Chapter 4

38 3 1
                                    

Chapter 4

"Manang ano pong suot nung lalaki?" nagtatakang tanong ni Sophia

"Nakashades tas nakajacket yung lalaki e sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Edgar, yung guwardiya sa gate ng mansyon." pagpapaliwanag ni Nanay Lita

"Ahh. Sige po I'll check the cctv nalang po." pamamaalam niya at ipinatong na lang niyang muli sa lamesita ang bouqet. At pumunta siya sa gate ng mansyon

Mainit noon dahil tanghaling tapat. Pero pinilit pa din niya. Kailangan niyang malaman kung sino ba talaga ito. She's having a conclusion na ang lalaki sa airport, yung nakita niya sa supermarket at ang nagpadala ng bulaklak ay iisa.

"Mang Edgar?" tanong niya habang nasa labas ng guard's office ng kanilang mansyon.

"Bakit po Ma'am Sophia?" balik na tanong sa kaniya ni Mang Edgar

"Nagpakilala po ba yung lalaking nagbigay ng bouqet?"

"Ay ma'am hindi po e." agad na sagot nito

"Nakuha po ba yung plate number sa cctv?" umaasang tanong ni Sophia

"Sige po ma'am titingnan ko po." magalang na sagot sa kaniya ng guwardiya

"Ah ehh ma'am sa maniwala't sa hindi po kayo, pero wala pong nakuha sa cctv na kotse na nagdala ng bouqet dito." sabi ng guwardiya pagkalabas nito

"Eh ma'am kung gusto nyo po ay itanong natin kay Johnny." suhestiyon nito

"Sige po." nakangiting sagot ni Sophi

"Tara po,tawagan nalang po natin sa telepono." pag aya sa kaniya

Pumasok sila sa loob ng guard's office at nakita ni Sophia ang computer na nakaconnect sa kanilang mga cctv. Nagdial si Mang Edgar ng numero sa telepono habang siya naman ay umaasa na malaman kung sino talaga ito.

"Pareng Johnny? Nandito si Sophia may gustong itanong tungkol sa mga napasok at nalabas diyan sa main gate." sabay lahad sa kaniya ni Mamg Edgar ng telepono

"Hello Kuya Johnny?" panimula ni Sophia

"Oh Sophia may gusto ka daw itanong?" tugon ni Kuya Johnny sa telepono

"Opo. Meron po bang unregistered visito na pumasok ngayong araw?" tanong ni Sophia sa guwardiya

"Wala naman pong naireport ngayon ma'am" diretsong sagot sa kaniya ng guwardiya

"Sige po, thank you po Kuya Johnny" at ibinaba na niya ang telepono

"Salamat din po Mang Edgar."

"Pasensya na po talaga ma'am di po nag-pakilala eh." paghingi ng paumanhin sa kaniya ng guwardiya

"It's nothing naman po eh. It's not your fault Mang Edgar. I'll go ahead na po." pamamalaam niya

Bigo siyang bumalik sa mansyon at hindi maalis sa isipan niya kung sino ba talaga iyon. Kaya mas minabuti nalang niyang abalahin ang sarili. Naisipan nalang niya na iarrange ang mga bulaklak sa vase.

Pumunta siya sa coffee table sa kanilang living room at tinawagan ang mga kasambahay.

"Ma'am Sophia, ano po ang kailangan niyo?" magalang na tanong sa kaniya

"Is that you Angge? Do we have any flower vase? I will arrange some flowers kase eh." tanong niya sa kasambahay

"Opo si Angge po ito. Ilan po ba ang kailangan ninyong vase?" ani Angge

"I need 5, is that okay?" tanong ni Sophia

"Opo, sige po at dadalhin na namin dyan sa kwarto ninyo." ani Angge

She ReturnedWhere stories live. Discover now