O5

297 7 0
                                    

CHA YUNA's
POV

Nandito ako ngayon sa school.

As usual wala namang bago pero sa 'kin marami.

Ewan ko pero simula ng mailipat sa 'kin 'yong puso ni Camile?

Lagi na 'kong makulit, matapang at hindi na 'ko ganoon kahinhin.

Maybe because of her mas nagkaroon ako ng will na maging matapang at malakas.

I miss her...

Nung una gustong-gusto ko siyang ipa-revive dahil talagang gusto ko pa siyang mabuhay.

Wala nga 'kong pake kahit kailangan ko 'yong puso, eh. I can just die or wait for someone, basta huwag lang iyong kanya.

Kaibigan ko pa rin siya at deserve niya pang mabuhay, magka-anak at maranasan lahat ng ipinagkait niyang maranasan.

Makapag-aral pa, 'di ba? Pero wala talaga. Sumuko na siya, but i need to think positive as much as i can! For me she sacrificed her life to save me, kahit gusto pa niyang mabuhay. I sighed deeply.

I just really miss her.

"Yuna?" nagulat ako nang may biglang lumapit sa 'kin babae na naka-uniform rin at siyempre tulad ng sa 'min.

"Ikaw si Yuna, 'di ba?" tanong niya.

I nodded, a bit confused. "A-ako nga." sabi ko sa kanya.


Nanliit ang mga mata niya bago naglahad ng kamay.

"I'm Prensy." pakilala nito at may kakaibang ngiti sa labi.


"I'm S-"

"Hoy, bitch." naputol ang sasabihin niya ng may isang magandang babae ang biglang sumulpot mula kung saan.

"Kyline?" inis na saad nitong si Prensy.

Anong ba'ng nangyayari?

"Yes. It's me gaga! 'Wag ka nang mang-biktima pa ng iba!" sabi nung Kyline kay Prensy.

Gusto kong sumingit at magtanong kung anong nangyayari pero hindi ako makasingit.

"Ano ba? Bakit natatakot ka ba na may gawin ako dito?" tanong ni Prensy dito at nanghahamon.

Ako yata ang tinutukoy niya? Ako ba? O baka naman iba? Ang gulo naman ng dalawang 'to.

"Manong guard!" ang lakas ng sigaw ni Kyline kaya napangiwi ako at napapitlag ng bahagya.

Dumating ang mga guwardiya at nilapitan si Kyline.

Tinuro ni Kyline si Prensy, bakas ang inis sa mukha nito at pagkairita kay Prensy.

"Ilabas niyo po 'yan!" sabi ni Kyline sa mga guwardiya.

Nagpupumiglas si Prensy nang malapitan siya ng mga guards at hinawakan sa magkabila niyang braso.

"You bitch! Magsisisi ka, Kyline!" rinig pa naming sigaw ni Prensy bago siya mahaltak ng mga guards.

"Hi! I'm Kyline. School's president." pakilala nito nang humarap naman ito sa akin.

I smiled at her awkwardly. Ano bang nangyari? Tsk.

"I'm Yuna."

"Pasensiya ka na, ha? Prensy is a bitch and a manwhore, mukhang balak ka niyang takutin. Ayaw ko lang maka-damay pa siya ng iba." paliwanag naman nito.

Muntikan na pala ako doon? Oh, gosh. Ang bobo, Yuna!

EDITED.

Memories Bring Back Us | Kim SeungminWhere stories live. Discover now