Missing #13

4.5K 187 22
                                    

TAHIMIK NA BUMABA NG KOTSE SI JOY na kasunod naman si Ryan. Nauna na kasi nilang naihatid sina Kai at Cez.

            “Are you sure na ayaw mong samahan kita sa loob?” tanong ni Ryan.

            Humrap siya dito na  may pilit na ngiti sa mga labi at bahagyang umiling. “I’m fine don’t worry.”

            “Joy, about kanina -”

            “It’s okey Ryan,” aniya kahit ang totoo ay masama talaga ang loob niya sa  binata. “Umuwi  ka na, para pare-pareho na tayong makapagpahinga.” Tumalikod na siya mula dito at naglakad patungo sa may pinto ng bahay. Ramdam naman niya ang paglalakad ni Ryan pabalik sa may kotse nito at kasunod ang ingay ng  muling pagkabuhay ng makina ng sasakyan.

            Isang buntong hininga ang binitawan niya bago inihakbang ang mga paa papasok ng bahay ng mabuksan ang pinto. Kaagad niyang binuksan ang mga ilaw. Ramdam niya na ang normal na temperatura sa loob pero hindi pa rin maalis ang mga kaba sa dibdib niya habang inililibot ang paningin sa paligid.

            Mui siyang nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. “Tama na ang ka-praningan Joy…”

            Napapitlag siya ng umalingawngaw ang malakas na tunog ng doorbell sa buong bahay.

            “Si Ryan na naman,” naiinis na bulong niya. Alam niya na  laging kapakanan niya ang iniisip ng binata ngunit bakit kailangan pa siya nitong pahintuin kanina habang kausap niya si Ed.  Isa lang din naman ang gusto niya, ang kaligtasan nilang lahat.

            “Joy? It’s me, Iñaki.”

            Hindi niya alam kung bakit tila nabasa ni Iñaki ang nasa isipan niya kaya ito nagsalita mula sa labas. Inilagay na niya ang hawak na bag sa may sofa bago muling tinungo ang pinto at pinagbuksan ang bisita.

            “Carbonara?” nakangiting tanong ni Iñaki na bahagyang itinaas ang hawak na lalagyan ng pagkaing dala.

            Gumuhit na ang tunay na ngiti sa mga labi niya. Nagkakataon lang ba na laging nasa timing ang binata na dumating upang pagaanin ang bad trip niyang pakiramdam?

            “Salamat. Tara, pasok ka,” anyaya niya. Nakakaramdam na rin kasi siya ng gutom kaya hindi na iya ito tatanggihan pa. Hindi naman kasi siya halos nakakain sa buong araw. “Anong meron?” tanong niya ng makarating sila ng kusina at naglalabas na siya ng mga plato at kubyertos.

            “Napadami kasi luto ko kanina at hindi ko kayang ubusin ito mag-isa,” nakangiting sagot ni Iñaki.

            “Nagluluto ka? Nice! Mukhang masarap -” bigla siyang napalingon sa may bintana ng kusina kung saan may nanggagaling na ingay na parang mga munting kaluskos. Ramdam niyang biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

            “Anong ingay yun?” nagtatakang tanong ni Inayaki at tumayo na upang tingnan kung anong mayroon sa may bintana. Napansin kasi nito ang kaba na tila bumakas sa mukha ng dalaga.  Binuksan nito ang bintana at saglit na sinilip ang labas. “Pusa lang pala. Shooo! Shoo!”

            Nakahinga na siya ng maluwag sa sinabing iyon ni Iñaki at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang pag-aayos ng lamesa.

            “Okey ka lang ba, Joy?”

            Bahagya siyang napapitlag ng hindi kaagad namalayang nakalapit na pala ang binata sa kanya. Nerbyosa na yata talaga siya. “O-oo naman. Mukha ba akong hindi okey?”

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Where stories live. Discover now