CHAPTER 13

144 5 0
                                    


CHAPTER 13

SUSPECT


CLEOPATRA


"KITA MO, MISS? INABALA MO LANG KAMI." sabi ng isang lalaki sa akin. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay mas malalim pa akong nag-isip. I don't get why neither of the people here doesn't have slice wounds on their feet. May mga pilay 'yong iba pero mukhang hindi naman ako ang gumawa niyon. Parehong paa na ang tinignan ko at kahit ang mga babae ay tinignan ko na pero wala talaga.

"What is happening?" narinig ko ang boses ni Forseti. Nakatalikod ako kaya hindi ko siya makita. Buti nalang nakatalikod ako dahil hindi ko siya kayang harapin ngayon.

"Detective Cleo is having her deduction show." sabi ni Rhyder. I am not.

"Fuck off, Rhyder." sabi ko naman.

Wait a minute. Hindi sila kumpleto ngayon. I know some familiar faces are missing. And if I'm not mistaken, they're guarding the bridge right now. This is not good, baka makatakas siya! Bigla akong napatakbo.

"Cleo! Saan ka na naman pupunta?" tanong ni Louise sa akin. Hindi na ako sumagot.

Mabilis akong nakarating sa may tulay. Laking gulat ko nalang nang makita kong ang mga nagbabantay ay sarap na sarap sa kanilang pagtulog. May mga upuan pa talaga sila. Useless guards.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila. Bigla naman silang nagising at kinuha ang mga baril nila. Sabay-sabay nilang kinasa ang kanilang mga baril.

"Nasaan ang zombie?" inaantok na saad ng isa.

"Were you drinking?" tanong ni Louise na nasa likod ko na.

"What? No!" Zac denied. Napatingin kaming apat sa lalaking seryosong nakatutok sa mga zombies sa kabila, except that he was aiming with a bottle of beer instead of a gun.

"Okay, maybe we had a few drinks.." sabi ni Zac.

"Whatever! Just line up!" utos ko sa kanila. Naguguluhan nila akong tinignan.

"Hindi niyo ba ako narinig?" nagbabanta kong tanong sa kanila. Napilitan silang luminya kaya lumapit na ako at bumaba sa paanan ng isang lalaki. Kapag may nakita talaga akong sugat sa paa nila, itutulak ko ang taong 'yon sa ilog na puno ng zombies.

"Huwag dito.." sabi ng lalaking nasa harapan ko at nakangisi pa. What the fuck?

"Ako na." sabi ni Forseti. He squatted beside me and forcefully raised the the man's pants upward. Magkasabay kaming tumayo nang makita naming wala itong sugat.

"Go.." sabi ni Forseti sa lalaki. Mukhang natakot naman ito at bumalik na sa posisyon niya kanina. Sinunod na ni Forseti and iba at ako naman ay nanatiling nakatayo habang nanonood.

Nagtinginan kami ni Forseti nang makitang may bahid ng dugo ang pantalon ng isang lalaki. He's Chris, the one who looks like a fuck boy.

"Ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi 'yan kagat ng zombie." sabi niya sa amin. Itinaas ni Forseti ang pantalon nito at nakita namin ang malaking gasgas. Kumunot ang noo ko dahil hindi ito hiwa galing sa katana ko.

"Saan mo 'yan nakuha?" tanong ni Forseti.

"Kukuha sana kami ng samples sa tubig pero nadulas ako." Chris explained. Oo pala, gusto kasi nila maging bayani para habulin na sila ng mga babae.

Natapos na ni Forseti na tignan ang natira pero wala sa kanila ang may hiwa sa paa. This can't be right, bakit wala? Baka tumakas na ang taong iyon at hindi na bumalik sa camp.

Cleopatra: The Zombie SlayerWhere stories live. Discover now