006

51 3 0
                                    

han jisung

after malaman ni mama yung kalagayan ni seyoung, iyak siya ng iyak. inaantay na lang namin umuwi si dad para malaman niya. di ko alam kung paano sasabihin sa kapatid ko ang kalagayan niya. tapos eto ngayon si mama, sobrang lungkot at parang paiyak pa din. pinipigilan ko umiyak kase kailangan ko patatagin ang loob ko para sa kapatid ko

"kuya bakit ganyan itsura niyo?"

nagulat naman ako at gising na pala si seyoung na nasa tabi ko lang

"mama, gising na si seyoung" tinawag ko si mama na nakaupo sa may sofa dito sa loob ng room. agad naman siyang lumapit kay seyoung

"nak" paiyak na naman si mama

"bakit kayo malungkot? ha?" tanong naman ni seyoung samin

"nilagnat lang naman ako ah" dugtong niya

"seyoung, hindi kase yun" sabi ko

"may sakit ako? alam ko na yan ha-ha" nagulat naman ako sa sinabi ni seyoung

paano niya nalaman? matagal niya ng alam?

"nak naman, bakit mo tinago samin? sana naagapan agad"

"lately ko lang din nalaman, siguro a week before ako mag-ka-lagnat. nag-pa-check up kase ako kung bakit ako laging may namamaga sakin tapos ayun sabi nila" explain niya

"nak, bakit di mo sinabi agad?" tumutulo na naman luha ni mama

"kase ayokong malungkot kayo ng sobra sakin. ayoko mag-ka-problema kayo sakin. kase pakiramdam ko magiging pabigat lang ako, tapos ayun na nga nangyari ngayon" sabi niya habang natulp luha niya, pinunasan ko naman yung luha niya

"seyoung, never ka naging pabigat samin. tatandaan mo yan ha? atsaka wag ka mawalan ng pag-asa, gagaling ka. isipin mo lang na gagaling ka, ipagdadasal natin yan" sabi ko sa kanya at niyakap siya

"kuya, pwedeng favor?"

"syempre naman. ano ba yun?"

"pwede ikaw na mag sabi sa mga kaibigan ko?"

"oo naman"

"salamat kuya"

[ seyoung | jisung | mrs han ]

page of lies! ▶ kim seungminWhere stories live. Discover now