Kabanata 17

6 0 0
                                    

Amber Lyn Cohen Pretend as Ava Lyn Martinez POV***

Mabilis kaming pinauwing lahat dahil sa nangyaring aksidente sa akin sa gitna ng dagat. Ni hindi ko maalala kung paano ako napunta sa lugar na iyon at bakit ako napadpad sa dagat. Wala din akong matandaan na kahit sino.

Nasa sala kami ngayon kasama ang 'mga kaibigan ko raw' yun ang sabi ni Mommy sa akin kaya naniniwala ako. Puro kwento lang sila. Minsan nakikitawa na lang ako para di masabing kj ako.

“Ahm Ava? Kamusta pala yung project natin? Tapos na?” tanong ni Calista sa akin

Napaisip ako kung anong sinasabi niya.

“Ah yung miniature ba?” tanong ko at tumango naman siya

Yun pala ang project namin. Tapos na nga iyon. Yun kasi ang bumungad sa akin pagpasok palang ng pintuan. Saka may nakita din akong litrato ng dalawang bata roon. May kapatid siguro ako.

“Sa tindi ng pagkakabagok mo? Naalala mo pa rin yung project? Tapos kami di mo maalala? How's life nga naman” sabi ni Miyeona na parang nasasaktan kaya napangiti ako

Lahat sila ay natulala sa akin na kala mo ay isa akong himala na nangyari sa kanilang buhay.

“Bakit ganyan kayo makatingin? Para kayong Ewan! HHayy naku magsikain na lang tayo. Tara sa kusina may niluto si Mommy para sa atin” sambit ko habang natatawa

“Grabe ang ganda mo pala kapag nakangiti. Dati kasi puro simangot, Walang emosyon o sa madaling salita para kang Tigreng mangangain” sabi ni Calista at tumawa na ang lahat. Nakisabay na ko sa kanila


                        ***

“Dito tayo madalas sa bar cyst. Dito tayo naghahanap ng mga lalaki na makukutkotan ng pera.” sabi ni Calista sa akin kaya napatango ako

“Bakit pa natin gagawin yun eh may pera naman tayo?” pagsasabi ko

Napatawa siya at tinapik ang balikat ko kaya napatingin ako roon.

“Kaya nga eh... Ang gusto kasi natin. Makapag enjoy at magkaroon ng pera na galing sa iba at hindi sa mga kakilala natin” saka siya naglakad papunta sa isang lalaki na lasing na lasing na.

“Hey boy.... Nag iisa ka yata?” mahinhin na sabi niya sa lalaki kaya agad na naakit niya ito.

Nice! Ang galing!

Nakita kong bigla silang naghalikan na lang bigla at pasimpleng inapa ni Calista ang bulsa ng lalaki at nanlaki ang mata ko ng makuha niya ang isang wallet tapos nilagay niya sa bag niya at umalis na nakangiti roon.

Bumalik siya sa gawi ko at hinagis ang wallet na nadekwat niya sa lalaki

“Ganun ang ginagawa natin. Pero ikaw lang ang may ayaw nun HAHAHA!” sabay tawa niya ng malakas

Napa iling na lang ako.

“Kaya kong gawin yun na di ginagawa yun” pagmamalaki ko

“Huh?”

“Magagawa kong makakuha ng pera na di ginagawa ang paghalik sa lalaki. Makikita mo Calista” sabay ngisi ko at pumunta sa kumpulan ng mga lalaki na kakarating lang.

Wala pang mga amats to kaya pwede na siguro. Ayokong makipaghalikan sa di ko kilala nuh?

“Hey boys!” masigla kong tawag sa kanila kaya agad silang napaayos ng upo at ngumiti sa akin

Kita ko kung paano tumitig ang isang lalaki sa aking katawan. Puno ito ng pagnanasa kaya dapat magawa ko na agad ang plano ko. Lumingon ako kay Calista na nakatingin sa bawat galaw ko. Ngumiti ako sa kanya at kumindat.

Flow of the Water (EMPIRE HOME)Onde histórias criam vida. Descubra agora