19-Statement

1.3K 40 3
                                    

Pagkatapos ng appointment ni Abby sa Neurologist ay tumuloy sila sa office ni Officer Intal.

"Miss Diamante, maaari mo bang ikuwento sa amin ang mga pangyayari ayon sa iyong natatandaan?" wika ng NBI Officer.

"Abby, sige na anak. Makakatulong ang mga sasabihin mo sa pag track ng kinaroroonan ng iyong ina." Anang Nico.

"Ikuwento mo lang Abby, nakikinig kami." Sabi naman ni Nial.

Tumungo si Abby, ipinikit ang mga mata. Pilit inalala ang nakaraan bago siya natagpuan ni Nial na walang malay sa daan.

Pinindot ni Officer Intal ang tape recorder.

Namimigat ang mga mata ko. Pilit kong inaaninag ang nasa harapan ko. Nakatingin siya sa akin at may benda rin sa ulo. "Thank God. Gising ka na."

Nakangiti siya sa akin pero hindi ko kilala. "Sino ka?"

Nawala ang ngiti niya. "Anak, ako si Mama, ang iyong ina."

"Mama?"

"Abby, almost two days kang tulog." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. "Abby, we met a car accident. George is dead. I'm so sorry. Hindi ko akalain na mauuwi sa ganito ang dapat masayang bakasyon natin." Umiiyak si Mama habang ikinuwento ang buong pangyayari. Bumaling siya sa nakatayong lalaki sa harap ko. "Doctor, what happened? Why my daughter couldn't recognize me?"

Till My Love GrowWhere stories live. Discover now