Kabanata 7

5 0 0
                                    

Martha Fuevos POV***

Maagang pumasok si Amber at maaga ding umuwi. Bwisit na babaeng yun! Nakakairita! Iniwan ako!? Palibhasa di ako nakapag dala ng kotse kaya ayun tuloy! Uuwi ako ng sasakay pa sa mga sasakyan haysss! Layo kasi ng condo ni Amber sa school eh! Kainis!

Wala akong magawa ngayon. Saka grabe naman yata magalit si Amber Lyn Cohen na yun! Parang papatay na eh! Yung mga mata niya mga Nanlilisik tapos yung kamay niya parang pagkuhit mo lang sa kanya ay tutumba ka na sa sahig sa sampal niya o sutok na magagawa. Bakit kasi babae ang sumagot!? Tanaga naman nung girl. Wrong move siya! Pero bahala na sila sa buhay niya. Away magjowa yun eh. Bawal single dun.

Maagang nag uwian dahil chinat ko ang magaling kong kaibigan na si Amber na pakisabi sa ninong niyang may ari ng university na magpauwi ng maaga. Ito naman loka loka Kung kaibigan uto uto naman! HAHAHAHA

Masaya akong naglalakad sa hallway na may patalon talon pa habang hawak ang sakbitan ng bag ko. Para akong bata HAHAHAHA.

Napatigil ako ng makita ang lalaking nakaupo sa may tabi ng daanan. Bakit kaya siya nandun? Hmm? May kakaiba ngayon ah?
Hihihi malapitan nga

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at tumayo naman siya agad na may tinatago sa likod

“Hmm? Ano yun huh?” tanong ko sa kanya

“Si Amber?” tanong niya sa akin kaya napangiti ako

Ano kayang dahilan ang pwede kong sabihin? Aha! Nice yan pre!

“Nasa bahay kanina pang maga. Di niya nasabi sa iyo? Uhm. Alam ko tumawag siya eh gamit ang cellphone ko. Sasabihin niya lang naman na nandun yung isa naming lalaking kaklase. Nasa condo sila. Silang.....dalawa lang Toledo” sabay taas baba ng kilay ko.

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya sa galit. Nice yan baby Martha!

“Sayo na lang!” sabi niya sa akin sabay hagis ng bulaklak sa akin. Buti nasalo ko!

“Akin na lang? As in talaga?” parang batang tanong ko

“Oo sayo na lang”

“Yieeee Thank you Toledo” masayang sabi ko kaso may kasunod pa pala

“Sayo ko na lang ibibigay para ibigay mo kay Amber. Baka mapatay ko pa kung sinong lalaki ang nandun sa condo niya. Welcome Martha” sabay alis niya

Puta naman oh!? Ako pa inutusan! Welcome mo mukha mo!? Haysst! Buhay jowa nga naman nakakaewan. 



                           ***

“Hoy Girl! May bulaklak na padala sakin para sayo!!!” sigaw ko pagkapasok pa lang sa condo niya.

Naabutan kong may hawak siyang sulat at nanginginig ang kanyang mga kamay at parang balisa. Kung hindi ko pa sya hahawakan sa balikat ay tulalang tulala na siya.

“Ano yan!?” tanong ko sa kanya

Agad niyang ginasumot ang papel niyang hawak at itinago sa bulsa niya.

“W-Wala to!” giit niya

Tumingin sya sa hawak kong bulaklak kaya binigay ko sa kanya yun

“Sinong patay?” patay malisya niyang sagot kaya binatukan ko siya.

“Patay ka dyan! Ayan oh bigay ng magaling mong jowa! Patay na patay sayo pre! Yieee!” kinikilig kong sambit sa kanya.

Tumaas ang isa niyang kilay na simbolo ng pagsusungit niya.

“Bakit mo tinanggap? Dapat hinampas mo sa mukha niya” sagot niya

“Bakit naman ihahampas sa kanyang mukha?” inosente kong tanong

“Sino kasing loko ang magpapadala ng bulaklak sa taong buhay pa! Akin na nga yan!” sabay kuha niya sa hawak kong bulaklak itatapon niya na sana ito ng may sulat na nalalaglag kaya agad niya itong dinampot at binasa ng sobrang lakas

Kainis naman!

Hey! Amber!!!! Punta ka sa may fountain okay?! Magkita tayo roon! May dapat tayong pag usapan! Kung di ka sisipot! Ipapakidnap kita!! Understood!? Okay! Naghihintay ako! Putang ina mo! Bilisan mo huy!?” pagbasa niya sa sulat pero may pahabol pa pala

From: Mr_Anderson Toledo Chavez! Ang gwapo mong jowa!” Napangiwi siya ng basahin ang huling nakasulat doon.

Masama niya akong tinignan at nagbuntong hininga. Dali dali siyang nagbihis ng pormal nasuotin. Kahit simple lang ang suot niya napakaganda niya na. Kaya madaming lalaki ang nahuhumaling sa kanya eh. Pero sa isa lang sya nakatuon ang buong atensyon niya at yoon ay ang sinabihan niyang Jowa Ko Yan!!!! Lakas ng trip talaga ng babaeng yun! Timang lang! Haysss buti na lang parang audience lang ako dun. Hihihi

“Okay ba suot ko? Baka panget ako dito?” kunot noo niyang tanong sa akin saka siya umikot ikot sa harapan ko.

Napangisi na lang ako sa babaeng to may pagkaisip bata eh.

“Oo maganda naman yung suot mo kaso nga lang.... Ang panget nung nagsuot” pang loko ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng malakas na sapak.

“Grabe ka naman! Oo na Maganda ka na” sigaw ko

Tumawa siya ng tumawa at kinuha niya yung bulaklak na pinatong niya sa kama niya kanina bago magbihis. Dadalhin niya pa yan? Ah ungungudngod yata niya sa pagmumukha ni Toledo HAHAHA grabe talaga ang babaeng yan.

“Kailangan pang sapakin eh bago magsabi ng totoo!” reklamo niya pa at saka siya lumayas sa pagmumukha ko. Kaasura ngek! Porket may mga jowa lang eh!

Pagkaalis na pagkaalis ni Amber ay pumunta ako sa pinaghubaran niyang damit at pasilip silip sa pintuan dahil baka biglang pumasok ang luka. Kinuha ko ang sulat na tinago niya sa bulsa doon. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang sulat roon. Kaya pala tulala ang babaeng ito dahil may ganitong sulat siyang natanggap mula sa di kilalang tao. Sino naman kaya ito? Bakit sya nagpadala ng sulat na ganito.

Pwede naman yatang isa walang bahala ito Kasi baka trip trip lang ng mga tao ang ganito. Tama! Baka nga Siraulo lang ang gagawa nito!? Lakas ng tama! ano siya baliw!? Di yata nakainom yun ng gamot kaya ito at nang gugulo

Flow of the Water (EMPIRE HOME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon