Chapter 1

24 1 0
                                    

Dedicated to daydriamer

Chapter 1

"Grabe na talaga ang mga nangyayari dito sa atin mare!, Nabalitaan mo ba yung sunod-sunod na lindol na nangyari sa Visayas?"

"Ay!, Oo mare!. Grabe na talaga ang panahon ngayon. Kita mo puro patayan ang ibinabalita sa television ngayon"

"Oo nga eh. Kita mo yung lamay sa may kanto, namatay yung tambay diyan, na riding in tandem"

"Ay!, Oo andun nga ako kina Aling Kendra nung pinatay yun doon sa may kanto. Grabe napasigaw talaga ako nun!, Kala ko nga madadamay kaming mga nandoon eh"

"Oh?!, Mabuti nalang talaga di ka nadamay mare ano?, Kasi sinong magbabayad ng mga utang mo sakin kung sakaling nategok ka doon"

"Ay!, Grabe ka naman mare, mag babayad naman ako sayo eh"

"Edi mabuti kung ganun"

"Hahaha syempre naman mag-mare tayo eh"

Iba na talaga ang mga tao ngayon.
Napabuntong hininga nalang ako habang pinakikinggan ang pagtsitsismisan nila Aleng Nena at Aleng Marjie.

Kung sana lang kasi nakinig sakin si Kuya Budoy edi sana hindi siya pinaglalamayan ngayon.

Pinagbalaan ko na siyang wag lalabas ng gabing yun eh.
Pero 'di siya nakinig at sinabihan pa akong baliw.

Bago pa nila nakitang namatay si Kuya Budoy ay nakita ko na ito sa visions ko.

Matagal ko nang alam na mamatay siya.
Alam ko noon pa kung anong magiging kapalaran niya.

Dahil may kakayahan akong makita ang lahat ng mangyayari sa mga tao.

In an instant.

Ewan ko kung biyaya ba ito o sumpa.

Pero para sa'kin. Sumpa ito...

Sabi nila maswerte daw ang may ganitong kapangyarihan, pero para sakin hindi.

Pano naging swerte ang isang tulad kong laging bugbog sarado sa tatay-tatayan niya.

Yung nanay-nanayan ko naman walang paki sa'kin. Magkakaroon lang yun ng paki pag madami na'kong natindang sampaguita para ipang sugal nya,

Yung nagiisa naman nilang anak na lalaki, ayun. kabata-bata magnanakaw na, nagdrodroga pa.

Ang swerte ko talaga grabe. Sana mamatay nalang sila.

Muli naman akong napabuntong hininga ng makita ang nanay-nayan kong papalapit.

'Bakit ba kasi namatay pa yung totoo kong mga magulang eh?. Bakit ba kasi sila pa ang napuntahan kong pamilya?.'

Bata palang kasi ako ng mamatay ang mga magulang ko at sila itong kumuha at nag-alaga--- kung alaga man ang definition nila sa pag bugbog nila sakin.

"Hoy!, May benta ka na ba?" tanong nito ng makalapit ito sakin.

"Wala pa ho, naghahabi palang ako ng bulaklak" sagot ko habang sa ginagawa ko ako nakatingin.

Ayokong makita siya at ang kapalaran niya.
Nakakasuka na. Simula pagkabata nakikita ko na iyun.

Simula ng magkaisip ako ay nakaka kita na'ko ng mga kung ano-anong visions.

Nakikita ko yun pag nakatitig or pinagmamasdan ko ng matagal ang isang tao or in an instant kung malala ang sasapitin nito,

Nakakatakot sa umpisa dahil nakikita ko ang kapalaran nila. Ang lahat ng nangyari at mangyayari palang sa buhay nila ay nakikita ko na.

Sinubukan kung magsalita tungkol sa mga nakikita ko pero walang naniniwala sakin.

The Gods Eye (on going) Where stories live. Discover now