005

55 4 0
                                    

han jisung

limang araw na din nilalagnat si seyoung, di nababa sa 39°C yung temperature nya kaya sabi ni mama na i-diretso na daw namin sya sa ospital. pero ngayon naging normal na temperature niya

hindi ko nga alam kung bakit biglang nilagnat si seyoung eh. tapos napansin ko lang na bigla siyang pumayat, di naman nag-d-diet at ang takaw nga niya

nasa room ngayon si seyoung, tulog. at eto ako nag-babantay sa kanya. apat araw na din kami sa ospital at sa buong apat araw na yun, puro test ang ginagawa sa kanya, baka raw kasi may dengue o kung ano man na sakit

bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko si mama at umupo naman siya sa upuan sa tabi ni seyoung, sa tapat ko

"ano kamusta na si seyoung?"

"tulog pa din eh"

"hays. hayaan na lang natin magpahinga"

"si dad?"

"dadating yun mamaya. nasa trabaho pa, madami daw meetings"

"ah ganon ba"

biglang bumukas ang pinto at nakita namin yung doktor

"doc, ano na po ang balita sa anak ko?"

"mrs. han, nakuha na po namin yung results ng mga test na kinonduct namin yesterday at nung isang araw. wag po sana kayo magulat sa sasabihin ko"

"bakit ano po ba iyon?" sa boses ni mama, halatang kinakabahan siya. kahit ako kinakabahan

"according to her blood test, meron siyang
chronic lymphocytic leukemia"

"dr. park, hindi naman totoo yan diba?" nanginginig na ang boses ni mama, paiyak na siya

bakit ba nagkaganito ang kapatid ko?

"sorry po mrs. han pero iyon po talaga ang lumabas, inulit ulit po namin ang test pero yun at yun ang lumabas"

"anong klase po ba yun ng leukemia? "

"ito po yung klase ng leukemia na mas mabagal compare sa other kinds of leukemia. kaya mas matagal din ma-discover compare to other kinds. and bibihira din ito mag labas ng symptoms. madalas na malaman ito pag medyo malala na"

"connected ba ang pagkakaroon niya ng lagnat?"

"yes, it's one of the symptoms. buti na lang din at nag decide kayo na dalhin siya sa ospital at nalaman ang condition nya. and other symptoms are swelling, anaemia, weight loss and night sweats"

kaya pala biglang pumayat si seyoung. napatingin naman ako kay mama, umiiyak na siya

"dr. park, gawin nyo lahat para gumaling ang anak ko!! please!! ayoko pa mawala ang anak ko!! seyoung ko!!" lumapit naman ako kay mama at niyakap siya

"we'll do our best para mapagaling siya. alis na po ako mrs. han may appointment pa ako" at umalis si dr. park

"mama, gagaling si seyoung. gagaling siya, okay? " patuloy pa din sa pag iyak si mama

"at mas mabuti siguro kung sabihin natin agad sa kanya"

"seyoung, wag mo kami iiwan ha?" bulong ko

(jisung | mrs. han | dr. park)

page of lies! ▶ kim seungminWhere stories live. Discover now