Dos

387 17 7
                                    


Deanna

Tahimik pa ang boung quadrangle ng simulan kong magstretching, medyo madilim pa kasi pero mas okay nga 'to walang ibang kasama sa morning jog ko. Nang simulan kong tumakbo nagtaka ako ng may makasalubong akong pabalik na yata. Akala ko pa naman ako na ang pinakamaaga may nauna na pala, anyways wala naman sakin yon basta ako magjajogging ako. Medyo madilim pa kaya hindi ko maaninag yong mukha niya. Matapos ang ilang ikot napagpasyahan kong tumigil na rin, may mga dumating na din kasing mga nagjajogging.

"Ate Jem, nag-jogging ka rin?"

Napalingon ako sa nagsalitang 'yon. Nakita ko nga si Jema, nandito rin siya?

"Oo, kanina pa ako dito 4:45 ata ako nag-umpisa uuwi na nga ako ei."

4:45? Ibig sabihin siya 'yong kasabay ko kanina? Dito rin siya naga-jogging o baka sinusundan niya lang ako?

"Sino kasama mo?"

"Wala, ako lang."

So, hindi niya napansing ako yong kasabay niya kanina, ibig sabihin hindi niya ako sinusundan. Bigla siyang napatingin sa akin at nagulat ng makita ako, napalitan din agad ng isang matamis na ngiti yong gulat sa mukha nya. She has the sweetest smile I've ever seen.

Mabilis kong binawi ang tingin ko sa kanya sabay kuha ng dala kong bag, wala naman kaming practice kaya kakain na muna ako sa labas. Okay na siguro sa jollibee.

"Hey, Deanna."

I know it's her, siya ang tumatawag sakin. Hindi ko siya pinansin deretso lang ako sa paglalakad kunwari hindi ko siya narinig dahil may nakapasak na earphone sa tenga ko. Nabawi kong bigla ang braso ko ng may humawak don, para kasing may kuryente akong naramdaman.

"Ang aga pa nakasalubong na yang kilay mo, ngiti ka naman."

It's her, she's the one who brings chill to me. Ang bilis niya naman akong nahabol, runner siguro to.

Mas nagulat ako ng bigla niyang hilotin ng dahan-dahan ang salubong kong kilay.

"What do you want this time?" Mataray kong tanong.

"Kanina ka pa ba dito?" Sumabay na rin siyang maglakad sa akin.

"Oo at uuwi na rin ako," walang gana kong tugon.

"Luh...ba't hindi kita nakita?"

"Hindi rin kita nakita may nakakapagtaka din ba don?"

"Sabagay, ba't I smell you kanina, akala ko nga kaamoy mo lang nandito ka pala talaga. You know you have that distinctive smell. Nakakaadik." Natawa pa siya sa sariling sinabi.

I find it weird also, siya ang weird para sa akin lalo na ang sinabi niya. Addict nga talaga 'to, nakakatakot baka pati ako mahawaan sa pagkaadik nito.

" May klase ka ba? "

“Wala.” Ang kulit naman niya, pwede bang lumayo na siya sa akin, baka masanay akong lagi niyang kinukulit.

"Whole day kang free?"

"May pasok ako mamayang 10. Bakit ba ang kulit mo, pwede bang lumayo ka sakin nakakairita ka na ei."

"Aray ko naman ang harsh mo talaga sa 'kin, breakfast naman tayo gutom na ako ei. Please? Promise hindi ako mangungulit gusto ko lang talaga kumain."

"Ayoko." Maikli kong sagot habang papunta sa kotse ko.

"Deanna please, ililibre kita."

"Kaya kong magbayad ng kakainin ko"

"Idi ako na lang libre mo."

Ang kapal naman niya, "Ayoko."

"Sabay na lang tayo punta don."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SheWhere stories live. Discover now