The Kid Couple

251 2 0
                                    

Chaeyoung's POV

Nandito ako sa may garden namin. Bakit? Wala lang. Nagliliwaliw lang.

Ang mga unnie ko at si maknae ay nasa loob ng bahay kasama sila oppa.

Hayy..

Nasaan na ba 'yung maliit na 'yun?

Tsk. Makapagsabi ako ng maliit akala mo hindi ako maliit hihi.

Kaya nga kami tinawag na 'The Kid Couple' dahil obviously para kaming bata.

Kasalanan ba namin na ganito lang ang height namin?

Nakuha kasi nina Chewy at Gyeom oppa lahat ng height. Tulog daw kasi kami ng magsabog ng katangkaran at sina Chewy ay nagsu-swimming nun haha.

Mabalik tayo. Kanina lang nandito 'yun ah.

Hmm..

Napalingon ako sa mga halaman.

May naririnig akong kaluskos.

Hala!

Wala naman sigurong nakapasok.

At kung meron man makikita ko agad.

Naku!

Tumayo ako at unti unting lumapit sa mga halaman.

Pagdating ko doon..

Napakunot noo ako sa nakita.

"Nandito ka lang pala. Anong ginagawa mo dyan?" nakataas kilay kong tanong.

"Wala"

'Tan mo 'to. Ni hindi man lang lumingon sa akin at patuloy sa pagti-text. Pangiti ngiti kasi.

At dahil sa inis ko hinablot ko ang phone niya at...

O__________O

H-how?

Napatingin ako dito.

"Akin na nga 'yan. Hwag ka ngang mangialam dyan" at hinablot nito ang phone na hawak ko.

"S-sino s-siya?" pinilit kong magsalita ng maayos at pakalmahin ang sarili ko.

"Pakialam mo ba?"

Nagpanting ang taenga ko sa narinig.

"Eh, g*g* ka pala eh! Girlfriend mo lang naman ako kaya may pakialam ako sa kung sinumang babaeng katxt mo!"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Girlfriend? Oo nga pala. Girlfriend lang naman kita at hindi asawa kaya pwede ba tigilan mo ako" akmang lalagpasan na niya ako ng pigilan ko siya.

"G-girlfriend mo lang a-ako? 'Yun l-lang?" at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigil kong lumabas.

"Oo"

"B-bakit? M-may mali ba sa a-akin? A-ayaw mo na ba? Nagsasawa ka na?"

Tinitigan ko siya sa mga mata at mg magtama ang mga mata namin..

Parang alam ko na ang sagot.

"R-right. You're tired of this. Ano? Mahal mo siya? Paano naman ako?"

"Sorry. I--"

"2 years? Tapos ganito lang? I hate you! Super hate you!"

"Yes. 2 years but that doesn't mean na pwede mo ng pakialaman ang buhay ko. Oo. Girlfriend kita pero may buhay din naman ako. Hindi naman pwedeng sa'yo lang ako naka dipende"

Natawa ako ng mapakla.

"Is that it? So, kung ako hindi kita pwedeng pakialaman? Pero kung ikaw pwede mo akong pakialaman sa mga ginagawa ko, pinupuntahan ko at mga kinakausap ko? You're unbelievable! Magsama kayong dalawa!"

"Hwag na hwag ka ng magpapakita sa akin! Ayaw na kitang makita kahit kailan!" sigaw ko pa dito.

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin at niyakap.

Tuluyan na akong napaiyak.

"Shh"

Pero mas lumakas pa ang iyak ko.

Narinig kong natawa siya.

Ano? Masaya siya na nasasaktan ako?

"N-nakuha mo p-pang t-tumawa. I-I hate y-you!" at nagpupumiglas na ako sa yakap niya pero mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

"Sweetie, it's just a prank" at tuluyan na siyang tumawa ng malakas.

Parang bumalik pataas ang mga luha ko.

This time nakawala na ako sa pagkakayakap niya at pinaghahampas siya.

"A-aray! S-sweetie naman! Aww!"

"Anong sweetie sweetie ka dyan? Letse ka! Matapos mo akong paiyakin tapos ganyan lang. Buwisit!"

"S-sorry na. T-tama na po" at pilit hinuhuli ang kamay kong patuloy sa paghampas sa kaniya.

"Kaasar ka! At sino ba 'yung babaeng 'yun?!"

Tumawa na naman siya at bago pa tumama sa mukha niya ang palad ko ay napigilan na niya ito..
Hinila niya ako ulit payakap sa kaniya.

"It's Jeonghan hyung. Pinalitan ko lang ang name niya sa contacts ko *laughs*"

"I still hate you"

"Sorry, sweetie. It's just a prank and now I know what would be your reaction if it's really true"

Napalayo na naman ako dito.

"So, may balak ka?" nakataas kilay kong tanong.

Agad naman siyang umiling.

"Asa! Never. You're the only one for me *smile*" then he cupped my face and kissed me on my forehead.

"Sorry"

"Tsss..napaiyak mo na ako. Masaya ka na?"

"Why would I? I wouldn't want to see you cry"

"But you just did" at pinanlakihan ko ito ng mata.

"I know" at hinila ako ulit palapit dito at niyakap ako.

Kahit asar ako sa kaniya ay hindi ko naman matitiis ito eh.

"Bati na tayo ah" as he caress my hair.

"Hmm"

"I love you, Son Chaeyoung"

"I love you too, Lee Jihoon"

"Anyway, pasalamat ka at wala dito sila unnie. Lagot ka doon"

Natawa lang siya.

"Oo nga eh. Buti hindi nila tayo narinig. Naku! Lagot ako kela noona nito"

Psh.

A prankster.

Tsk.

Woozi's POV

I know it's not a good idea to prank your girlfriend but we're humans. And we have a lot of reasons why we thought of doing something like that.

Like us.

Alam kong hindi lang ako kundi sila din.

Hindi naman sila papayag sa ganito just for fun.

Alam kong may gusto silang patunayan.

Alam kong lame at nakakaasar ang reason pero hindi niyo ako masisisi why I did that to my Chaeyoung.

I just wanted to make sure.

And now, I know the answer.

It made me happy.

I so love this girl. So much.

(A/N: "Haha wala eh. Hindi dapat ganito pero sige na nga hihi 😊

~~MAG 😜 (11-18-19😊)

The Prankster Boys Pranks The Prankster Girls (SevenGotTwice ❤)Where stories live. Discover now