Prologue

47 0 2
                                    

Noon hindi ako naniniwalang may diyos, na may anghel at demonyo.

Pati nga langit at impyerno hindi ko pinaniniwalaan.
Sabi ko sa sarili ko, bakit ako maniniwala sakaniya?.

Na siya ang lumikha at naglalang sa mga tao.
Bakit ako maniniwalang may "awa ang diyos".
Na totoo siya, kasi kung totoo talaga siya bakit niya ko hinayaan maging ganito?.

Bakit niya kinuha ang buhay ng mga magulang ko at iniwan akong nag-iisa sa murang edad.

Bakit niya ko hinayaang mapunta sa kamay ng mga masasamang tao?

Bakit niya ako hinayaang saktan at bugbugin ng mga taong nakapaligid sakin?.

Bakit niya hinayaang maging miserable ang buhay ko?.

At bakit nya ako binigyan ng mga matang kayang makita ang lahat?.

Isa ba tong regalo o isa itong sumpa?.

Kaya ko ngang makita ang lahat.
Buhay, kamatayan, kapalaran, at ang huli...

Mga nilalang na akala ko hindi nag-i-exist ay totoo pala.

At ang isa sakanila ay nasa harap ko na.

"Vos have ut moriatur" ( you have to die )

The Gods Eye (on going) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin