CHAPTER 01

1 0 0
                                    

ASHLEY JASPHER

"C, I have.. I have something to tell you," hindi ako makatingin ng diretso kay C. Boy bestfriend ko.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa loob ng campus. Sa Magical Garden. Pareho kaming nakahiga sa damuhan.

"What is it?" Nakapikit na tanong nya.

"I.. Ahm.. " Napakamot ako sa ulo ko.  Paano ko ba sasabihin na gusto ko sya? We're bestfriends since first year highschool. Paano kung layuan nya ako after kong sabihin ang nararamdaman ko?  Argh bahala na! It's now or never. "I.. Uh.. I like-. "

"KUYA MAY BALAK KA BANG PUMASOK HA?!"

Pinagpapawisan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Pambihira naman tong kambal ko oh. Andun na eh. Aamin na ako eh. Bigla pang nanggising.

Inis kong hinilamos ang mukha ko.

"KUYAAAAAAA!" Sigaw nya ulit na may kasamang malakas na pagkatok.

Parang sya lang.

May katok.

"Oo na eto na! Maliligo na!" Sagot ko.

"OWKIE! HINTAYIN KITA SA BABA HA? SABAY TAYONG MAGBREAKFAST! BILISAN MO!"

Nakarinig na ako ng yabag paalis after nya sabihin yun.

Tsk umagang umaga parang nakalunok ng megaphone.

By the way, I'm Ashley Jaspher Enrile. Seventeen years old. Daughter--este son of Harry Enrile and Maeriz Enrile.

And my twin's name is Ashlyn Khate Enrile. Ang kapatid kong ubod ng pangit. Joke. Maganda sana kaso parang palaging nakalunok ng limang megaphone. Mas matanda ako ng limang minuto sa kanya.

Nagkakamot ng ulong pumasok ako sa banyo para maligo.

"AKALA ko ba sabay tayong kakain?" tanong ko agad kay Ashlyn pagkarating ko sa dining.

"IH ANGTAGAL MO! I'M HUNGRY NA!" Napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses nya. Araw araw na lang ganto. Minsan gusto ko na lang lagyan ng duck tape ang bibig nya para tumahimik sya.

"Pwede ba pakihinaan yang boses mo? Rinig na rinig hanggang sa kabilang bahay," sabi ko at umupo na sa tabi nya. Gusto nya kasi palaging tabi kami kumain since palagi namang wala sina mom and dad dahil sa business.

"IT'S MY NORMAL VOICE KAYA!"

Okay.

"Hayst. Oo na. Tumahimik ka na dyan," sabi ko na lang.

Sya na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Ganyan talaga sya. Palaging sya ang nag aasikaso para sa akin. Parang sya pa nga ang ate ko eh.

Bihira lang umuwi sina mom and dad dito sa bahay. Every special occasions, kami lang ni Ashlyn ang magkasama. Sanay naman na kami pero minsan, hindi namin maiwasang umasa na sana, kahit minsan man lang ay makasama namin sila sa mahahalagang araw sa buhay namin.

After kumain ay hinatid na kami ni Kuya Titus. Driver namin. Twenty-five years old pa lang sya. Batang bata pa. Single. Pwedeng jowain.

"BABYE KUYA!" Paalam ni Ashlyn sabay halik sa pisngi ko nang nakarating na kami sa tapat ng room nya. Ako naman ay nagpatuloy nang naglakad papuntang room. Magkaiba kasi kami ng section. Halata naman.

Dito kasi sa Montenegro High. At sa totoo lang, medyo weird ang pangalan ng sections. Seven sections each grade. Kada section iba iba ang tawag sa amin.

DON'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon