21

2.3K 58 0
                                    

"What do you mean I win?" Kunot noo tanong ni Tucker.

"Kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko at matagal na kitang pinatawad sa nangyari noon." Tumingin ulit ako sa kanya. "Sana patawarin mo rin ako."

"Why?"

"Gusto kong pagsisihan mo ang lahat."

"I understand. Nagsisi ako sa maling ginawa ko noon, Rye."

Bakit kasi hindi magawang magalit ni Tucker sa akin? Tinanggap niya ang bugbog ni kuya Anton sa kanya noong inamin niya sa pamilya ko na hiwalay na kami. Ganoon ba talaga ako kamahal ni Tucker at gagawin niya ang lahat?

"Tuck, one more thing." Huminga ako ng malalim dahil kailangan namin pag-usapan kung paano namin sasabihin sa pamilya namin ang tungkol kay Aerith. "Wala pang alam ang pamilya ko tungkol kay Aerith."

"Paniguradong wala ring alam ang pamilya ko pero kung gusto mo pwede kitang samahan sabihin sa kanila."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat. Pero huwag mo ko paunahan kagaya ng ginawa mo noon ah."

"Promise. Hindi ko sasabihin sa kanila kung hindi ka pa handa."

"Thank you again." Tumayo na ako at tumingin sa kanya na ngiti sa mga labi ko. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko noong sinabi ko na kay Tucker ang totoong nararamdaman ko sa kanya. "Do you want to meet our daughter?"

"Of course, I want." Agad tumayo si Tucker. "Saan pala si Aerith?"

"Sa bahay ni Apollo." Biglang dumilim ang paningin ni Tucker. "Pero huwag ka mag-isip ng kung anu-ano. Hindi tumayong ama si Apollo kay Aerith. Hindi naman ako papayag doon."

"Hindi rin ako papayag na may ibang lalaki na tatawaging daddy ang anak ko."

Tinuro ko kay Tucker kung saan ang daan papunta sa bahay ni Apollo hanggang sa nakarating na kami. Nauna na ako bumaba sa kotse niya at sakto ang pag-labas ni Apollo.

"Oh. Papunta na ako sa bahay mo ngayon."

"Wala naman tayong deliveries ngayon kaya huwag ka na muna pumunta sa bahay. Pumunta ka na lang sa pinapagawa nating bakeshop."

"Okay." Napansin kong tumingin si Apollo sa likuran kaya lumingon ako. "What he's doing here?" Bulong nito sa akin.

"He knows about Aerith."

"Really? Good for you, Ryelee. Sige, pupuntahan ko na lang ang pinapagawa nating bakeshop."

"Tawagan mo na lang ako kung kamusta na ah." Tumango sa akin si Apollo bago pa siya sumakay sa kotse nito. Hinatak ko na ang braso ni Tucker papasok ng bahay. "Maupo ka na muna diyan. Kukunin ko lang si Aerith."

Pumunta na ako sa isang kwarto kung saan ang crib ni Aerith. Pinagawa pa talaga ni Apollo itong crib ni Aerith para may higaan siya. Sakto naman ang pag-kita ko kay nanay Vicky.

"Bakit ka bumalik, hija? May nakalimutan ka ba?" Tanong ng matanda sa akin.

"Wala po." Kinuha ko si Aerith sa crib niya. Gising ang anak ko ngayon. "Kasama ko po kasi ang daddy ni Aerith."

"Talaga? Alam na ba niya ang tungkol kay Aerith?"

"Yes po. Sinabi ko na po sa kanya kanina na may anak siya sa akin."

Kahit wala pa sa plano ko ang pag-dating ni Aerith pero minahal ko siya dahil sa akin siya nang galing. Anak ko siya. Kahit kamukha pa siya ni Tucker.

Bumalik na ako sa sala para ipakita kay Tucker si Aerith.

"Here's our daughter." Pinakita ko sa kanya si Aerith. Kitang kita sa mukha ni Tucker ang tuwa ng makita si Aerith.

"She's so beautiful like her mother."

"Pero kamukha mo naman siya."

"Rye." Tumingin ako sa kanya. "Kung ayos lang ba sayo na ligawan kita gaya ng dati."

"Ikaw ang bahala."

Bakit pa ba ako tatanggi kung inamin ko rin sa kanya na mahal ko pa rin siya.

"I can't wait to call you mine again."

Pinapanood ko si Tucker habang nilalaro niya ang anak namin. Tuwang tuwa naman si Aerith sa ginagawa ni Tucker.

"Ano na pala ang plano mo ngayon?"

Kumurap ako sa biglang tanong ni Tucker sa akin. "Pumayag na rin naman akong mag-simula ulit tayo sa simula. Hindi ka naman siguro nagmamadali lalo na may alam ka na may anak ka sa akin."

Umiling ito. "Hindi ah. Handa ako mag-hintay hanggang sa sagutin mo ulit ako. And thank you for giving me another chance."

"I'm sure hindi ikaw ang nakaisip ng mag-hanap ka ng babae para maging fake girlfriend mo. I know you, Tuck."

"Actually, ideya iyon nina Chad at ng isa kong kaibigan galing Australia. Hindi ako pumayag noong una pero napaisip ako sa sinabi nila sa akin."

"Talagang si Chad. Kaya pala ganoon ang anunsyo niya sa aming lahat."

"Sorry. Dapat hindi ko iyon ginawa."

"Kung hindi mo iyon ginawa ay hindi mo malalaman na nagseselos ako sa tuwing nakikita ko kayong dalawa. Saan mo nga pala nakilala yung babae?" Tanong ko sa kanya.

"Australia. She's also my friend. Alam ng mga kaibigan ko doon ang tungkol sa atin at kilala ka rin nila."

Kumurap ako. "Kilala nila ako?"

"Yes. Palagi kasi kita kinukwento sa kanila. Ganoon ako proud sa'yo, Rye."

"Um..." Tumingin sa akin si Tucker. "Bakit niisang beses ay hindi mo magawang magalit sa akin? Kahit may kasalanan rin ako sayo."

Umiling ito. "Hindi ko magawang magalit sa babaeng mahal ko. Pero kapag may umaway sayo ay lagot sila sa akin. Handa akong protektahan kayo ni Aerith."

Hindi ko naman sinabing gusto kong makitang magalit si Tucker pero... never mind.

"Amin na si Aerith." Kinuha ko na sa kanya ang anak namin. "Ilalagay ko na muna siya sa crib niya."

Pagkalagay ko kay Aerith sa crib niya ay bumalik ako kay Tucker.

"Gusto mo ba ako makitang magalit kaya mo naitanong sa akin kung bakit hindi ako nagagalit sayo?"

Umiling ako. "Hindi naman."

"Akala ko pa naman gusto mo talaga ako magalit. Pero kahit anong gawin mo ay hindi talaga ako magagalit sayo. Mahal kita at kahit anong nangyari ay hindi ako magagalit sayo."

"Kaya ba tinanggap mo yung suntok ni kuya noong inamin mo sa kanilang wala na tayo?"

"Yes. Gagawin ko ang lahat para patawarin mo lang ako. Kahit suntukin pa ako ni tito Edwin at kuya Anton. Kahit sabihin mo sa akin na tumalon sa mataas na building ay gagawin ko talaga."

Hindi naman ako ganoon kasamang tao para sabihin sa kanya na tumalon siya sa building. Ayaw ko tuluyang hindi makita si Tucker kung gagawin niya 'yon.

"Forget about it. Ang importante ay okay na tayo ngayon."

Ngumiti ito. "You're right. Starting tomorrow ay magsisimula na ako mang ligaw sayo. Asahan mo na iyan."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon