VS3

8.3K 175 84
                                    

VS 03

Inabot na kami ng hapon bago ako matutong sumakay sa kabayo mag-isa. Hindi ko pa kayang magpatakbo pero sapat na na napapalakad ko na ang kabayo.

Mas masarap sana mag-ikot kung mayroon lang akong pwede na makausap. Ang tahimik kasi ng kasama ko.

"Uhm.. what's your name again?" Basag ko sa katahimikan.

Nasa baba siya at naglalakad lang. Sinasabayan ang lakad ng kabayo na sinasakyan ko.

Hindi ito nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Bingi ka ba?" Bulong ko.

Nagulat ako ng tumigil ang sinasakyan ko na kabayo. Tinignan ko ang lalaki na kasama ko. Nakahawak na siya sa renda ng kabayo ko.

Nagtataka akong nakatingin sakanya dahil sa biglaan na paghinto. Nakatingala siya sa akin at seryoso akong tinignan.

"Hindi ako bingi. Ayoko lang makipag-usap sayo."

Umawang ang labi ko at bahagya akong natawa sa pagkapahiya.

"Hindi ko akalain na antipatiko pala ang mga lalaki dito."

Binitawan nito ang tali ng kabayo kaya gumalaw iyon kasama ako. Napatili ako ng muntik na akong malaglag.

Nakanganga akong yumuko sakanya. Hindi makapaniwala na binabastos niya ako ng ganito.

"Isusumbong kita kay Lola! Tauhan ka dito kaya bakit sinasagot sagot mo ako?"

Naiirita ako sakanya! Maayos ang aproach ko sakanya sa mansion palang pero pagsusuplado na agad ang sinukli niya. Wala akong maalala na atraso sakanya at lalong imposible na magtanim siya sa akin ng sama ng loob dahil ngayon lang ako nakapunta dito!

"Samahan pa kita sa Lola mo." Umiling ito at nagpatuloy sa paglalakad.

He already spoiled my day. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makabalik sa Mansion. Sakto at nandoon si Lola ng dumating kami. Sasabihin ko sakanya ang ginawa sa akin ng lalaki na ito!

"Lola!" Bungad ko ng makababa.

Ang antipatiko na lalaki ay hinila na ang kabayo pabalik sa kwadra.

"Apo ko nag-enjoy ka ba?"

"Hindi po." Sumimangot ako.

"Bakit anong problema?" Hinaplos ni Lola ang buhok ko na madalas niyang ginagawa.

"Iyong tauhan na pinasama mo Lola. Sinagot sagot ako. Ayaw daw akong kausap.. Tinanong ko lang naman ang pangalan niya!"

Humalukipkip ako at taas kilay na humarap sa kwadra na kinaroroonan ng lalaki. Papalabas na ito doon ng magsalita si Lola.

"Ah! Si Samuel ba? Hindi ko siya tauhan apo.. bunsong anak iyan ng mga DeJesus sa kabilang hacienda."

Napatingin ako sa labi ng lalaki na naglalakad palapit sa amin. Umangat ang gilid ng labi nito.

"Pasensya kana hijo at medyo pasmado talaga ang bunganga ng apo ko."

"Lola!" Laglag panga kong sigaw.

"Ayos lang po senyora. Ang utos niyo kasi samahan ko siya sa pangangabayo. Hindi niyo sinabi na kausapin ko." Mahina itong tumawa kay lola.

Dinilaan ko ang labi ko at hinaplos ang buhok. Lumipat ang atensyon niya sa akin. Sinundan niya ng tingin ang mga ginagawa ko.

Masama ang tingin ko sakanya. Ano ngayon kung haciendero siya! Porket mayaman ganoon na siya umasta?!

"Papasok na ako sa loob Lola." Paalam ko at humalik sa pisngi niya.

Nasa likod ng lalaki ang daan patungo sa Mansion kaya naglakad ako sakanya palapit. Binagalan ko ang paghakbang bago pa lumagpas sakanya.

"Haciendero na mayabang. Akala mo naman kinagwapo niya." Bulong ko.

Natigil ako sa paghakbang ng tumawa ito ng malakas.

"City girl na mataray. Akala mo naman maganda." Gaya nito sa sinabi ko.

Napanganga ako at malakas na napasinghap. Humarap ako sakanya at iniwanan siya ng nakamamatay na tingin. Tumakbo na ako papasok sa Mansion. Nag-iinit ang ulo ko sa antipatiko na lalaki na iyon!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Virginity StealerWhere stories live. Discover now