8 : Cruel Intentions

168K 2.9K 148
                                    


Cruel Intentions is a 1999 American teen romantic drama film written and directed by Roger Kumble and starring Sarah Michelle Gellar, Ryan Phillippe, Reese Witherspoon, and Selma Blair

-----

Yelena

Justified

But still unacceptable

It has been a very long night being with this Doctor who did nothing but to sleep soundly beside me. His strong arm was wrapped around my waist displaying dominance. If only I can remove his arm I will do it. But that seemed to be impossible. Habang tulog siya ay pilit ko ding pinapatulog ang aking sarili pero ang hirap makatulog lalo na't nakayakap sa akin ang Doktor na 'to. Amoy na amoy ko parin ang kaniyang panlalaking pabango. Aaminin ko, he smells so good. Even with that mixture of alcohol, he still smells so damn good. Ang bango niya sobra. Kahit hininga niya wala akong masabi. Ang hirap nga lang matulog sa posisyon ko dahil nakadagan ang mukha niya sa leeg ko. He was hugging me while sleeping soundly. Pakiramdam ko tuloy kahit konting galaw ko lang ay mararamdaman na niya agad.

But my thoughts shifted on something I intend to fix tomorrow morning.

Siguradong patay ako ngayon sa kapatid ko. How would I explain everything to her tomorrow? Anong sasabihin ko sa kanya? Na natulog lang kami? Na nagjack en poy kami tapos natulog. My sister is no longer four years old not to understand the situation.

And to top it all, hindi ako makakapunta sa club ngayong gabi dahil sa doktor na 'to.

But I still took my chances. It's already twelve oclock in the evening and I believe that a doctor who has been so tired of working in the operating room is a sleeping pill himself. Sinubukan ko paring tanggalin ang kanyang kamay sa aking bewang. With the most fragile way I could possibly move, I did what I can. Ngunit ginalaw ko lang ng konti ang kanyang kamay ay maslalo niya akong niyakap. Masmahigpit pa. Literal akong napamura sa aking isipan ng marinig ko siyang umungol. He moaned my name like he was freaking in an orgasm mode.

" Fuck Elle, huwag ngayon" Bulong niya pagkatapos. Walang buhay akong napapikit na lamang. This is an 'abort mission'. This is the perfect definition of a midnight massacre. Wala palang akong ginagawa ay nagising ko na ang natutulog na doctor. This is what I hated the most. Dahil sa propesyon nila ay natuto silang magising kahit sa konting ingay o galaw lang. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan siyang matulog. I know that he set his alarm clock at five in the morning. Pansin ko kase na kailangan, alas sais nasa ospital na siya. And that's what he does every single day that I sleep with him which I am being paid of. Minsan bilib din ako sa doktor na 'to at talagang mahal niya ang mga pasyente niya.

" Sleep Elle. Hindi ka pa ba napagod kakaungol kanina." He even whispered using his bedroom voice. Ano pa ba ang kayang gawin ng doktor na 'to. He already invaded my system. Even my thoughts are already full of him.

" Kahit sa pagtulog manyak ka parin Doktor" Untag ko. He pulled me closer to him.

" It's December, malamig na. Kailangan ko ng kayakap gabi gabi" See, saan na naman ba patungo ang sinasabi niya sa akin ngayon.

" Kailangan kita gabi gabi. Matulog ka na. Alam kong napagod kita kanina." He continued. I was about to speak when my head suddenly hurt. Ang sakit ng ulo ko. Alam ko namang noon pa man ay may mga pagkakataong sumasakit na ang ulo ko pero hindi ko ito masyadong binigyang pansin dahil baka dahil lang sa pagod ngunit iyung sakit nito ngayon ay iba. The pain is radiating to eyes na para bang may bubog na sumusugat sa mga mata ko. I placed my hand on my head as if it would alleviate the the pain. Hinayaan kong humupa ang sakit nito kahit na medyo matagal tagal ang sakit nito ngayon. The pain started just a month ago but I chose to ignore it. Baka dahil sa puyat ko. It can't be a pregnancy symptoms because I know exactly how it is to be pregnant. May nga naging kaibigan na din akong nabuntis kaya alam ko kung ano ang mga symptomas ng pagbubuntis.

Nang humupa na ang sakit sa ulo ko ay pinilit kong matulog. Baka pagod lang ako kaya parati nalang sumasakit ang ulo ko. Wika ko sa aking sarili.

