Chapter 32

8K 412 26
                                    

Chapter 32


Days have passed. Nalaman ni Kuya ang tungkol sa pagkikita namin ni Papa no'ng araw na 'yon. At first, he was so mad. Pero pinaliwanag namin ni Mama sa kaniya ang totoo kaya medyo kumalma na siya at hinayaan na lang kami.

'Yon ang huling pagkikita namin in person. The next days, through video call na lang. Julius asked his brother for a phone na ibinigay naman nito kaya nakakapag-video call kami.

Mama saw Julius and she was so happy. She treats Julius as her son, too. Si Kuya naman, pabebe. Halata namang gusto niya rin si Julius pero ayaw umamin, may pagalit-galit pang nalalaman.

Sa amin naman ni Jah, hanggang nuod na lang din ako ng live broadcast ng mga interviews at TV shows nila.

He's been busy these days.

Nalaman ko kay Josh na hindi sumisipot minsan si Jah sa mga guesting nila para raw makita ako. It's sweet, but I don't want to ruin his career na una niyang minahal kaysa sa'kin.

Pinagalitan ko kaya ayon, naging madali na ang schedules nila. 'Yon nga lang, napansin kong parang pilit ang ngiti niya sa ibang mga videos.

“See this? Ang peke mo rito!” I said as I pointed at my phone kung saan naka-pause ang video sa part na nakangiti siya sa host. “Ang attitude mo, ha. Ang bait-bait ng host, eh!”

He just sighed. Pinagkrus niya ang mga braso at binti niya. Nasa apartment nila siya ngayon. Kakatapos lang ng guesting nila at tapos na ang schedules nila ngayong araw. Halata sa mukha niyang pagod na siya, pero nakipag-video call pa rin sa akin.

“I haven't seen you for a week now,” matamlay niyang sabi. “I wanna see you. Can't I see you?”

Sumimangot ako. “No. Hangga't wala pang Christmas break, it's a no. Umayos ka, De Dios! Kung hindi, makikipag-break ako sa'yo at liligawan ko si Josh.”

Ang matamlay niyang mukha ay napalitan ng inis. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at kaagad siyang dumukwang sa lamesa na nasa harapan niya. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

“Don't you dare!” banta niya. “I don't want to kill a friend.”

Napahalakhak ako. He's really cute when his jealous. At least, for me.

“Joke lang!” bawi ko. “Pero gagawin ko talaga 'yon kung 'di ka aayos. Bukas, kakanta kayo sa Wish, hindi ba? I'll watch the video!”

“Crush mo ba si Josh, ha?”

Napatawa ako. I tried diverting the topic but looks like he's really pissed. Ipagdadasal ko na ba si Josh?

“Hmm...” ipinatong ko sa aking unan ang aking baba at bahagyang tinagilid ang ulo. I smiled and said, “to be honest, I liked him. Nagka-crush ako sa kaniya.”

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Ilang segundo lang ay bigla siyang tumayo at walang sabi-sabing umalis. Napasigaw ako sa gulat dahil baka totohanin niya nga ang sinabi niya!

“Jah! Jah, hoy! Bumalik ka!” I kept on shouting. “Jah, I love you, balik ka na rito. Hoy!”

Mas lalo akong kinabahan nang nawala na siya sa screen. Malutong akong napamura. Mabilis kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Josh para bigyan siya ng warning dahil baka anong gawin ni Jah sa kaniya!

I was about to press the call button, nang biglang lumitaw sa screen si Jah. Nakangising-aso pa siya na parang sobrang saya niya. He leaned on the table, nakapatong ang baba sa brasong nasa lamesa din.

“Say it again,” aniya na para bang nananaginip siya.

“Uh... 'yung hoy?” I asked.

Umiling siya. “Before that.”

Exclusively Dating The Idol | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя