Chapter 1: Partners

6 0 0
                                    

MADISEN'S P.O.V.


Kaklase talaga namin sya?! Aish! Malas ko naman!!!

Ilang sandali ay pumasok agad ang... I'm sure teacher namin. Nang tumayo sya sa harap ay tumayo na rin ang mga kaklase namin. Tumayo na rin kami ni Avery... Ewan, nakikisabay lang naman kami.

"Good Morning ma'am.." Sabi ng mga kaklase namin

"Good Morning, take your seat..."

Umupo agad kaming lahat. Napansin kong girl boy, girl boy ang arrangement ng mga kaklase namin. So... Sa isang desk may isang babae at isang lalaki. Bukod kay Camus na mag isa lang sya at di ko kilalang lalaki na blonde ang buhok...

"May newbies tayo right?" Napatingin ako kay ma'am

"Saan sila?" Tinuro agad kami ng mga kaklase namin

"Please introduce yourself here in front..." 

Gusto ko pa sanang tumanggi kaya lang wala akong magawa. Newbie ako at kailangan kong makisama. Tumayo kami ni Avery at tumungo sa harap.

"Hello everyone, I'm Avery Grei Lopez.."

"Cyn Madisen Kurstville.." Matamlay na sabi ko

"Diba ikaw yung babaeng nahulog sa fishpond? At dinamay mo pa si Camus." Sabi ng isang babae

"Ah! Sya pala yun?!" Sabi ng katabi nyang lalaki

So what?! May pake ka ba? Ikaw ba si Camus? Gusto mo bang masipa kita dyan? Kainis! Tsismosa't eskandalosa pala ang mga tao dito. At tiga section one pa sila ha...

"Eh ano ngayon? Gusto mo ikaw ang isunod ko?!" Nagulat sya sa sinabi ko

"Ang tapang nito ah! " Then tumayo sya

"Eh ikaw! Ano akala mo sa sarili mo?" Sabi ko

"Grr!!!" Sinamaan nya ako ng tingin

"Miss Ene (Any) Zaragosa Stop okay!" Sabi ni ma'am

I'm sure ene (Any) Ang pangalan nya. Ang arte namang pakinggan. Wala na syang nagawa kundi ang umupo na lang.

Ilang sandali ay nilapitan kami na  ma'am at kinabit nya sa kanang dibdib ang nameplates namin. C. M. Kurstville ang nakalagay sa nameplate ko at A. G. Lopez naman kay Avery.

Di ko nakitang suot suot kanina ni Camus ang nameplate nya pero this time suot suot nya na. Kaya pala wala kaming id, nameplate pala samin.

"I'm Julie Villaruel, your teacher adviser as well as your english teacher."

"Class!" Agad hinarap ni ma'am ang mga kaklase namin

"May bago kayong mga kaklase so kailangan nilang magkapartner." Partner?

"Ma'am, excuse po. Ano po ba ang tungkol dyan?" Tanong ni Avery

"Kita mo sila Miss Lopez? Ang mga seatmate nila, partner na nila for the whole school year. Kaya kailangan nyo ring magkapartner." Sabi ni ma'am

"So ngayon maghihiwalay sina Mister Alstroemeria at Mister Astoire. Pumili na kayo ng magiging partner nyo boys." sabi ni ma'am

"So ma'am I think isa lang po ang magkakapartner sa kanila. Kasi nga po diba, ayaw ni Camus na magkapartner ng babae." Sabi ni Ene

"I think Mister Alstroemeria had no choice. Kailangan nyang magkapair ng babae. Right Mister Alstroemeria?"

"Kaya kong magisa ma'am." Sagot ni Camus

"Eh pa'no kung ipagawa satin ni ma'am ay makipagtalik sa partner natin? Tell me Mister Alstroemeria, Kaya mo ba yung magisa?" Aba! Bastos din pala tong seatmate ni Ene

Let me say 'I Love You'Where stories live. Discover now