The Boyish Girl Couple

65 1 0
                                    

Jeongyeon's POV

Bakit kaya parang--no..mugto ang mga mata ni Chae Chae. Ano kayang ginawa ni Woozi sa kaniya? Tsk.

Kahapon pa namin tinatanong pero ang sabi lang ni Chae ay 'we're okay'..anong okay doon?

Tss..hayaan na muna natin.

Itong katabi ko naman? Kabadtrip..

Hindi ako pinapansin at tingnan mo 'to.

Iniwan pa ako dito sa may dining room.

Dalawa lang kasi kami dito, na ngayon ay ako na lang.

Sino siya?

Si Yoon Jeonghan, my boyfriend. Minsan nga ako pa nasasabihan na lalaki sa amin at siya ang babae pero kahit ganun mahal na mahal ko pa rin 'yun hihi.

Anyway, naiwan niya 'yung phone niya.

Hmm..

*vibrate* *vibrate*

Oh? May nagtxt ata.

Titingnan ko ba?

Aish!

Invasion of privacy 'yan! Pero girlfriend naman niya ako diba?

May karapatan naman ako lalo na baka kung sino lang 'yan.

Aish!

Kukunin ko na.

Pagdampot ko.

Open agad at diretso sa message at..

Anak ng...

"Yoon Jeonghan!" nanggagalaiti kong sigaw.

May narinig naman akong yabag na papalapit.

"B-bakit...bakit ka sumisigaw?" hinihingal na bungad nito.

Sa asar ko binato ko sa kaniya ang phone niya.

Ayun! Sapul!

Pasalamat siya carpeted din ang dining room namin at hindi nabasag ang phone niya.

"Aray! Bakit ka nambabato?" nakakunot noo pa nitong tanong habang hinahaplos ang noo niyang natamaan ng phone.

"Gago ka! Tatanungin mo pa ako? Bakit hindi mo tanungin 'yung Cherry mo at ng malaman mo"

Nanlalaking mata na tinitigan niya ako.

"Pinakialaman mo ang phone ko?"

"Ano naman? Nag vibrate eh at isa pa kung mambababae ka siguraduhin mong hindi kita mahuhuli dahil nasisiguro kong hospital ang bagsak mong hayop ka!" at pinagbabato ko siya ng kung anong mahablot ko.

"A-aray! T-tama na" panay ang iwas niya sa mga bato ko.

"Gago! Walangya ka! Hayop ka! Magsama kayo ng babae mo! Manloloko! Wala kang pinagkaiba sa kanila. Buwisit!"

"A-ano ba? Isa! T-tama na!"

"Tama na? Bakit? Naisip mo ba ang nararamdaman ko? Huh! Ang kapal mong magloko. Bakit? Hindi pa ba ako sapat? M-may naibibigay ba s-siya na h-hindi ko maibigay? Mas maganda ba siya? Mas m-mahal mo ba siya?" at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Pag sinabi ko bang oo. Anong gagawin mo?"

Pinunasan ko ang luha ko at ali dali ko siyang nilapitan at pinaghahampas.

"Anong gagawin ko? Ibabaon kita ng buhay! Gago ka! Hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin! Mahal na mahal kita"

At tuluyan na akong napa upo sa lapag.

The Prankster Boys Pranks The Prankster Girls (SevenGotTwice ❤)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz