ALAMAT NG KWINTAS

2.8K 31 2
                                    

ALAMAT NG KWINTAS

Narrator: Noon sa baryo ng San Juan, may binatang minerong nagngangalang Kuwen.Pagmimina ang tangi nyang trabaho,
sa kanyang pagmimina kalimitan nyang nakukuha ay mga Ginto at pilak.sang araw habang siya'y nagmimina may
isang karwahe ang napadpad sa kabundunkan...

Tagapagmaneho: Ginoo? Maari ko bang malaman kung saan ang daan patungo sa kabayanan ng San Juan?

Kuwen: Dumeretso po kayo sa daang iyan, tapos lumiko kayo pakanan pagkatapos po liko po kayo pakaliwa , Maya-maya may
makikita na po kayong mga puno ng ilang-ilang malapit na po kayo sa kabayanan.

Narrator: Nang sinabi ni Kuwen ang daan bumaba sa karwahe ang isang binibining nagngangalang Nita, si Nita ang anak ng
Gobernador ng San Juan.Sa kanyang pagbaba sumalubong agad ang mata ni Kuwen sa kagandahan ni Nita.

Nita: Maya-maya na tayo umalis Mang Carding, nais ko lang sana maglakad-lakad, halos pitong oras na rin akong nakaupo
sa loob ng karwaheng iyan.

TP: Ngunit binibini, tayo'y hinihintay na nang inyong Ama.Maari ring hinahanap ka na nang iyong mga kaibigan at malapit na rin po gumabi.

Nita: Maiintindihan naman siguro ni Ama. Hindi ba't sinabi mong maraming puno ng Ilang-ilang dito, Nais ko sanang ako'y iyong
samahan, Ginoong?

Kuwen: Kuwen po. Kung inyo pong nais ay sasamahan ko po kayo.

Nita: Mang Carding babalik din kami kaagad, Mag-intay ka na lamang dito. Hindi mo naman ako papayagan Ginoong Kuwen?

Kuwen: Ipinapangako ko po ang iyong kaligtasan Binibining Nita.

Narrator: Wala nangang nagawa ang tagapagmaneho kundi ang maghintay sa kanilang dalawa at nagmamaktol pa siya dahil hindi siya ang inimbitahan ng dalaga na samahan siya dahil sumamaito sa lalakingg ngayon niya lamang nkaita. Samantala...

Kuwen: Binibini? Mahilig po ba kayo sa Ilang-Ilang?

Nita: Oo, mahalimuyak ang bulaklak na ito at napakaganda pa. Naalala ko pa nung bata ako gumawa ako ng isang Korona
na gawa sa ilang-ilang at napakaganda nito. Nais ko naman sana isang makabago ang magawa ko ngunit wala akong
maisip.Yun bang kumikinang sa ganda.

Kuwen: Pareho tayo binibini, sa tuwing ako'y nagmimina tanging ginto at pilak ang nakukuha ko, nais ko rin sang makakuha
ng iba o makabagong bagay naman.

Narrator: Nagpatuloy na nga ang kanilang pag-uusap hanggang sa muli na silang nakabalik.Napuno ng pagtatawanan at pagtatanungan ang dalawa kaya naman nagkamabutihan na sila. Pagkabalik nila kay Mang Carding
kitang-kita nila ang sobra-sobrang kaba nito at tila'y naligo na sa kanyang pawis.

Nita: Mang Carding bakit tila'y kayo ay parang tuod diyan, na hindi mapakali. Sandali lamang kaming umalis.

TP: Binibini, tara na po, Panigurado pong tayo'y hinahanap na ng inyong Ama

Nita: Oh sya sige na! Mang Carding pwede bang isabay na natin pabayan itong si Kuwen, Medyo nag-aalala rin ako sa kalagayan niya dahil mag-isa lang siyang naglalakad patungo sa kaniyang tahanan.

Narrator: Pumayag si Mang Carding na maisabay pabayan si Kuwen. Masaya sina Kuwen at Nita habang sila'y magkasama sa loob ng karwahe.Pagkatapos rin ng araw na iyon, madalas na ring nagkakasama ang dalawa at tila parang may namumuo ng pagmamahal sa isa't-isa. Si Kuwen ay 28 taong gulang at si Nita nama'y 35 na taong gulang. Ngunit kahit mas bata ng pitong taon si Kuwen ibinigay nya ang buong pusong pagmamahal kay Nita.

Kuwen: Aking Nita, iniaalay ko ang aking taos pusong pag-ibig sa'yo nais ko sanang hingin ang iyong kamay. Maibibigay mo ba ito?

Nita: Ang sagot ko ay Oo. Salamat dahil ako'y iyong pinagtiyagaan Kuwen.
Marta: Masaya ako para sa inyo Kuwen at Nita. Nawa'y sana tumagal kayo at mamuhay kayo ng maligaya.
Ruben: Ganoon din ako. Kuwen iyong aalagaan si Nita kahit anong mangyari. Kailan ba ang kasalan?
Nita: Nais naming sanang isabay ito sa'king kaarawan, sa Hulyo 23 ate Marta at Kuya Ruben.

Munting Mga AlamatOù les histoires vivent. Découvrez maintenant