Chapter 3: Surprise Test

3 0 0
                                    

MADISEN'S P.O.V.

 Busy ako sa panonoood ng Boruto ng dumating si Camus. Agad syang umupo sa upuan nya at tinutok nya ang attention nya sa phone nya. Muli kong tinutok ang attention ko sa phone ko.

Aish! Di ako makaconcentrate sa pinapanood ko! Di kasi ako makamove on sa nakita ko kagabi. Pinatay ko na lang ang phone ko at tinago sa bulsa ko.

Grabe ang kati ng mata ko. Agad kong kinamot iyon. Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagiinit niyon. Napatingin sa kin si Camus. Agad syang nagulat.

"May sore eyes ka ba?Wag ka ngang tumingin sa kin!" Galit na sabi nya

"Wag ka ngang maarte! Wala akong sore eyes! Kinamot ko lang to!"

"How can you assure? Di mo naman nakikita eh. Ano?! Tatanga tanga ka naman?!"

Tatanga tanga?! At ako pa talaga ang sinabihan nyang tatanga tanga? Eh sya nga ang mas tanga sakin. Nagsusuot ng shades kahit gabi.

"Wow ha! Hiyang hiya naman ako sayo, ako pa talaga ang tinawag mong tanga?! Eh ikaw nga ang nagsu suot ng shades kahit gabi." Nagulat sya't tumayo

"Stalker kita siguro no? Ano? May crush ka sakin?" Wow lang ha! Ang hangin nito. Napatayo ako

""Ang hangin mo rin pala! Hoy! Di yun mangyayayari!"

"Hoy! Camus! Baka may sharinggan (Hanapin nyo na alng sa Naruto) ka at lumalabas ka lang pag gabi kaya mo tinatago." Sabi ni Bryce

Si Bryce ang lalaking nakaupo sa harap ko. Sharinggan? Ano pinapalabas nya na Si Camus talaga si Sasuke?

"Tumigil ka! Walang kinalaman ang Naruto dito!" Sigaw ko kay Bryce

Muli kong tinitigan si Camus. Ang talim ng tingin namin sa isa't isa. Akala nya uurungan ko sya? Hala! Di no! Agad kong kinuyom ang kamay ko.

Napansin kong nanginginig ang kamay nyang nakakuyom. Takot  ba sya sa kin? O Sadyang sobrang galit lang sya sa kin? Akala uurungan ko sya? Hala! Di no!

"O! Ba't nanginginig yang kamay mo? Takot ka sa kin?" Pang iinis ko sa kanya

"Huh?! Ako pa talaga ang takot?" Sabi nya

"Mister Alstoemeria! Miss Kurstville! Anong nangyayari dyan?"

Tumingin agad kami sa harap. Si ma'am Anne pala, ang teacher namin sa math. Nakatingin sya sa min ni Camus.

"Nagaaway naman kayo?" Sabi ni ma'am

"Ito kasi eh!" sabay na sabi namin ni Camus

"At magtuturuan pa talaga kayo!"

"Umupo na nga kayo."

Gusto ko sanang idefend ang sarili ko. Umupo na lang kaming dalawa ni Camus. Kainis talaga ang lalaking yan! Kailan ba ako makakahiganti sa kanya?

"Ok! Ngayon may surprise test kayo.."

"Ano?!" Sabay na sigaw naming lahat

"Ano?! Sige! Ifi fail ko ang grades nyo o magte test kayo?" Sabi ni ma'am

Aish! Grabe si ma'am! Di man lang sya nagwarning sa min. Sabagay surprise test nga diba? May nagsu surprise test ba na nagpapaalam? Wala naman diba? Ilang sandali ay pinamigay na ni ma'am ang mga test papers.

Nang tinignan ko ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Multiple choice lang naman. At isa pa alam ko na to. Parang diagnostic test lang naman pala to. Agad akong nag answer..

A,A,A,A,A,A,A,A,A,......B,B,B,B,B,B,B,B,,.......C,C,C,C,C,,C,C.....D,D,D,D,D,D,,D...... Madali akong nakapaganswer. Ang dali lang naman pala to.

"Puro letter A ang nasa first row ko.." Rinig ko na bulong ni Bryce sa sarili nya

Let me say 'I Love You'Where stories live. Discover now