Chapter 3

101 11 0
                                    

Jenny's POV

Lunch time na at nasa cafeteria ako ngayon with lea, kaso parang wala akong kasama kanina pa kasi ito tahimik. parang wala sa mundo

"Ang hirap ng chemistry grabe!" pag papapansin ko sakanya nilakasan ko na yan ah pero walang effect pa den. ano bang nangyari dito?

"helloooooo!" sigaw ko hindi naman ako nagkamali at bumalik sya sa realidad

"h-ha? may sinasabi ka?"

"ano ba yan! saan ba nag ta-travel yang isip mo? lutang ka kaya kanina pa" sabi ko at inikot ko yung mata ko

"h-huh? hindi naman?" pasagot na tanong? lutang nga

"wala! tara na nga" inis na sabi ko at mabilis na naghanap ng table para samin. ng makahanap kami ay agad akong umorder ng pagkain at kumain na.

"ah? excuse me? puno na kasi yung tao dito. can't you mind if i join you?" tanong ni shiela samin na may hawak na tray.

tumingin muna ako kaya lea at inaantay yung sagot nya nag alanganin lang syang tumango

"a-ah oo naman" sabi ko tsaka ngumiti.

whats with that awkwardness?

sobrang tahimik ah? parang may dumaan na anghel.

"lea? shiela? naintindihan nyo yung chemistry natin? ako kasi hindi eh ang hirap!" sabi ko pa. para lang maiwasan yung kakaibang atmospera dito saamin

"hindi naman ganon kahirap medyo madali lang naman" sabi ni shiela tsaka sumubo ng steak

"ha? nadalian ka?" tanong ko

"oo naman tsaka tinuro na din samin yan ng dati kong teacher" ayy kaya pala madali lang para saknaya

"ahh" sabi ko at tumango tango

"gusto mo after class turuan kita? punta ka sa bahay namin" sabi nya at ngumiti

"gusto ko sana eh. kaso susunduin ako ni kyle kaya siguro sa susunod nalang" sabi ko at ngumiti

"ah sige. hmm ikaw nalang lea? gusto mo?" tanong nya kay lea tsaka tumingin sa katabi ko. katabi ko kasi si lea tapos sya kaharap namin.

"thanks but no thanks nalang shiela i can handle my lesson. thanks for your concern"

"sige basta pag may di kayo alam tanong nyo lang sakin ah?"  sabay naman kami ni lea na tumango at ngumiti. ngumiti lang sya sakin at tinignan yung relo nya

"ah? girls? i need to go. may klase pa ko eh" sabi nya tsaka dali daling tumayo

"sige ingat ka kita nalang tayo sa susunod" sabi ko at ngumiti. nagwave lang sya ng kamay at umalis

"oi! anong 'kita nalang tayo sa susunod' ha? parang kanina mo lang nakilala ah? friends agad?" sabi ni lea at taas ng kilay

"grabe ka naman nagseselos ka lang"

"hindi noh. at bakit naman ako magseselos ha?"

"syempre tingin mo napapalitan ka na ni shiela as a bestfriend ko" sabi ko at ngumiti ng matamis

she shrugged her shoulder

"hmpk!"

"wag ka na magtampo. ikaw pa din bestfriend ko and one more thing im just being nice to the transfer ang sama naman kung maging mean tayo sakanya diba?" sabi ko

"hay nako basta hindi pa din ako komportable sa presence nyan"

"tss. ikaw lang naman ang hindi komportable sa presence nya. anyway tara na nga baka malate pa tayo" sabi ko at tumayo na

(Afternoon)

*5:01 pm*

"sure ka bang hindi ka na sasabay sakin?" napaikot nalang ako ng mata ng marinig nanaman yang tanong na yan sa bibig ni lea kanina nya pa yan tinatanong.

"oo nga! aantayin ko pa nga si kyle" sabi ko

"baka hindi ka nanaman non susunduin?"

"hindi naman siguro. kakabati lang namin. aantayin ko nalang sya" hindi naman siguro ako hindi susunduin ni kyle diba? kakabati lang namin at alam ko--- hindi naman sya siguro gagawa ng ikaaaway namin diba?

"sige na nga basta tawag ka if you need anything" sabi nya at nakipag-beso sakin

"ok bye!" sabi ko nag nod lang sya at sumakay na sa kotse na nagsundo sakanya

*5:58 pm*

"oh jenny? di ka pa ba uuwi? mag gagabi na" tanong sakin ni shiela. nandito pa ko ngayon sa loob ng school nakaupo malapit sa gate parang waiting area ganon.

"ah hindi pa. inaantay ko pa si kyle" sabi ko. nakita ko naman syang umiling at parang may inaapala

"bakit?" tanong ko ulit

"ah wala sige alis na ko umuwi ka na baka mamaya gabihin ka pa delikado pa naman" bilis nya sakin

nag nod nalang ako at pinanuod syang umalis, nasan na ba si kyle? mag iisang oras na ko kakaantay skanaya wala pa din sya?

*6:34 pm*

ok ill quit! ang tagal nya nilalamok na ko dito ah. uuwi na ko.

tatayo na sana ako ng mapatingin ako sa labas at nakita ko si adrian na nag bi-bike at nakauniform pa din sya. pero sure akong nakauwi na sya kasi nakita ko pa syamg kaninang mga 4 na umuwi na at sinundo ng kotse kaya natural na pumunta talaga sya dito gamit ang bike nya

"adrian? anong ginagawa mo dito? " tanong ko

"may kukunin lang ako" sagot nya at pumasok sa loob ng gate. yung guard? nasa office pinatawag daw ng deans tsaka kahit anong oras ka naman pumunta sa school na to ay pwede basta student ka ng school na to at kung sakali may id ka para ipakita sa guard.

"ikaw?.." dagdag na tanong nya

"inaantay ko lang si kyle pero--"

"tsk. umuwi ka na hindi na dadating yon" sabi nya at dali daling naglakad 

"oo nga. uuwi na ko. baka mabulok pa ko dito eh" pagbibiro ko nakita ko naman syang tumigil sa paglalakad

"tama yan. wag kang aasa na susunduin ka nya. may pinagkakaabalahan sya" sabi nya

"huh?" pero hindi nya ko simagot tuluyan lang syang naglakad palayo

hay hayaan na nga

(after a while)

dali dali kong hinubad yung damit ko at nagpalit ng pambahay.

nasa bahay na ko ngayon at wala din dito si kyle. nasan na ba yon? kanina sabi nya susunduin nya ko tapos hindi naman pala pinaasa nya lang ako

pagkatapos ko mag bihis ay pumunta ako ng kusina para kumain

*door's open*

agad akong tumayo para tignan kung sino ang nagbukas ng pinto

"jenny" it's kyle naka uniform pa din sya

"kyle? saan ka galing? kanina pa ko nag aantay sa school wala ka naman" sabi ko

"im sorry jenny."sabi nya at deret-deretsong naglakad sa taas

"hindi mo man lang pa ieexplain ang nangayari kung bakit hindi mo ko sinundo?" tanong ko. kung alam ko lang na hindi nya din naman pala ako susunduin sana ay umuwi nalang ako

"jen i said sorry. pagod ako, bukas nalang ako mag eexplain" sabi nya at tuluyang pumasok sa kwarto nya

hay ano pa nga bang bago? ganyan naman yan lagi eh. bat di pa ba ako nasanay.

BinalewalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon