27

472 17 0
                                    

Tulala ako habang si Betty naman at si Shana ay umiiyak na nakatingin sa nakahigang si Shin.

"hindi niya ito deserve!"umiiyak na sambit ni Shana.

Umiwas ako ng tingin dito at umalis saktong nag ring ang phone ko.

"h-hello?"hindi ko na tinignan ang caller at basta nalang sinagot.

"baby.."nang marinig ko ang boses na yun ay tuluyan na akong bumigay at humagulgol.

"what happened?hey why are you crying?"narinig ko ang pag aalala sa boses nito kaya pilit kong tinakpan ang bibig ko para hindi makagawa ng sound.

"baby hey?"ulit nito.

I cleared my throat bago ako sumagot.

"V-Vlad..nandito ako sa ospital.."sumisinghot na wika ko.

"bakit anong nangyari?ayos ka lang ba?"tanong nito na natataranta na.

"I'm fine..s-si Shin.."pagkasabi ko palang sa pangalan nito ay naiyak na ako uli.

"what about him?at bakit ka ba umiiyak?want me to go back?"umiling ako kahit pa alam ko naman na hindi nito yun nakikita.

"naaksidente sila..he's in coma..a-and its my f-fault.."umiiyak na sagot ko.

"paanong naging kasalanan mo?dont blame yourse---"

"kasalanan ko!dahil nalaman niya yung tungkol sa atin!"breakdown ko.

"w-what?"he stuttered.

"nabangga sila dahil nalaman niyang may relasyon tayo..kasalanan ko ang nangyari kung hindi lang sana---"

"dont you dare say it Lilian!"he yelled.

"totoo naman!kung sana ay hindi naging tayo ay--"

"are you fucking hearing yourself?!nagsisisi ka?sa akin mo pa talaga sinasabi yang mga yan?!"napaiyak nalang ako sa bulyaw nito.

"b-bakit nga ba Vlad?bakit sumugal ka ngayon pero noon hindi?"hindi ito nakakibo sa tanong ko.

"hindi ko siya masasaktan ng ganito kung noon palang ay hindi mo ako itinanggi sa pamilya ko na may relasyon tayo noon!"asik ko.

"you're upset tatawag nalang ako---"

"no!lets talk right now!I wanna know kung this time ay worth it ba yung pain na nararamdaman ni Shin dahil sa atin!"sigaw ko.

"a-ano?ulitin mo nga ang mga sinabi mo?"tanong nito na may garalgal na boses.

I bit my lower lip while silently crying.

"he doesn't deserve this Vlad!"umiiyak na anas ko.

"why baby?did you ever think I deserve this from you?"hindi ako nakapagsalita.

I heard him sighed.Cleared his throat bago nagsalita uli.

"am I not worth the risk?nagiguilty ka sa nagawa mo sa kanya dahil naging tayo and you sounded like you're regretting being with me..choosing me..you acted like that dahil alam mong nasaktan mo siya?then how will you react now that you are killing me..hearing those words from you..you have no idea how I fought to breathe even if I know I am slowly dying..I am sorry if I made you feel that way Lilian."hanggang sa maputol ang linya ay hindi ako nakapagsalita dahil iyak lang ako ng iyak.

"best.."ang namumulang ilong at magang mata ni Betty ang bumungad sa akin.

"Vlad called.."napasinghap ako sa sinabi nito.

"a-anong sinabi n-niya?"nahihiyang tanong ko dito.

"alalayan daw kita..hindi ka ba niya tinawagan?"muli akong napaiyak sa sinabi nito.

I hurt him.

Wala na akong nagawang tama after Shin si Vlad naman!

"may problema ba?"tanong nito.

Kinuwento ko kay Betty ang naging usapan namin ni Vlad bago nito ibaba ang phone.Nanlalaki ang mga mata ni Betty at maya maya ay naningkit ito.

"tell me do you have feelings for Shin too?"hindi ako nakasagot dito.

"ano?"giit nito.

"I thought he can replace Vlad I know we were getting there pero umalis siya..then Vlad..I am sure I love him pero ayokong saktan si Shin--"

"kaya si Vlad ang sinasaktan mo ngayon?"she smirked at me.

"ayusin mo yan best..mahirap makasakit ng taong alam mo ay walang ginawa kundi mahalin ka pero mas mahirap kung sasaktan mo yung taong mahal mo at mahal ka din.."hindi ako nagsalita.

"mali ang ginawa mo..sabihin na natin na nasaktan mo si Shin pero hindi mo kasalanan ang pagkabangga niya..hindi mo naman sinabi sa driver na mag overtake diba?pero kasalanan mo kung bakit nasasaktan ngayon si Vlad..parang sinabi mo na rin na mali na naging kayo at nagsisisi ka.."magsasalita pa sana ito ng biglang magtakbuhan ang mga nurse sa kwarto ni Shin.

"a-anong nangyayari?!"salubong namin sa umiiyak na si Shana sa labas ng kwarto ni Shin.

"b-bigla nalang siyang nangisay.."napasinghap kami sa sinabi nito at agad sumilip sa loob.

Nirerevive nila si Shin!

"again!clear!"sigaw ng doctor.

"no..Shin.."nanghihinang bulong ko.

NEVER A GLANCE(completed) Where stories live. Discover now