CHAPTER 29

1.1K 25 6
                                    

2 months later..

ANTONIO'S POV:

"Antonio... Aalis na ako. Kumain ka mamaya ha? Wag kang papagutom.."

Naalimpungatan ako sa bumulong sa tenga ko.

Nakadapa ako ngayon na humihiga sa kama nya.

Oo. Nandito ako sa kwarto ni Lav.

"Please.. Come home early." Ako

"Haha. Oo naman. Uuwi ako agad pagkatapos ko sa trabaho. Dito ka lang ba matutulog?" Sya

Nagbibihis sya ngayon.

"Ayaw mo ba na nandito ako? Sige.. Aalis nalang ako.." Akmang tatayo na sana ako nang bigla nya akong pinigilan.

Dahil naka denim jeans sya ay agad syang pumaimbabaw sa akin. Kaya hindi ako tuluyang nakatayo.

"A-ano ba Lav.." Natatawa kong saad.

Nakadapa pa rin ako kaya wag kayong ano dyan!

Inilapit nya ang mukha nya sa batok ko tsaka nya iyon hinalikan ng pino.

"Parang nagtatanong lang eh.. Gusto ko lang makasiguro na dito ka matutulog..baka kasi.." Sya

Bumaliktad ako.

"Baka ano?? Baka kung saan akong kwarto matulog? Baka tumabi ako sa kahit na sinong babae? Hahaha..
Nagseselos ka ano??" Ako

"H-hindi ah.." Sya

"Aysus... In denial pa.. Don't worry.. From that NIGHT I got you.. I already forgot how to flirt with other girls.. AT, panget na sila lahat sa paningin ko.. Coz I have you already.. IKAW LANG LAV.. SAPAT NA.." Tsaka ako bumangon at hinalikan sya sa labi.

"Ikaw Antonio ha? Mambobola ka talaga. Oh sige na.. Alis na ako baka kung saan mo pa ako dadalhin. Sige bye na.." Sya

Natatawa nalang ako sa kanya.

Tsaka sya umalis at nag flying kiss pa. 😊 at sinara na nya ang pinto.

Kahit close na kami, wala parin akong sinasabi sa kanya tungkol sa pagkatao ko.

Ayoko malaman nya ang totoo baka pangilagan nya ako.

Mabait si Lav. Ayoko na malaman nya na halimaw pala ang napakasalan nya. Baka sa oras na malaman nya yun, iiwan nya ako..

Tama si Rivero.. Hindi nya deserve ang masaktan.. Dahil wala naman syang kasalanan.

Pero.. Kahit ilang beses na kaming nagniig.. HINDI KO MAN LANG NARINIG ANG MGA KATAGANG GUSTONG-GUSTO KO MARINIG MULA SA KANYA...

Hindi ko rin naman sinasabi sa kanya yun dahil wala nga akong ideya kung totoong mahal ko na ba talaga sya o kung ano..

Minsan ko ng tinanong si Tres about sa love.. Pero, maski sya ay naguguluhan dahil daw lahat ng babaeng dumaan sa kanya ay MINAHAL naman daw nya.

Gagong yun!?

Pero sabi nya, sa isang bagay lang daw sya sigurado.. Pag mahal mo na daw ang isang tao, GAGAWIN MO ANG LAHAT MAPROTEKTAHAN MO LANG SYA.

Kahit may konting ideya na ako, ayoko pa rin magpakampante. Baka hindi Love ang nararamdaman ko, baka infatuation lang.

Kaya natatakot pa rin akong sumugal.

Pero, ayoko talaga na may ibang lalaki na umaaligid sa kanya..

Lalo na si Rivero.. Na halatang may gusto sa kanya.

I MARRIED A RUFFIANWhere stories live. Discover now