VS2

7.5K 109 2
                                    

VS 02

Pinilit ko nang magsalita bago pa man mahalata ang pagkakatulala ko.

Masyado na akong maraming nakita na gwapong lalaki na mapa greek god man o kamuka ng mga paborito kong superhero kaya hindi pwedeng tumulo ang laway ko sa pagmumukha at katawan ng limang lalaki na nasa harapan ko.

"Is that fake or real?" Turo ko sa kabayo.

Napanguso ang lalaki at kinagat ang labi bago sumagot.

"Buhay iyan. Gusto mo hawakan?"

Hindi ko nagets ang sinabi niya kaya kunot noo kong ibinalik ang tingin sakanya.

Nakapaskil ang pang asar na ngisi sa labi niya. Hindi ko man alam ay gusto ng umakyat ng dugo ko sa utak para sumabog ako dahil sa pang aasar na nakikita sakanya.

Pakiramdam ko ay pumula ang buong mukha ko lalo ng marinig ko ang mahihinang halakhak ng mga kasama niya.

"What? Are you mocking me?" Halata ang irita sa boses ko.

"Sabi mo kasi kung totoo ba ang kabayo ko." Sabi niya sa gitna ng pagtawa.

Sigurado ako na alam niya ang tinatanong ko dahil nakatitig ako sa buhok at buntot ng kabayo niya.

He just want to tease me! Kakarating ko lang sa probinsiya na ito pero bubungad agad sa akin ay mga antipatiko!

"Are you stupid?"

Napaawang ang labi niya sa tanong ko. Ang mga kasama naman niya ay humalakhak ng malakas ang isa ay hinampas pa siya sa likod.

"Man, Stupid ka daw!" Halakhak ulit nila.

Sumimangot lang siya at nilingon ang kaibigan aabutin niya sana ng suntok pero hindi maabot dahil pareho silang nakasakay sa kabayo.

Humarap siya sa akin galit na ang mata. Siya ang unang namahiya bakit ngayon magagalit siya?

"Ako ba talaga? Ikaw nga ang nagtatanong kung totoo itong kabayo ko o hindi diba?"

Umirap ako at nilingon ang mga kaibigan niya na naghihintay ng susunod na sasabihin ko.

"Kawawa ka naman pala wala kang common sense."

"What?" Malapit ng mapikon. Buti nga!

"Nakasakay ka sa kabayo mo, itatanong ko ba kung peke o hindi kung nakikita ko naman?"

Hindi siya nagsalita. Nagtiim bagang lang habang nakatitig sa akin ng masama.

"You know i'm asking about the hair color but you choose to be stupid... or talagang tanga ka?"

Humigpit ang kapit ng kamao niya sa tali ng kabayo. Nagpipigil na sugudin ako.

"Hindi ako tanga!" Tumataas na ang boses niya.

Tikom ang bibig ng mga kasama niya tinapik pa siya ng iba niyayaya siya na umalis na sila.

"If you are not stupid then answer my question. Is that real or not?" Hindi nagpapatalong tanong ko.

Lumunok siya ng isang beses. Nagdadalawang isip sumagot.

"Real." Malamig ang boses niya kasing lamig ng titig niya.

Maarte akong tumawa at nakikipag kompetensiyang tinitigan siya sa mata.

"Totoo naman pala. Ang dami mo pang sinabi.. Isang word lang pinahaba mo pa.. Let's go manong! Nasasayang ang oras ko dito!"

Kung hindi lang ako babae nasisiguro ko na hinila na ako nito sa loob ng sasakyan at sinuntok ng nakakuyom na mga kamao niya.

"Lakas mang-asar pikon naman pala." Pahabol ko.

Virginity StealerWhere stories live. Discover now