O2

397 13 1
                                    

CHA YUNA's
POV

I'm a bit nervous. Ngayon kasi ang unang araw na papasok ako ng school. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ako.

Home school kasi ako noon, 'di ba? Kaya hindi ako masyadong magaling makipag-usap sa ibang tao.

"Ready ka na ba?" naputol ang malalim na pag-iisip ko ng tanungin ako ni Kuya Eunwoo.

This is my first time na makikihalubilo sa mga tao lalo na dati ay may sakit ako kaya hindi ako gaanong nakakalabas ng bahay.

God, please. Sana maging maayos ang first day of school ko.

JYP UNIVERSITY

"Siya daw pala 'yong bago?"

"Ay, wow. Mukhang mayaman."

"Chicks, mga pare!"

"Whoa! Mga dude, ang ganda-"

Hindi ko na narinig pa 'yong mga sinasabi nila nang makapasok ako ng classroom namin.

"Hi!" nagulat ako nang may tumabi sa 'kin pagka-upo ko.

Agad naman akong ngumiti dito kahit na medyo naiilang pa.

"Hello?" medyo nahihiya kong bati pabalik na medyo hindi pa sigurado.

Ilabas mo ang tapang mo, Yuna! Pero ibang tapang naman siyempre, tapang in a good way. Geez. Baka ma-weirduhan sila sa 'kin.

"I'm Felix. Bro! Come here!"

Aussie accent, huh? Malalim din ang boses niya. Ano kaya settings ng lalamunan niya? Grabe, deep voice iyon.


"Hi! I'm Chan." masayang bati nung Chan nga daw na may aussie accent din.

"Bago ka pala dito. Mga bata hali nga kayo dito!" sigaw ni Chan ng nakangiti.

Bigla na lang may mga lalaking naglapitan sa amin.

Ang gwapo nilang lahat, but no way.  Nandito ako para mag-aral at hindi para maglandi. Wow? Defensive much.

"Hyunjin!" tawag nung lalaking naka-salamin doon sa Hyunjin.

"Ibalik mo sa 'kin 'yang ballpen ko!" sabi nung lalaking nakasalamin do'n sa lalaking may messy hair at may hikaw sa kanang tainga.

"Habulin mo 'ko, Seungmin!"  mapang-asar a sabi pa ni Hyunjin do'n sa Seungmin.

Sumimangot naman si Chan habang nakatingin sa mga ito.

"Hey! Dito nga kayo. Hindi kayo mapirmi sa isang tabi."

Nakangiti lang ako habang pinapanood sila. Kaya lang napansin kong ako lang ang nag-iisang babae dito?! Bakit ako lang mag-isa dito?!

"Teka lang nga? Bakit pala ako lang babae dito?" tanong ko kay Chan.

He look at me with a wide smile.

"Oo nga pala! Wala, eh. Ayaw kasi namin ng ibang babae dito lalo na't lagi silang maiingay o nagtitilian." sagot niya habang nakatingin ako sa kanila.

May isang lalaking nakaagaw ng pansin ko. Nagsusulat lang siya sa gilid at tahimik na parang walang pakialam sa paligid.

Nerd.

"Ito si Changbin, Hyunjin, at ito naman si Han tapos si Leeknow. Oh, ayan na si Leeknow 'yung late dumating tapos ayun! Si Seungmin. Parang nerd 'yan pero hindi naman." sabi ni Chan.

Napatingin ako kay Seungmin na nakatingin na din pala sa akin. Nag-iba ang pintig ng puso ko nang magkatitigan kaming dalawa.

Bakit gano'n? Parang may kakaiba? Hindi ko naman siya kilala.

"Ikaw lang ang nag-iisang babae na hinayaan namin dito sa classroom. Tsaka mukhang hindi ka naman namin fan, eh. Kaya okay lang." sabi pa ni Chan.

Fans? Wow, they're popular.

"I'm really not a fan. I don't even know you, guys."

I awkwardly answered.

EDITED.

Memories Bring Back Us | Kim SeungminWhere stories live. Discover now