Chapter 6

134 2 1
                                    

Alas onse na ng nagising ako pero hanggang ngayon ayoko paring bumangon sa kinahihigaan ko.
Nabibwisit ako dahil hanggang ngayon apektado padin ako nakakatangina tong buhay na to.
Gustuhin ko man na magtagal la sa paghilata sa kwarto ko hindi rin naman ako patatahimikin ng mga tao sa paligid ko. Hays.

"alex, bumaba ka na riyan at may bisita ka."

"bababa na po nana!"

Inasikaso ko na amg sarili ko bago bumaba. Minadali ko na at gutom na rin ako dahil anong oras na.
Pagkababa ko sa sala naabutan ko dun si paula.

"anong ginagawa mo dito?"

Bungad na tanong ko sa kanya.

"nakalimutan mo ba kung anong petsa ngayon ha?"

"bakit? Anong meron ba?"

Tanong ko bago kumuha ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso.

"ngayon ka pupunta sa opisina kila tita baka nakakalimutan mo?"

"ilipat mo nalang sa ibang araw wala ko sa mood ngayon."

Oo nga pala. Kailangan ko pang magpakita sa opisina sa tita ni paula.
Magtatrabaho ako dun for experience.
Although pede namang sa company, ayoko padin dahil gusto kong sa iba at magmula sa pinakaumpisa.
Fourth year college na kami ni Paula kaya pahirapan na. Isang taon na lang. Isang taon na lang di pa nahintay hahahhahaha...

"ano nga palang nangyari kahapon?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon.
Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko, o wag nalang kasi alam ko naman na gagawa ako ng paraan para magbago. Kaso alam ko rin naman na kapag sinabi na nila mama at papa, wala na rin akong magagawa pa.
Siguro sasabihin ko din pero hindi la sa ngayon. Hindi ko pa kaya kaya pasensya na, paula.

"may hinanap lang kahapon si mama na di nya makita kaya nataranta pero ayos naman na."

Sabay ngiti ko pa para maniwala siya.

"ganun ba?"

Tango nalang ang naiganti ko sa kanya.

"alex... Pupunta ka ba?"

"saan?"

"Birthday ni cedrix bukas diba?"

"oo."

"pupunta ka? Panigurado andon siya."

Alam ko. Alam kong nandon siya kaya nga ako pupunta. Kung totoo man na mangyari yung sinabi ni mama, gusto kong masanay na sa presensya nya ng hindi na ako naaapektuhan pa. Kaya siguro magandang simula na din ito.

"hindi naman siya ang pinunta ko don hahahhaa..."

Nangunot ang noo ni paula sa isinagot ko sa kanya.

"may pang regalo ka na ba?"

Pagtatanong ko para lang mailipat ang atensiyon niya.

"wala pa."

"bili tayo?"

"sige."

"sandali, magbibihis lang ako."

Umakyat akong muli sa kwarto at nagbihis pangalis. Kung iisipin napakabilis nalang ng panahon.
Pasukan na naman ulit. Enrollan na.
Parang nung nakaraan lang dalawa pa kaming nagenroll magkasama. Ngayon ako nalang magisa.
Ilang buwan na rin pala mula ng nakipaghiwalay siya. Hindi na dapat masakit kapag ganun diba? Masakit pa nga ba? Hindi ko alam.
Masasabi mo lang naman yon pag ka nandyan ang taong yun, pero sa sitwasyon ko ngayon, wala naman. Kaya hindi k masabi kung masakit pa nga ba, o kung may nararamdaman pa nga ba.

Dali dali na kong bumaba at niyaya si paula na umalis na. Binilan ko nalang si cedrix ng isang relo samantalang si paula naman ay isang sapatos. Pagkatapos noon ay dumiretso kami sa isang resto bar na pagaari ng kinakapatid ni paula. Alas nwebe na ng gabi at ayaw pa naming umuwi kaya dito muna kami nanatili. Habang papasok may isang babae doon na pinipigilan ng bouncer ayaw papasukin dahil underage daw. Natawa nalang ako sa mga naalala ko.
Parang dati lang, ganyan din ako.
Maayos na akong makapasok ngayon dahil 19 na ako at magte-twenty sa october.
Nakakatawa na parang dati, desperada akong makapasok para sundan ang isang lalaking gusto ko.
Nakakatawa lang na dito rin ang bagsak ko nung mga panahon na narealize ko na hindi ko dapat ginusto ang lalaking sinundan ko.

Maiingay na musika at mga usok ang sumalubong sa pagpasom ni paula.
Pagkapasok na pagkapasok namin, nakita agad namin ang mga nagkakagulo sa gitna na akala mo ay nakawala sa hawla.
Dahil siguro sa tagal na hindi na kami nakakapunta dito, namiss ko ang lugar na ito at agaran ng nakisali sa gitna ng mga tao.
Kanya kanyang sayaw at pagsabay sa kanta ang ginagawa ng mga tao. Dahil siguro may mga tama na din ang iba, nagkatulakan na. Natutulak na ako kaya aalis na sana ako ngunit pagtalikod ko, isang napakalamig na mata ang sumalubong sa akin.

Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit napakagwapo pa rin.
Ang kanyang mapupungay na mata, matangos na ilong at manipis na labi ay ganun parin. Walang nagbago. Pato ang epekto na dulot sakin nito. Ang bilis padin ng tibok ng puso ko na parang may karera sa loob nito.
Sinabi kong sasanayin ko ang sarili ko para wala ng epekto pero parang kakainin ko lang ang salita ko.
Dahil mali ako, kahit ilang buwan na ang lumipas, wala paring bago, ganun parin ang dulot niyang epekto.

Hindi mo man lang ba hinintay hanggang bukas jax? Hindi mo man lang hayaan na makatulog ako ng matiwasay ngayon at bukas problemahin kung paano ako haharap sayo. Bakit ganyan ang mga titig mo? Umaasa na naman ako.

Arrange Marriage with My Playboy EXWhere stories live. Discover now