire.

Gulat na gulat si Jessica. Naalala niya noong una niyang malamang magkapatid ang dalawa ay naisip niyang mas angkop ang mga itong maging mag-ina.

"Mother?!"

"Anak ko si Nick, Jess. Anak sa pagkadalaga dahil buntis na ako nang mamatay sa aksidente ang ama ni Nick bago niya ako napakasalan," paliwanag ni Claire.

"Hindi matanggap ng Papa ang kahihiyan kaya sa Laguna ko ipinagbuntis at ipinanganak si Nick. Sa kapatid ng Mama na may lupain doon," patuloy ni Claire. "Naunawaan ako ng Mama kaya sa panahon ng pagbubuntis ko ay naroon siya upang palabasing anak niya si Nick. Pana-panahon ay dinadala ng Mama si Nick dito upang sanayin ang mga tao at hindi magtaka," pagtatapos nito.

"Kaya nang sabihin mo sa aking hindi alam ni Philip ang uri ng pagkatao ko ay nagalit ako," si Nick. "Iniisip kong tinukoy mo ang pagiging bastardo ko. lyon din ang iniisip kong dahilan ng paglayo mo."

"O, Nick. Hindi makababawas iyon sa pag-ibig ko sa iyo." At ginagap nitoa ng palad ng asawa. "A-alam ba ito ng Papa noong nabubuhay pa siya?"

Sumandal sa upuan si Claire. "I never lied to your father. Siya pa nga itong may gustong ipaalam sa lahat pero natakot ako para kay Nick. Sa sasabihin ng tao..."

"Come on, Claire, napaka-protective mo, kahit sa gulang ko na ito."

"At... at Claire lang ang tawag mo sa kanya?" si Jessica kay Nick.

"Nakasanayan ko na iyon..." at nagkibit ng balikat.

"But I'm not..." matigas na wika ni Jessica na ikinatingin sa kanya ng dalawa. "Kung magpapakasal tayo ay gusto kong malaman ng lahat na may mother-in-law ako! 'Di ba, Mama?" At tumingin kay Claire.

Tumayo si Claire at yakap ang isinagot sa kanya.

"Mama kung ganoon..." si Nick.

Masuyong tiningnan ni Claire ang anak. Hinaplos ng palad ang mukha nito.

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now