-----

Gumising ako kinabukasan at naabutan kong wala na si Vince sa tabi ko. Napatingin ako sa aking orasan at nakitang alas sais na ng umaga. Sa ganitong oras ay nasa ospital na si Vince. Mabilis akong bumangon upang makapag-ayos na at makaligo. Ngayong araw ay pormal ko ng ipapasa ang resignation ko sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko pati narin sa club dahil hindi ako matuloy kagabi. Mag-aayos na din ako ng gamit dahil bukas ay aalis na ako papuntang Japan.

Nang makapagligo at bihis na ako ay naabutan ko si Isabelle na nagluluto na ng pangumagahan.

" Oh ate gising ka na pala. Umalis po kaninang madaling araw si Kuya Vince. Sabi niya po nakatulog daw kasi kagabi sa kuwarto niyo kaya dito muna nagpalipas ng gabi. Tapos sabi niya po ate pupunta raw siya dito mamaya pagkatapos ng surgery niya sa OR" Wika niya sa akin.

Tumingin sa akin ang aking kapatid

" Ate, alam ba ni Kuya Vince na aalis na po kayo bukas?" Tanong sa akin ni Isabelle.

Umiling ako.

" Ate alam mo feeling ko crush ka ni Doc. Ate narinig ko kayo kahapon pero hindi ako nagsalita. Ate may namamagitan ba sa inyo ni kuya Vince? Paano na po si kuya Jared, mahal ka parin po ni Kuya Jared, iyun po kase ang sabi niya sa akin." Sunod sunod na untag sa akin ng aking kapatid. Lahat ng kaniyang sinabi ay rumehistro sa isipan ko. Paano ko ba sasagutin ang mga tanong ng aking kapatid.

" Isabelle, magkaibigan lang kami ng kuya Vince mo. At oo hindi niya alam na aalis ako bukas. Sana huwag mo ng sabihin pa kay Kuya Vince mo ang pag-alis ko. Iyung narinig mo kagabi, may mga bagay na mananatiling ganon na lang, Isabelle. Alam mo namang hindi puwede ang ate sa relasyon diba. Aalis na ako bukas at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Pero pinapangako ko sa inyo ni Liam na gagawin ko ang lahat para sa inyong dalawa. Diba gusto mong magnursing." Wika ko na nakangiti.

" Opo ate. Gusto kong mag-aral ng nursing pero kung iyon po ang dahilan ng pagjajapan niyo ay masgugustuhin ko pang huwag nalang pong ituloy. Ate, masyado na po kayong maraming sakripisyo para sa amin ni kuya Liam. Ate kaya ko naman pong maghanap ng trabaho na. Huwag lang po kayong umalis." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Isabelle. Agad akong napayakap sa aking kapatid. Kahit ako man ay ayaw ko sanang umalis. Pero kailangan kong umalis.

" Isa, kailangang umalis ni ate. Gusto ko kase maayos tayo. Iyung nasa maayos na bahay. Iyung hindi tayo palipat lipat ng tirahan dahil palagi tayong pinapaalis. Dibale, pagkatapos niyong makapag-aral ng kuya mo ay uuwi na din ako. Maikling panahon lang naman iyun" Isa isa na ding tumutulo ang mga luha ko.

Napayakap ako sa aking kapatid.

" Alagaan mo ang sarili mo ha. Kumain ka parin sa tamang oras. Dibale at magpapadala naman si ate ng baon niyo ni kuya buwan buwan." Wika ko sa kanya.

" Ate, mamimiss kita" Pasinghot na wika sa akin ni Isabelle. Nakayakap parin siya sa akin ng makita ko si Liam sa likod niya. My brother is looking at us. Agad kong masniluwangan ang aking kamay para sa kanya. Lumapit siya sa amin at niyakap din kami. The scene is so heart breaking that my heart bleeds because of what is happening. Masakit para sa akin ang umalis pero kung ito ang solusyon para makapag-aral ang dalawa kong kapatid ay gagawin ko.

After the scene, nagpaalam na rin sina Liam para pumasok sa paaralan. Nang makaalis sila ay nag-ayos narin ako para umalis. Ang dami ko pang aasikasuhin ngayon.

Nakaayos na ako ng makatanggap ako ng text message mula kay Jared.

" Hindi mo ako pinagbigyan kagabi. Baka naman ngayon puwede na" Basa ko sa text message ni Jared. Ang dinahilan ko kase kagabi ay ang pagkakaroon ko ng diarrhea. Laos na ang pagdadahilang iyon pero pinaniwalaan naman niya. I was only given three minutes that's why I made that as a reason. Alam ko kaseng hindi nakikipagbiruan sa akin si Vince kagabi.

" Sige. Saan tayo mamaya?"

I replied.

" Basta. Ako bahala" He replied back.

-----

Night Encounters (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon