Chapter 1 ✖

62 3 3
                                    

Naramdaman ko ang aninag ng araw na dumapo sa mukha ko kaya bigla akong napaupo dahil sa init na naramdaman ko. Hindi ko nanaman inayos yung kurtina. Napabugtong hininga ako and laid down again, throwing the blanket above me as I do so. Wala akong ganang pumasok o gumawa ng kung anong magandang bagay sa ngayon. Gusto ko nalang...magkulong. Binuksan ko ulit ang mga ko nang maalala kung nasaan ako kagabi.

Paano ako nakauwi?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko na tiningnan dahil alam kong si mama lang yan para gisingin ako. "Gigising ka o kakaladkarin kita pababa?" rinig ko ang pamilyar na boses na nagsabi. Nagulat ako at napaupo sa kama ko.

Nakita ko ang bestfriend kong si Fredrick na nakatayo habang nakasandal sa doorframe and nakatiklop ang mga braso. I squinted my eyes at him amd he raised his brow.

"Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan? Hindi ka ba nagtataka kung paano ka nakauwi?" sabi niya na para bang galit.

"Teka ano?"

"Ano bang ginagawa mo sa park kagabi? Alam mo bang delikado lumabas ng ganong oras? Nagawa mo pa talagang matulog!" sermon niya saakin. Mukhang galit na galit talaga.

"Hindi naman sa gusto kong matulog doon. Bigla nalang nagdilim paningin ko.." sabi ko sakanya habang hindi nakatingin.

Si Fredrick ay isa sa mga kaibigan ko simula nung bata pa kami. We treated each other like siblings. Madalas niya akong masermonan dahil sa mga pinaggagagawa ko pero I don't mind.

"I'll let you slip this time again. Bumaba ka na. Naghihintay na yung dalawa, kakain daw tayo sa labas" sabi niya at lumabas ng kwarto ko. Tumango ako bago pa man siya makaalis ng tuluyan.

Tumayo ako ng kama ko at pumasok ng bathroom. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang mga nangyari kagabi ay pumasok ulit sa isip ko at hindi ko mapigilang lumuha. Anong ba talaga ang rason kung bakit siya nakipaghiwalay? Ano nang gagawin ko kung wala siya?

Sinarado ko ang mga mata ko huminga ng malalim. I splashed water on my face and looked at the mirror again.

Magbabagong buhay ka Charlotte, ipangako mo yan.

=======

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at naglakad pababa ng second floor. Hindi pa ako nakakababa ng tuluyan, nakita ko na ang tatlo sa sala na naguusap. Nakita naman nila ako at ngumiti, except kay Fredrick. Hmm, galit parin.

Nangmaka-baba tumayo silang lahat at nagpaalam na kay mama bago lumabas ng bahay. Pumasok na kami sa loob ng kotse at nagdrive na si Fredrick.

"Saan?" tipid niyang sabi.

"Kayo bahala" sabi naman ni Bethany.

"TARA MCDO!" sigaw ni Emily. Tumango si Fredrick.

======

Nakarating na kami sa Mcdo at si Bethany ang nag-order ng mga pagkain. Nagse-cellphone lang sila Emily at ako naman ay nakatunganga lang. Bigla nalang akong napataling nang magsalita si Fred.

"Bakit ka nasa park ng hating gabi? Mukha ka ring umiyak" tanong niya habang nakatingin parin sa cellphone. Patay.

Tumingin saakin si Emily na para bang naghihintay ng sagot ko. Wala ba akong kawala.

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Bethany at tinawag si Fredrick para magpatulong sa pagkain.

Buti umalis 'yon, hindi ko na kailangan -

"So bakit nga?" biglang sabi ni Emily. Napalingon ako sakanya.

"A-ano yon?"

"Bakit ka daw nasa park kagabi? Tapos lara ka daw umiyak? Anong nangyari?" seryosong tanong niya. Wala na akong choice kundi sabihin sakanya.

"Kagabi, tinawagan ako ni Miko para makipagkita sakanya. Hindi ko alam kung saan pero nagdrive nalang siya papunta sa malayo" sinimulan ko. "Tumahimik lang siya habang nakatitig saakin, pero bigla niyang sinabi na makikipaghiwalay na daw siya" dugtong ko.

"At bakit naman daw?"

"Wala siyang mashadong paliwanag, nakahanap lang daw siya ng mas better saakin" sabi ko.

Emily rolled her eyes. "Sabi ko sayong 'wag mong sasagutin yang Miko na yan. Naka-ilang jowa na yan tapos hindi sila nagtatagal ng ilang months" sabi niya. Napatawa ako ng kaunti.

"Hmm...Dapat nga talaga nakinig ako sayo" sabi ko.

"Buti nalang hindi siya katulad ng kambal kundi hindi natin magiging kaibigan yang si Fredrick o si Cameron" sabi niya.

"Emily, 'wag mong sabihin kahit kanino man ah? Maski sa kambal or lay Bethany. Tayo lang makakaalam" sabi ko at siya naman ay tumango nalang.

===

We were greeted by a zoo like classroom.

Sobrang ingay at napaka-gulo ng classroom. Pumasok na sila Bethany sa kanilang klasrum at kami na din ni Emily. Umupo kaming dalawa sa kaniya-kaniyang upuan at hinintay ang teacher para dumating.

Rinig kong nagsimulang magtilian ang mga babae sa labas ng klasrum at mukha papunta sila dito.

"Andyan na sila" biglang sabi ni Emily.

"Sino?"

"Yung mga bagong students. Grupo sila, pinakilala siya saakin kahapon pagkauwi ninyo" paniwanag niya.

Napatingin ako sa pinto at isang lalaki ang pumasok sa loob at siya ay hinihingal. Tumingin siya sa labas at sumisigaw ng "bilisan niyo"

Apat pang lalaki ang pumasok at ni-lock nila ang pinto.

Gwapo sila, pero hindi naman kailangan magsigawan -

===

REWRITE!!!

still not satisfied with this but I'll make it work.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better than Him || REWRITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon