VS1

20.6K 183 19
                                    

VS 01

Lakad dito, lakad doon. Hindi ko mahanap kung anong station ang kailangan puntahan ko. Takot pa naman akong bumiyahe mag-isa, bakit ba ngayon pa nasiraan ang driver ko kung kailan kakauwi ko lang ng pinas. Tsk!

Tanghaling tapat kaya kasagsagan ng mga pasahero na kakababa lang din ng eroplano. Halos isang oras na nga akong naghintay sa pila ng taxi pagkatapos masisiraan pa pala ang bulok na taxi na nasakyan ko! Hindi na nga ako nagreklamo kahit mainit at sira yata ang aircon pagkatapos masisiraan pa ng makina!

Tama ba itong ginawa ko na pag-uwi? Anong petsa ba ngayon at ng matandaan ko para next year ay hindi ako lalabas sa saktong araw na ito!

Gamit ang dalawang kamay ay sinubukan kong paypayan ang mukha ko na puro pawis na. Sa sobrang hirap makakuha ng taxi ay napilitan akong mag train na siksikan ang mga pasahero. Bitbit ko pa ang mga bagahe ko! For fucking sake!

I want to palm my face but I don't want to walk like a fucking clown just because I ruined my make ups.

Babae man o lalaki ay magkakasama sa iisang train. Siksikan. Kung hindi ka nga naman talaga minamalas! Hindi pa ako abot ng aircon dito at malapit na akong mahimatay sa halo halong amoy ng pawis ng mga katabi ko!

My goodness!

Tinignan ko ang hawak na card para tignan kung saan akong station bababa. May mga sign sa gilid pero hindi abot ng tingin ko dahil nasa pinakadulo ako.

Mayroon mga lalaking nakaupo. Wala manlang bang tatayo para paupuin ako! If i know I shouldn't wear my fucking stilleto!

Nakakailan mura na ako sa isipan ko. Kailangan ko na yatang magmumog ng holy water at magbuhos sa bumbunan ko.

Pinagtitinginan ako ng ilan sa mga katabi ko at malapit sa kinatatayuan ko. Of course! Sinong matinong babae ba naman ang sasakay ng train habang nakasuot ng branded na bags, clothes and luggage! With matching diamonds pa! Isama mo pa ang louboutin heels ko!

Nanlaki ang mga mata ko ng matanaw ang istasyon ko.

"Excuse me." I arched my eyebrows.

Hindi sila umalis sa dadaanan ko.

Narinig ko ang tunog hudyat na muling magsasara ang pintuan ng train kaya napasigaw na ako.

"Hey, I said excuse me! Get out of my way!"

Nakatingin lang ang ilan sa akin at nakita ang sunod sunod pa na pagpasok ng mga tao. Napaatras ako at lalong napalayo sa pinto.

"What the hell!?"

Napapamura nalang ako ng paulit ulit. Masama ang titig sa pinto na kakasarado lang.

Nagngitngit ako sa isang tabi dahil dalawang station pa ang nalampasan ko bago tuluyan makababa. Malamang makakababa na ako kasi lahat ng pasahero bumaba! I think this is the last station. And I don't even have a fucking idea where I am!

Sumunod ako sa ilan na lumabas sa takot na maiwan ako at maligaw pa palabas.

Kung kanina ay halos isumpa ko ang tirik na araw, ngayon naman ay isinusumpa ko ang malakas na pagpatak ng ulan!

Wala akong nagawa kundi ang mapapadyak nalang sa asar!

This is really my day huh?!

Kung sinagot lang ni Kuya ang tawag ko at ng impakta kong best friend wala sana ako sa punyemas na sitwasyon na ito!

I tried to call Kuya again, but then again I gave up in my third attemp.

Answer your goddamn phone Siri! Kagat labi akong naghihintay na sagutin ng best friend ko ang phone niya. Ano ba ang ginagawa ng babae na ito at ngayon pa naisipan na hindi hawakan ang phone!

Virginity StealerWhere stories live. Discover now