4: Deal with a Lord (edited)✓

51.9K 1.4K 116
                                    

 Chapter 4: Deal with a Lord

4/20/15

     “HIJA, mukhang alam ko na kung ano ang itinungo mo rito ngayon…” wika ni Chief ng makita nitong pumasok sa opisina si Quentine. Sumandal ito sa swivel chair nito, “So?” he asked.

    “I won’t beat around the bush, Chief. I want my grandfather’s company back to me.” she said directly to him.

Napangiti si Chief sa lakas ng loob na taglay ng babaeng nasa harapan nya, bihira lang sa mga miyembro ng assassin ang ganito ang paraan ng pakikipag usap sa kaniya. He is a respected leader at lahat ng tao sa paligid niya ay kinakatakutan siya but this girl is an exception.

    “Kung gusto mong makuha pabalik ang kompanya ng lolo mo,  here’s the deal…” he trailed off. A mischievous smile playing on his lips.

Quentine clenched her fists. Heto na ang kapalit ng pabor na hinihingi niya.

    “What is it?”

     “I want you to fight in the event of the Battle of Life.”

Hindi naman nagulat si Quentine sa sinabi nito. “But I am really going to fight that time.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Chief, tumayo ito. Biglang nanliit si Quen dito. Malaking tao kasi talaga ito, hanggang baba lang yata siya nito.

     “Yes, of course I know that. But since malaki ang pabor na hinihingi mo sa akin, malaki rin dapat ang hingin kong kapalit.” 

      “At ano naman iyon bukod sa laban ko sa battle of life?”

    “Ako ang pipili ng makakalaban mo sa araw na iyon. Win the match and your company will be all yours…” sambit nito na biglang nagpa freeze ng katawan ni Quentine. He must be kidding her…

     “Natigilan ka Ms Fontanilla, aayaw ka ba?”

    “No.” Agad na sagot niya, she was just taken back dahil sa sinabin nito na mapupunta na sa kaniya ng buo ang kompanya ng Lolo niya. “I can win that match, kahit sino pang kalabanin ko mananalo ako.” Buong tapang na sagot niya kay Chief.

Napangisi si Chief, makakaya kaya nitong talunin ang taong pipiliin niya?

     “It’s settled then. The event is near kaya maghanda ka na.” he took his gold cane.

     “Sinong makakalaban ko?” 

Ngumiti ng makahulugan ang matanda sa kanya, “Where’s the fun in that if alam mo na kung sino? Malalaman mo lang iyon sa araw mismo ng laban.” that made her gasp. Sa mismong araw pa nya malalaman kung sino ang kalaban niya? Hindi yata tama iyon!

    “What? Hindi ba isa iyong kadayaan?”

    “That’s the point, Quentine. Kaya nga sinabi kong maghanda ka sa araw na iyon. Who knows who I’m going to pick to fight you?” wika pa nito saka itinuktok ng tatlong beses ang cane nito sa sahig.

Ramdam ni Quentine ang bahagyang pagyanig ng sahig na kinatatayuan nila. Nakita niyang gumalaw ang semento sa tapat ni Chief. Bumungad ang hagdan paibaba. Maang na napatingin siya rito, nakangiti lang ito sa kanya na tila natutuwa pa ito sa reaksyon niya.

     “Your training will start today, sumunod ka sa akin at ituturo ko sayo kung sino ang magiging trainer mo.” wika nito sa kanya at nauna ng bumaba sa hagdan.

Sumunod naman siya dito, “I can ask Reed and his group to train me, hindi mo na kailangan pang hanapan ako ng trainor. At isa pa, talaga bang pinaghandaan mo na agad ito?” tanong niya. Mukha kasing handang handa ito at sigurado sa deal nila.

TMH II: Chaotic World (Part One) - editingWhere stories live. Discover now