30

496 15 0
                                    

Kanina pa ako pindot ng pindot sa doorbell at wala akong pakialam kung masira ang doorbell o mapudpod ang daliri ko.

"what is it now?"tamad na binuksan ni Vlad ang pinto.

Walang babalang pumasok ako at sa nanlilisik na mga mata ay hinarap ko ito not minding his biceps na nakabilad sa mga mata ko.

"you knew about my real mother!"I yelled.

"so?"tamad na response nito na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"alam mo pero hinayaan mong may mangyari sa atin?!"nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko.

"ano naman kung may nangyari--"

"nakakadiri!nagsisisi ako na nagawa ko yun!“nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito na agad ding napalitan ng galit.

"wala akong pakialam kung magsisi ka besides ikaw itong sigaw ng sigaw sa sarap!"bulyaw nito.

"stop!kinikilabutan ako by thinking of those things with you!"asik ko.

"yun ba talaga ang tingin mo sa akin ha Lilian?some sex starved maniac kaya pati ikaw na hindi dapat ay pinatulan ko?"saglit akong natigilan sa sinabi nito.

"ikaw itong enjoy na enjoy tapos ngayon ay susugod ka dito para ano?para ipamukha sa aking nandidiri ka na?“napaiwas ako ng tingin sa galit nitong mukha.

"nandidiri ako sa sarili ko dahil pinatulan kita pero mas nakakadiri ka dahil alam mong hindi tayo pwede and yet you let me had sex with you!"umiiyak na usal ko.

I saw his face clenched.

"sex?is that how you call it?when for me I made sure I made you feel that I was making love to you and your interpretation to my moves is a fucking three letters!"hindi ako nakaimik ng sumigaw ito.

"ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?I admit pinigilan ko nung una dahil sa ama mo!pero ikaw tong lumapit sa akin!at isa pa sa tingin mo ba ipapahamak kita?"hindi makapaniwalang tanong nito.

"damn it Lilian!"bulyaw nito na nagpapitlag sa akin.

"aba malay ko!"I hissed.

Nakita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa isinigaw ko.

"ganyan lang ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa iyo?you think pababayaan kita?"asik nito.

"oo dahil ginawa mo na dati and you cant blame me!"umiiyak narin na sabi ko.

"nangako ako diba na hindi na mauulit yun, na ipaglalaban kita!"frustrations ang maririnig sa boses nito.

"but promises are meant to be broken.."mahinang usal ko na nagpatahimik dito.

Nang mag angat ako ng tingin ay disappointed na tinignan lang ako nito bago binuksan ang pinto ng condo nito.

"if that so, just leave then, and go to Shin dahil alam ko naman na hindi mo magagawang saktan ang isang yun, you prefer to hurt me than him..leave please.."nakapikit na anas nito.

Hindi ko alam ang gagawin ko.I am torn!gusto ko siyang yakapin gusto kong magsorry pero ayokong magalit si dad at isa pa ayokong maeskandalo si dad pati narin siya bilang artista.

Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira nilang dalawa.

My dad and him.

"I'm sorry Vlad.."bulong ko nang makalabas na ako.

"too late for that.."he said in a cold tone bago sinara ang pintuan sa harapan ko.

Napapikit ako sa sakit at gulong naidulot ko.

Wala sa sariling dumiretso ako sa ospital.Pinilit kong ngumiti nang makitang kumakain ng ubas si Shin.

"nandito ka pala Betty."puna ko dito na nakaupo sa sofa.

"tinawagan ako ni Shana dahil may aasikasuhin daw siya about dun sa nakabangga.."sabi nito na ikinatango ko lang.

Kumunot ang noo nito nang lapitan ako.

"bakit?"naiilang na tanong ko.

"umiyak ka ba?"bulong nito para hindi marinig ni Shin.

Malungkot na tumango ako at hindi ko napigilang mapahagulgol kaya maging si Shin ay natigilan sa pagkain.

"babe whats wrong?"tanong nito at pinapalapit ako kaya wala akong nagawa kundi ang magpakulong sa mga bisig nito.

"may problema lang sa bahay.."sumisinghot na dahilan ko.

Totoo naman kahit paano ang dahilan ko pero kung susumahin ay mas malaki yung part na umiiyak ako dahil nasaktan ko si Vlad at alam ko sa sarili ko na wala kaming pag asa na hindi kami pwede.

Pinsan ko siya.

NEVER A GLANCE(completed) Where stories live. Discover now